IV. Ever Enough

2K 39 4
                                    

Kulang pa ba? I thought action speak louder than words? Yung mga ginagawa ko towards her? Hindi pa ba obvious? Well, para sa ibang tao alam ko na pansin na nila. Pero bakit siya? Bakit hindi niya mapansin?

Vice keep on asking himself while staring at the bottom of his glass filled with wine.

Flashback

"Ah, Kurba. Pwede bang lumabas tayo mamaya. Namiss kasi kita eh! Isang linggo ka ring nawala." said Vice and clang his arms unto K's, while sitting on the couch sa DR mismo ng dalaga.

"San ba punta natin?" halata pa ang excitement sa boses ni Karylle at hinarap si Vice.

"Red Crab." agad na sagot ni Vice.

"Isama natin sina Anne!" suhestiyon ng dalaga kaya't napakunot naman ang noo ni Vice. "What?!"

'Alam mo, kaya nga gusto kong lumabas tayo para walang dadaot sa atin eh.' sa isip ni Vice habang nakatitig parin sa dalaga. "Ayoko! Dagdag bayad na naman. Tayong dalawa nalang kasi!" sambit ni Vice.

"Hindi lang naman pala ako ang kuripot eh." natatawang tugon ni Karylle. "Sige na. After Showtime, labas tayo, libre mo, diba?"

"Alanganaman. Ako nga nag-aya diba?" natatawa na din na sagot ni Vice.

"Oh my G! Is this real? Vice Ganda just asked me on a date?" pabirong sabi ni Karylle wearing her shocked face.

"Why not? Single ka naman, single din ako. Okay lang naman sa akin." nakangiti at pabirong sambit ni Vice na bahid ng punong katotohanan.

"Ewan ko sa'yo, Viceral!" and Karylle playfully pushed Vice away and nagtatawa.

"Wala namang mali dun ah?" ani Vice.

"Puro ka kalokohan!"

'My love for you was never a joke.' sa isip ni Vice at impit na napangiti ang kaniyang puso.

End of Flashback

Hindi naman sa lahat ng pagkakataon biro ang palagi kong sinasabi. Bakit hindi niya yun napansin?

He continued asking himself as his eyes watered.

Flashback

Sine mo'to segment. Sina Vice at Karylle ang napiling bida sa istorya, kaya't hindi mo talaga maiiwasan na meron silang scene na magkasama.

"Hindi ko talaga akalain na mamahalin kita tulad ngayon." Vice held Karylle's hand and stared her hazel brown eyes. "Hindi ko akalain na ikaw ang isisigaw ng puso ko, na muli akong magmamahal. Napapansin mo ba kung gaano kalalim ang pagtitig ko sa'yo? Parang tulad ng isang deep excavation sa construction site, tapos may signs ng 'Men at Work'." he japed kaya't natawa silang pareho, pero agad siyang bumalik sa kaniyang pwesto at mas malapit na ang mukha niya mula sa mukha ni Karylle. "Mahal na mahal kita, Kary---Kanesa." seryoso ngunit puno ng pagmamahal na sambit ni Vice cupping Karylle's left cheek.

'Napapansin mo ba na hindi ako nagbibiro?' sa isip ni Vice habang nakatitig sa mata ni Karylle.

"Brad? Wala sa script ah? Wala din namang adlib si Vice na nakalagay dito." nalilitong sambit ni Vhong habang tinuturo ang malaking libro sa harap nila.

"Shhh. Wag kang ano! Totoo kasi 'yan." bulong ni Billy na ngayo'y ngiting ngiti.

Maya-maya pa ay tumingin si Karylle sa prompter at binasa ang susunod na eksena o linya niya.

"Matagal ko nang dapat na sinabi ito sa'yo." pagbasa ni Karylle. "Mahal kita, Valejo." muli ay binasa lamang ni Karylle ang nasa prompter at nakangiting muling tinitigan si Vice na ngayon ay palihim na napapangiti ng napakapait.

The Pile | Vicerylle One Shot StoriesWhere stories live. Discover now