FTLY 16

1.9K 104 3
                                    

JISOO

Ngayong araw na ang birthday ni Vlad. Pinipilit niya na sunduin niya kami pero sabi ko hindi na. Birthday niya kaya dapat hindi siya mawala sa party niya. Nag alok si Josh at Stan na sunduin kami since hindi namin alam doon kaya pumayag na kami. Iwas hassle na din. 20 years old na si Vlad ngayon.

"Jisoo tara na!" Rinig kong tawag sa akin ni Jennie.

Nandito pa din kasi ako sa kwarto at katatapos lang magbihis. Hindi naman daw engrande ang handaan at halos kami kami lang mga kaibigan niya at ilang kamag anak kaya naman nagsuot lang ako ng black shirt at maong pants tapos doll shoes. Kinuha ko sa ibabaw ng kama ang regalong nabili ko sa SM. Simpleng t-shirt lang siya na white. Wala kasi akong ibang maisip na pwedeng ibigay sa kanya. Relo sana kaso masyado ng mahal baka wala nang matira sa allowance ko.

Paglabas ko nasa sala na din sila. Ako na lang talaga ang inaantay. Naka shirt at maong pants nga lang kaming lahat.

"Oo nga pala girls. Magdala kayo ng extrang damit niyo. May swimming kasi." Sabi ni Stan.

"Talaga? Ay! Bet ko yan!" Sabi ni Rose bago tumakbo pabalik sa kwarto niya kaya ganun na din ang ginawa namin.

Isang sasakyan lang ang dala nila Josh. Para siyang mini van. Ang cute. Si Stan ang driver, sa tabi niya si Josh tapos siyempre kaming apat sa likod.

"Marami bang bisita?" Tanong ni Jennie.

"Nung dumaan kami kanina medyo marami na din. Nandoon na yung ibang mga kamag anak nila Vlad." Sagot ni Josh.

"Hindi ba nakakahiya yung suot namin? I mean, baka naman formal celebration yun?" Tanong ni Lisa kaya naman bigla din akong na conscious sa suot ko.

"You all look pretty." Sabi ni Josh, nang mapatingin ako sa salamin ay nakatingin din siya sa akin. Nginitian niya ako kaya ngumiti din ako sa kanya. "Isa pa may swimming naman kaya okay lang yan at di ba sabi ni Vlad isuot niyo yung kumportable para sa inyo. Tsaka may karamay kayo. Pare pareho nga tayong naka shirt at pants eh." Dagdag pa niya.

"All pretty daw tayo pero sayo nakatingin. Cheesy ah." Bulong ni Rose sa akin na may halong pang aasar. Napailing na lang ako.

Pagdating namin sa bahay nila Vlad ay nagulat kami sa sobrang laki ng bahay nila. Wow! Alam kong mayaman sila pero hindi ko akalaing ganito kalaki ang bahay nila.

May maliit na fountain sa harapan at maraming guard ang nagkalat sa paligid. Kailangan mo pang umakyat sa mahabang hagdan bago makapasok sa loob.

"Tara na. Nasa loob na sila." Aya sa amin nila Josh kaya bumaba na kami.

Ang laki talaga ng bahay nila Vlad. Sa likod kami dumiretso since pool party daw ang theme ng birthday ni Vlad. Maraming bisita pero mga kamag anak lang niya at ilang malalapit na kaibigan.

"What took you so long?" Bungad na tanong sa amin ni Vlad. "Kanina ko pa kayo hinihintay."

"Tumigil ka na nga dyan dude. Ang paranoid mo. Hindi naman itatakbo ni Josh at Stan si..-" Hindi na natapos ni Johnny ang sasabihin niya ng sikuhin siya ni Vlad.

"Happy birthday Vlad." Bati naming magpipinsan sa kanya.

"Thank you girls." Nakangiting sabi niya. "Kain muna kayo. I'll introduce you later to my relatives."

Naupo na kami sa isang mahabang lamesa dito sa garden nila. Pinahanda daw talaga ni Vlad ang pwestong ito para sa amin. Ang daming pagkain!

Nagsimula na kaming kumain habang nagkukwentuhan. Natigil lang kami ng dumating ang Mommy ni Vlad.

"Hi boys. Sorry nalate ako. May inayos pa ako sa office." Nakangiting bati niya sa amin. He kissed Vlad on his cheek. "Happy birthday anak." Ang ganda niya. She still looks young.

"Hi Tita." Bati naman ng boys.

"Mind to introduce me this beautiful young ladies?" Nakangiti siyang nakatingin sa amin.

Isa isa kaming pinakilala ni Vlad. Tuwang tuwa ang Mommy niya dahil sa wakas daw eh mukhang may nahanap ng seseryosohin ang anak niya. Paano ba naman kasi nung ako na ang pinakilala ni Vlad kay Tita Nica ay inasar kami nila Jin at Johnny na girlfriend daw ako ni Vlad.

Mga pashnea talaga to.

Sus! Kilig ka naman!

As if naman no!

Natigil kami sa pagkukwentuhan ng biglang may lumapit sa amin na pitong babae at isa isang nilapitan ang mga kasama naming lalaki na parehong mga gulat.

At siney ang mga itech?!

Fated to Love You (COMPLETED)Where stories live. Discover now