FTLY 43

1.2K 73 4
                                    

JISOO

Nakatingin lang ako kay Vlad na abala sa cellphone niya. Kanina pa siya may tinatawagan pero mukhang hindi niya macontact. Nandito kami ngayon sa Jollibee. Ang sabi kasi niya ay babawi siya sa akin pero parang hindi naman ganun ang nangyayari.

"Baby." Ginamit ko pa ang malambing kong boses pero hindi man lang siya lumingon sa akin. "Baby."

"Hmm?" Sagot niya pero sa cellphone pa din ang tingin niya.

Okay. I give up. Kinuha ko ang bag ko at lumabas na lang.

"Wait baby." Pigil sa akin ni Vlad. "Bakit lumabas ka? May gusto ka bang puntahan na iba?" Tanong niya sa akin.

"I just want to go home." Pikit mata kong sagot.

"Why? Are you not feeling well?"

"Yes!" Hindi ko na napigilan at napasigaw na ako. "Isn't it obvious Vlad? Ang sabi mo babawi ka sa akin pero anong nangyari? You're busy with your phone! Sinong tinatawagan mo? Mas importante ba kaysa sa akin?"

Gulat lang siyang nakatingin sa akin pero hindi nagtagal ay biglang umamo ang mukha niya. Pumikit siya ng mariin.

"I'm sorry baby. Wag ka ng magalit please."

"Tapatin mo nga ako Vlad." Huminga ako ng malalim bago magpatuloy sa sasabihin ko. "Are you cheating on me? May iba ka na ba?" Naiiyak kong tanong.

"Of course not!" Sagot ni Vlad sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit kaya naman lalo akong naiyak. "Alam mo namang mahal na mahal kita di ba? Tsaka bakit pa kita ipagpapalit sa iba?" Humiwalay siya sa akin at tinitigan ako sa mata. Hawak niya rin ang dalawang kamay ko. "Ni minsan hindi ko naisip na makipaghiwalay sayo tapos iisipin mong may iba ako? Parang sinabi mo na din na namatay na ako. Mahal na mahal kita baby." Pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang sarili niyang kamay. "Stop crying please. Hindi ko kayang makita kang ganyan." And then he kissed me on my forehead.

-----------

Hindi ko alam kung nasaan na kami ni Vlad. Ang sabi niya kanina ay pupunta kami sa hideout nila para ipaliwanag sa akin ang lahat. Sinundo na din daw ng mga kaibigan niya ang mga pinsan ko.

Pagdating namin ay nagulat ako dahil hindi siya mukhang hideout. Mukha pa ngang mansyon eh. Malayo sa mga napapanood kong hideout ng mga gangsters.

May pinindot siyang remote na galing sa dashboard at kusang bumukas ang malaking bakal na gate ng sinasabi niyang hideout nila. At paglingon ko sa likod para tignan kung may magsasara ba ng gate ay nakasara na ito. Ang galing. Automatic.

Pagpasok namin sa loob ay mas lalo akong humanga sa hideout nila. Sosyalin kasi masyado. Halatang mamahalin lahat ang mga gamit.

Nakaupo na sa sala ang mga kaibigan namin pati ang mga pinsan ko.

"What now? Sino ang kaaway niyo this time?" Tanong ni Jennie.

Napakunot ang noo ko sa narinig ko. Pagtingin ko kay Vlad ay nakatingin din siya sa akin.

"May kaaway kayo?" Tanong ko sa kanya.

"Gusto kaming gantihan ng gang na nakaaway namin dati. Yun ang pinagpaplanuhan namin ngayon kaya medyo busy kami." Paliwanag niya sa akin.

"Pero bakit? Kailangan ba talagang pumayag kayo? Hindi ba tumigil naman na kayo? Nag quit na kayo sa pagiging gang right?" Tanong ko ulit.

"Kailangan naming pumayag Jisoo kasi kung umatras kami idadamay nila kayo." Paliwanag ni Josh.

"Pero kakayanin niyo ba?" Nag aalalang tanong ko.

"No. Nakausap ko na si Alex kagabi. Pumayag siyang tumulong." Bumuntong hininga si Vlad bago hawakan ang magkabilang balikat ko. "I just want to keep it as a secret baby. I don't want to make you worry pero nung pag isipan mo akong may iba kaya busy ako lately, hindi ko kinaya. I love you so much. Kaya wag kang mag alala. We'll win this fight." Sabi niya at hinalikan ako sa noo ko.

I trust you Vlad. Make sure you'll all be safe.

-------------

Hi guys! I have a surprise for all of you. For sure magugulantang kayo hahahahaha. Salamat sa mga patuloy na nagbabasa.

Fated to Love You (COMPLETED)Where stories live. Discover now