XXXII. Something I Need

1.9K 71 5
                                    


XXXII. Something I Need

"And if we only live once... I wanna live with you."


Tulala si Vice habang nakatitig sa kaniyang baso ng tequila na nasa harapan niya. Ang dalawang kamay niya ay nasa lap niya, slouchy yung likod niya habang nakaupo sa may silya ng bar counter ng bar syempre.

"Pasenya na talaga kung ano... Vice kasi, nangangailangan talaga ako. Kaya ko nagawang magpanggap na mahal kit---"

"Lumabas ka na kung ayaw mong makatanggap ng pektus sa lungs mo! Bwisit kang manloloko ko!"

Muling nagflash sa isip niya ang panlolokong ginawa ng jowa niya sa kaniya.

Agad niyang nilagok ang alak na nakaserve sa harapan niya and then asked for another glass.

"Matagal na kasi naming sinabi sa'yo na wala kang mapapala sa mga lalaking 'yan."

Napintig ang tenga ni Vice nang marinig ang sinabi ng kaibigang si Vhong na kainunam at karamay niya at the moment.

"Vhong nagmahal lang ako." pagsagot ni Vice.

"Walang mali sa pagmamahal, pero may mali sa taong minamahal mo."  sabat ni Billy.

"Kaya ko nga kayo pinapunta dito para may karamay ako, tapos puro kay sermon. Yung totoo, kaibigan ko ba kayo?" mapang-uyam na sambit ni Vice.

"Kaibigang nagpapayo."

"Maghanap ka na kasi ng girlfriend, brad!" panunukso ni Vhong sa kaibigan.

"Yuck Vhong! Tigilan mo ako! Kahit bali-baliktarin mo ang universe hindi ako papatol sa merlat! Kadiri!"

Muli ay bottom's up na ininom ni Vice ng tequila na nasa shot glass and asked for another.

Inilabas niya ang cellphone niya mula sa kaniyang bulsa dahil sa tuloy-tuloy nitong pag-vibrate, dahil sa mga texts, at ilang tawag.

Pasalit-salit ang titig niya sa basong nasa harap niya at sa cellphone niyang katabi ng baso niya.

Ilang segundo pa at tumawag ang kaniyang assistant kaya agad niya itong sinagot.

"Ma'am? Makakarating po ba kayo ngayong 6:00 pm? 5:30 na po ka---"

"I-cancel mo na lahat ng meetings and appointments ko sa day na 'to. Magpapahinga lang ako. Bye." at agad na niyang tinapos ang tawag, kasunod ay ininom muli ang tequila.

"Isa pa..." he requested from the bartender.

"Mahal na mahal kita, Baby Girl."

"Pesteng sinungaling!" sigaw ni Vice na ikinagulat ng lahat ng nasa loob ng bar. Eto kasi yung tipo ng bar na may acoustic lang na kumakanta sa may harap at hindi gaanong maingay kaya pag sumigaw ka, dinig ka.

"S-Sorry. Makinig nalang kayo dun kay ate girl na kumakanta." pagpapaumanhin ni Vice matapos maubos ang alak na nasa baso niya.

"Isa pa." he requested from the bartender again.



"Isha *hik* paaah."

Namumungay na ang mga mata ni Vice at namumula na ang pisnge dahil sa kalasingan. Panaka-naka na rin siyang naa-out of balance ngunit buti na lang ay nakakayanan niya pang isalba ang sarili. Actually nakadapa na siya sa counter ng bar, pero nakaupo parin sa kaniyang silya.

"Sir, kasi lasing na po kayo. May kasama po ba kayo?"

"Sshhh! Ikaw namaaaaan *hik* bigyan mo na hako ng isha paaa *hik* Walya akong kashama, hinhiwan na nilah kohh." sagot ni Vice na halos kinakain na ang mga sinasabi niya.

The Pile | Vicerylle One Shot StoriesWhere stories live. Discover now