XVII. Galway Girl (2)

1.2K 46 1
                                    

XVII. Galway Girl (2)

"You're my pretty little galway girl..."


Start

"Vice?" said Karylle with a smile on her face. "Hindi mo sinabi sa akin na may gig ka pala ngayon, and we're on the same bar." dugtong ni Karylle at naglakad na papalapit kay Vice na nakaupo sa hood ng kotse, na parang may hinihintay.

"No. Wala akong gig dito. One week akong walang gigs." paliwanag ni Vice na sinalubong si Karylle. Napakunot naman ang noo ni Karylle.

"So anong ginagawa mo dito? This place is too far from your place though. Siguro naman may enough reason ka kung bakit ka napadpad dito, diba?" may halong pagdududa sa boses ni Karylle at tumigil na sa paglalakad dahil may sakto nang space silang dalawa para mag-usap.

"Susunduin lang kita. Hahatid na kita sa condo mo." nakangiting sagot ni Vice.

"Vice?!"

"What?!" natatawang tanong ni Vice.

***

"Treat ko sa bar bukas!" pag-aya ni Karylle kay Vice habang magkausap silang dalawa late at night. Teenagers lang ang peg.

"Bar? C'mon Karylle. Napansin ko lang na madalas ka palang magbar ano?" natatawang komento ni Vice.

"Bakit ayaw mo ba? Okay lang! Sabihin mo lang." she tried to soung nagtatampo na nagpangiti kay Vice.

"No no no! That's not what I mean. Well, let's change plans nalang ano?" hindi naman sumagot si Karylle mula sa kabilang linya. "I'll jog with you tomorrow, then pagkatapos coffee tayo. Treat ko na." paliwanag ni Vice. He knows that Karylle can't resist jogs in the morning.

"Urgh! Why do you have to do this?" natatawang si Karylle sa kabilang linya.

"That means yes, right?"

***

"So siya yung baby girl ko, si Kate Yuzon." pagpapakilala ni Karylle sa anak niya kay Vice.

"Hi baby girl! I'm Tito Vice. Friend ni Mommy mo. Nice meeting you." nakangiting si Vice naman na lumuhod nang makapantay ang bata.

"Hello po." mahinang sagot ni Kate dahil sa nahihiya ang bata.

"Tito talaga Vice ah." side comment ni Karylle, dahilan upang pabiro siyang irapan ng kaibigan.

"Nga pala, Kate may dala akong food para sa'yo. I heard that you like spaghetti, kaya binilhan na kita. Tada!" sambit ni Vice at inilabas ang spaghetti na nabili nila a Jollibee, at inabot sa bata.

Nakita naman ng binata kung paano nagliwanag ang mukha ng bata na ikinangiti niya.

"Oooow! Spaghetti mommy! Thank you po Tito Vice!" nakangiting pagpapasalamat ng bata, at niyakap si Vice na hindi inasahan ng huli, pero ikinasaya niya naman.

"Okay. I'll leave you two para mag-usap ko, punta lang akong kwarto." nakangiting paalam ni Karylle at iniwan na ang dalawa.

"Dali, kandong ka nalang kay Tito, tapos susubuan kita ng spag." sambit ni Vice na agad namang sinunod ni Kate.

Habang kumakain ay puro kulitan ang dalawa, hanggang sa mapag-laruan na nila ang spaghetti at pinagpupunas sa damit at mukha nila ang sauce ng pagkain. Wala namang magagalit. Well...

"Kate? Vice?!" kunot noong si Karylle nang makitang madungis ang dalawa, na pati ang sahig ay may sauce na.

"Chugi na me. Ikaw kasi ih." bulong ni Vice kay Kate na sinisisi pa ito.

The Pile | Vicerylle One Shot StoriesWhere stories live. Discover now