FTLY 62

1.2K 61 10
                                    

JISOO

Gulat lang ang makikita mong reaksiyon sa mukha ko ngayon.

Josh is proposing to me. He wanted us to get married.

What the??

"Sweetheart?" Nabalik lang ako sa realidad ng tawagin niya ako. "I'm sorry. I know you're not ready. Just forget about it." Ngumiti siya ng malungkot.

"I'm sorry Josh. Maybe we can talk about it some other time. Marami pa kasi akong gustong gawin. I mean, yeah you're right. I'm not ready for this." Nahihiya akong yumuko.

Hindi ko alam kung bakit ko sinasaktan ng ganito si Josh. Wala siyang ibang ginawa kundi ang mahalin ako pero ako? Heto at mahal pa ang ex boyfriend ko.

"Sana ako pa din ang gusto mong makasama habang inaabot mo ang mga pangarap mo." Mahinang sabi niya ngunit sapat na para marinig ko.

------------

Kinabukasan ay ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para makabawi kay Josh. Ipinagluto ko siya ng lunch namin ngayong araw. Ginawan ko din siya ng sandwich para sa miryenda. At balak ko siyang ayain magdinner mamaya after duty.

"Masarap ba?" Kinakabahang tanong ko. Kumakain kami ngayon dito sa cafeteria.

Nginuya nguya pa niya ang kinakain niya bago tumingin sa akin. Napangiti ako ng mag thumb ups siya sa akin.

"Sobrang sarap." Nakangiting sabi niya bago kumain ulit ng niluto kong adobo.

Sinubuan niya ako kaya sinubuan ko din siya. I just want this day to be perfect for us. Yung wala kaming iisiping iba. Yung kami lang talaga.

"May gagawin ka ba mamaya?" Tanong ko.

"Mamaya? After duty?" Tumango ako. "Bukod sa iisipin ka at tititigan ang pictures mo wala naman." Seryoso niyang sabi kaya sinapak ko siya ng mahina sa braso bago tumawa kaya tumawa din siya.

"Ewan ko sayo. Date tayo mamaya?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

"Are you sure? Hindi ka ba pagod nun?" Nag aalalang tanong niya.

"Ayaw mo yata eh." Nakapout na sabi ko.

Nagulat ako ng halikan niya ako sa labi kaya mabilis akong napatingin sa paligid. They are all looking at us, yung iba kinikilig pa.

"Of course gusto ko. Inaalala lang kita." Sabi niya.


Fated to Love You (COMPLETED)Where stories live. Discover now