XXXII. Something I Need (4)

1.3K 76 4
                                    


XXXII. Something I Need (4)

"Stayed awake and stared at you, so I wouldn't loose my mind..."



"Yung mga sinasabi mo, sinabi ko na sayo eh. Wala kang originality ah."

"Binabalik ko lang sa'yo yung mga sinabi mo sa akin. Parang mas kailangan mo kasi yun kesa sa kailangan ko yun. Ang lakas ng loob mong mag-advice sa akin nung brukhart ako, eh ikaw din pala. Hindi mo naman ina-apply sa sarili mo yung mga sinasabi mo."




Napakagat labi na lamang si Karylle nang maalala ang naging pag-uusap ni Vice two days ago.

"He is so right. Bakit nagkukulong ako sa nakaraan, eh hindi ko na nga maibabalik yun." Karylle said, talking to herself. "I should help myself."

Than after that she heard three knocks on her office's door.

"Ma'am Karylle nandito po si Ma'a---"

"Sir!"

"Si Sir Vice po pala."

Agad na napatayo si Karylle upang buksan ang pinto ng kaniyang opisina.

At nang buksan niya ito ay bumungad si Vice na may dalang chips at softdrinks, katabi si Edward.

"Bakit hindi ka nagtext na pupunta ka pala dito?"

"Surprise kasi kamo. Anyway.... Tadaaaa! Surprise!" magiliw na sambit ni Vice at itinaas ang mga dala niya.

"Uhm... Dito nalang tayo sa office ko." saad ni Karylle at binuksan pa ang pinto para papasukin si Vice, si Edward naman ay bumalik na sa trabaho.

Pumasok na si Vice at umupo sa couch ng opisina at doon inilagay ang mga dala niya. Umupo narin doon si Karylle, nasa gitna nila ang mga dala ni Vice.

"Okay ka na ba?"

Napatingin naman si Karylle sa binabae at sincerely na nginitian ang huli. Parang bata namang ngumiti si Vice pabalik nang makita ang ngiti ni Karylle.

"A bit. Eto na yung totoo, medyo medyo palang." sagot ni Karylle.

"Good to know! Alam kong malapit na."

Bakit si Vice? Bakit parang siya yung dahilan kung bakit gusto ko nang sumaya?

"Anyway... Ipapasyal talaga kasi kita kaya ako nagpunta dito. Magc-commute tayo, maglalakad para mas feel yung pasyal." nakangiting sambit ni Vice, na ngingata na ang isa sa chips na dala niya.

Napakunot naman ang noo ni Karylle sa sinabi ni Vice.

"Wag kang mag-alala teh, ako bahala sa pamasahe mo. Pramis masaya 'to."




Sakay sa jeep, sa tren, sa bus, sa tricycle, at pedicab, kahit kalesa hindi nila pinalampas. Kung saan saan lang sila nagpunta.

"Vice nauuhaw na ako." si Karylle, kasalukuyan silang naglalakad ni Vice sa side walk patungo sa kung saan mapagtripan ni Vice.

"Ah. Ayun oh, may tindera. Bibili akong tubig natin. Ay? Ano ba gusto mo softdrinks? Tubig?" habang naglalakad sila patungo dun sa tindahan.

"Tubig lang." sagot ni Karylle at nginitian si Vice.

"Ate, dalawa pong tubig. Yung malalaki na."

Agad na kumuha ang ale ng tubig mula sa cooler nito, at ibinigay kay Vice. Kinuha ni Vice ang tubig, ibinigay ang isa kay Karylle, sabay abot ng isang libo sa tindera. Nang maiabot ito ni Vice ay agad niyang hinawakan sa wrist si Karylle at hinila niya ng dalaga at tumatakbo. Gulat man si Karylle ay sumunod nalang siya kay Vice.

The Pile | Vicerylle One Shot StoriesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora