FTLY 17

1.7K 109 5
                                    

JISOO

Nakakainis! Kanina pa kami na O-OP dito magpipinsan. Well, mukhang kinalimutan na kami nung pito. Narinig namin na mga classmate pala nila sa dati nilang school yung mga babae kanina. Nasa kabilang table na sila ngayon.

Purkit ba mas malalaki ang mga hinaharap nila kinalimutan na nila kami dito? Tss. Yun lang naman ang laban nila sa amin. Edi sila na wagi sa padibdiban.

Lalo pa akong nainis ng magsimula yung mga babae na haplus haplusin yung pito na mukhang gustong gusto naman.

"Bwisit na Jimin Tan to!" Bulong ni Jennie. "Jennie babes pala ha. Tss." Pagmamaktol niya.

"Kaasar na Jin Yu. Akala ko pa naman type ako kasi iba makatingin." Nakangusong bulong ni Rose.

"Uwi na lang tayo." Napatingin kami kay Lisa nang magsalita siya.

"Tama. Tara na." Pagsang ayon ko.

"No." Pagtutol ni Jennie. "Bakit tayo aalis? Hindi pa nga tayo nag eenjoy eh."

"Let's go to bar na lang." Sabi ni Lisa.

-----------

JOSH

Namiss namin sila Joy kaya naman pinuntahan muna namin sila sa table nila. Classmate namin sila sa dati naming school. Mababait naman sila, minsan nga lang matataray.

Napalingon ako sa table kung saan iniwan namin sila Jisoo. Napatayo ako ng wala na sila doon. Nasaan sila? Lumingon lingon ako sa paligid pero wala sila.

"Problem bro?" Tanong ni Jin.

"Nawawala sila Jisoo eh."

"What?" Sabay sabay nilang sabi at napatayo din.

"What happened?" Tanong nila Irene.

"Nothing. We need to go. Just enjoy the party." Si Vlad na ang sumagot.

Naghiwa hiwalay kami para hanapin yung apat pero wala talaga sila.

"Saan naman sila pupunta?" Tanong ni Johnny.

"Baka umuwi na?" Sabi ni Stan.

"Dapat talaga may naiwan sa kanila eh. Baka na OP yung mga yun kaya umalis." Sabi ni Jin.

"Oh! Happy birthday Vlad!" Nakangiting sabi ni Ana ng lumapit siya sa amin.

"Thanks." Sagot ni Vlad.

"Nakita mo ba sila Jisoo?" Tanong ko sa kanya.

"Oo. Uuwi na daw sila."

Nakakaasar talaga. Tss. Pumunta kami sa apartment na tinutuluyan nila pero wala sila.

"Where the hell did they go?" Naiinis na tanong ni Vlad.

We tried to call them but they're not answering their goddamn phone!

"Oh may post si Jennie babes sa fb account niya. Nasa bar sila." Sabi ni Jimin.

"What the hell?" Sabay sabay naming sabi.

At bakit nasa bar sila? Gabi na ah.

Pinuntahan agad namin ang bar kung nasaan sila. Nakapunta na kami dito dati kaya naman kilala na din kami dito.

Marami pa ding tao dito ngayon pero yung apat lang ang hinahanap namin.

"Damn it!" Nagulat kami ng sumigaw si Stan.

Tinignan namin kung saan siya nakatingin at nakita namin ang mga hinahanap namin na bagsak na sa mga upuan nila habang pinapalibutan ng limang mga lalaki.

Mabilis kaming nagtungo sa kanila.

"Lumayo kayo dyan!" Sigaw ni Raphael.

Napalingon sa amin ang limang lalaki.

"Kami ang nauna dude. Hanap na lang kayo ng iba."

Nagdilim ang paningin ko lalo na ng makita kong hinawakan nung isa ang mukha ni Jisoo kaya naman susuntukin ko na sana siya ng maunahan ako nila Vlad at Stan na mukhang mga papatay ng tao.

Gumanti ang mga kasama niya kaya naman napalaban kaming pito.

"Wag mong hahawakan ang babes ko hinayupak ka!" Sigaw ni Jimin.

Nagsimulang magkagulo sa bar pero dahil mas marami kami ay natalo sila.

Kanya kanya kaming buhat sa mga babae at sinakay sa mga sasakyan namin.

Fated to Love You (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz