XVIV. The Myth (6)

1.1K 52 26
                                    


XVIV. The Myth (6) last na to XD


***


"Sinanay mo ako para lang paslangin ka! Karylle, sabihin mo nga sa akin kung may alam ka sa lahat ng 'to?!"

"Vice, wala akong alam sa lahat ng pangyayari ngayon. H-hindi ko alam." sagot ni Karylle at hinawakan ang magkabilang pisnge ni Vice.

"Karylle, bakit ikaw? Bakit kailangang ikaw?" at inakap ng binata ang prinsesa ng sobrang higpit habang pareho silang humihikbi.

"Hindi ko gagawin ang bagay na iyon bilang ang napili. Ipapangako ko sayong p-protektahan kita, kahit ano mang mangyari. H-hindi. Hindi pwede. Hindi ka pwedeng mawala sa akin."




Palaging magkasama ang dalawa sa bawat araw kahit na ba tila'y hindi katanggap tanggap ang maaring mangyari sa kanilang dalawa. Sadyang pinaglalaruan sila ng tadhana, at hindi nila gusto 'yon.

"Bakit hindi ka pa lumayo sa mahal na prinsesa gayung nalaman mo na na isa siyang halimaw na iyong papaslangin?" tanong ng matanda sa kaniya.

"Mahal ko siya. Hindi ko siya kayang layuan." seryoso ngunit puno ng sinseridad ang boses ni Vice.

"Mukhang naiba mo na ata ang magiging daloy ng bawat araw. Ngunit Vice ang propesiya ay propesiya." paalala ng matanda.

"P-protektahan ko siya, ano man ang mangyari." sagot ni Vice.

"Ganun mo talaga kamahal ang prinsesa?" at napangiti na ang matanda.

"Opo."

"Limang araw mula ngayon ay itinakdang araw." pagbibigay alam ng matanda.

"L-limang araw...


Itatakas ko siya, lalayo kaming dalawa." 

"Ngunit hindi niyo parin matatakasan ang tadhana, hijo." sagot ng matanda.

"Basta't kasama ko siya, iyon ang mahalaga."




"Ah, Vice. Pupunta lamang ako sa gubat upang mamitas ng prutas." nakangiting paalam ni Karylle kay Vice.

"Gusto mo bang samahan na kita?" tanong ni Vice sa nobya, habang siya'y nagluluto.

"Kahit hindi na. Malapit lang naman eh." sagot ng dalaga.

"Sige sige. Mag-iingat ka, ah." at binigyan ni Vice ng halik sa labi si Karylle.

Isang buwan. Isang buwan na ang nakalipas simula noong tumakas sila sa kaharian para lamang matakasan ang maaring mangyari sa kanila.

Ngunit tulad nga ng nasasabi, hindi matatakasan mo matatakasan ang tadhana.

Lubog na ang araw ngunit wala parin si Karylle. Hindi pa ito nakababalik sa bahay na kanilang kasalukuyang tinutuluyan.

"Karylle naman." pagkatapos ay sumilip si Vice sa labas at doon ay napagtanto niyang gabi na. 

Ito ang unang beses na nangyari ang ganito, at hindi maganda ang nadarama niya sa nangyayari ngayon. Wala nang ibang pagpipilian kundi ang sundan kung nasaan man ang dalaga, na hindi niya naman alam.

Dala ang apat na sandata ay agad na niyang hinanap hinanap ang nobya. Sinundan niya ang maaring naging daan ng dalaga, hanggang sa nakita niya ang piraso ng tela na alam niyang galing sa damit ng dalaga. At ilang hakbang doon ay may nakita siyang bakas ng dugo, lampara, sibat at katawan ng isang lalaki. Agad niya itong nilapitan at agad na inalam kung buhay pa ito. 

The Pile | Vicerylle One Shot StoriesWhere stories live. Discover now