XIII. All of the Stars

1.9K 42 2
                                    

XIII. All of the Stars


***


"All of these stars will guide us home..."

Start

"I'm sorry Mr. Viceral but it's Acute Myeloid Leukemia."



"Hey Love!" malambing ngunit masiglang bati ni Karylle sa asawa na kararating lamang ng bahay nila.

"How's the day of my Mrs. Viceral?" nakangiting panganga-musta naman ni Vice kay Karylle sabay yakap sa huli.

"I'm just so fine." sagot ni Karylle at marahang kumalas sa yakap. "Ikaw naman? How's your day sa ST? Ang harot niyo po dun." natatawang dugtong ni Karylle at bahagyang pinisil ang ilong ng nakangiti niyang asawa.

"Happy kasi ako. May pa-goodluck sex kaya ako bago umalis ng bahay." biro ni Vice na may nakakalokong ngiti habang nakatitig sa asawa, dahilan upang makatanggap siya ng hampas.

"Grabe ah! Ang vulgar naman ng bibig mo!" sagot naman ni Karylle ay humiwalay na sa asawa, kasabay ng paglalakad niya.

"Uy? San ka pupunta? Nagbibiro lang naman ih." natatawang tanong ni Vice sa asawa at agad itong hinabol. Matapos ay muli niyang itong niyakap ngunit ngayon ay mula na ito sa likod. He rested his chin against Karylle's shoulder at pumikit.

Sasabihin ko na sa'yo?

"Ang lambing naman ng Vicey ko." nakapikit na saad ni Karylle na dinadama rin ang yakap ng asawa. "May problema ba?" tanong naman ni Karylle at hinawakan sa batok ang asawa.

"Naglalambing lang, may problema agad?" sagot ni Vice at binigyan ng mumunting halik ang leeg ng asawa.

"You know what, pwede mo namang sabihin sakin, Love. I'm your wife and we promised each other about problems and secrets na hindi dapat manatiling secrets sa pagitan nating dalawa." paliwanag ni Karylle kasunod ng paghigpit ng yakap ng asawa.

Vice felt guilt after hearing those words from his wife. I'm sorry. his mind shouted.

"Look, wala namang problema. I'm just tired and alam mo naman na ikaw ang strength ko diba?" banat ni Vice upang mailihis ang paksa.

"Asus naman, bumanat ka pa." natatawang sagot ni Karylle. "Hey, I'll prepare our dinner first." paalam ni Karylle sa asawa. Hinarap niya ito at binigyan ng masuyong halik. "I love you."

"I love you, too."



Flashback

"I'm sorry Mr. Viceral but it's Acute Myeloid Leukemia."

"A-ano Doc? Alas syete palang po ah. Ang aga naman po ng joke niyo!" natatawang sambit ni Vice sa pag-aakalang nagbibiro lamang ang doktor.

"Ang ganitong mga bagay ay hindi talaga dapat na gawing biro, kaya totoo ang sinasabi ko." ani ng doktor dahilan upang mapatigil si Vice at mapabagsak ang kaniyang mga balikat. "I know that you didn't felt any symptoms, but sad to say ay nasa critical stage ka na." paliwanag ng doktor.

The Pile | Vicerylle One Shot StoriesWhere stories live. Discover now