FTLY 41

1.3K 79 8
                                    

JISOO

Feeling ko hindi na ako makahinga nang pasadahan ako ng tingin ng Daddy ni Vlad. Seryoso pa din ang mukha niya.

"Where is your son?" Tanong niya kaya Tita Nica.

"Nagpalit lang ng damit. Wag mo naman takutin ang bata." Paalala ni Tita sa kanya.

"Hi Dad!" Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Vlad. Lumapit siya at nakipag fist bump sa daddy niya.

"Nice choice son." Sa wakas! Nginitian din ako ng Daddy niya. "Anak nga kita. Magaling ka din pumili haha." Napuno ng tawanan ang mansion pero heto ako at nangingiting aso lang.

"By the way hija. I'm Vladimir Smith. Vlad's Dad." Nakangiting pakilala niya sa akin. "I won't mind if you'll going to call me Dad also."

Natapos ang dinner namin na masaya. I mean ang saya kausap nila Tita idagdag mo pa si Tito na may pagkakwela pala. Now I know kung bakit minsan nagiging alien si Vlad.

"Balik ka ulit hija." Nakangiting sabi ni Tita.

"Ingat kayo. Son, take care. Bye Jisoo. Next time, you can invite your cousins here." Sabi ni Tito.

"Salamat po Tita, Tito." Nakangiting sabi ko bago ako humalik sa pisngi nila.

---------

"Dad and Mom likes you." Napatingin ako kay Vlad dahil sa sinabi niya. Nakangiti lang siya habang nagmamaneho.

"Yeah. Salamat ha. Thank you kasi pinakilala mo ako sa parents mo."

"Baby, kahit sino naman kung ikaw ang girlfriend eh talagang ipagmamalaki ka sa mga magulang nila."

Hinampas ko siya ng mahina kaya naman natawa kami pareho. Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko habang ang isang kamay niya ay nakahawak sa manibela.

"I love you baby." Sabi niya bago halikan ang kamay ko.

"I love you too baby." Nakangiting sabi ko.

----------

Ewan ko kung ilang minuto na akong nakatayo dito sa tapat ng apartment. Seriously? Nasaan na ba si Vlad? Walang text. Walang calls.

Inis akong naglakad papunta sa sakayan ng jeep. Kung hihintayin ko pa siya ay malalate lang ako. Pagkasakay ko sa jeep ay nagbayad agad ako. Sinulyapan ko ulit ang cellphone ko pero wala talagang text si Vlad. Did he forget this day? Nakalimutan ba niya kung anong meron ngayong araw na ito?

Nalungkot ako sa naisip ko na baka nawala sa isip niya ang tungkol sa araw na ito. Ilang araw din siyang palaging busy. Minsan nga pinapakiusapan niya si Josh na ihatid ako pauwi dahil may kailangan daw siyang asikasuhin.

Tamad na tamad akong naglakad papasok sa school. Nakayuko lang ako at halata ang pagiging matamlay ko.

"Good morning Ms.Jisoo." Narinig kong bati sa akin ng guard pero hindi ko pinansin.

Napatingala na lang ako ng may marealize ako. Bakit ako kilala ng guards? I mean hindi naman kasi ako sikat. Nagkibit balikat na lang ako bago nagpatuloy sa paglalakad pero napahinto ulit ako ng may mag abot sa akin ng isang pirasong pink rose. May nag abot pa sa akin ulit hanggang sa magmukha na akong walking garden.

Seriously? Ano to?

Nagulat na naman ako ng biglang may malaking tarpaulin na bumagsak sa building namin at talagang nanlaki ang mga mata ko ng mabasa ko ang nakasulat doon.

Happy 1st monthsary baby! I love you always and forever.

Yun ang nakasulat at may picture pa kami ni Vlad habang nakahalik siya sa pisngi ko.

Hinanap agad ng mata ko si Vlad. Nakita ko siyang naglalakad palapit sa akin habang may hawak na isang bouquet ng red roses.

Napatakip ako sa bibig ko nang maramdaman ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko sa hindi malamang kadahilanan. Kung dahil ba sa naiiyak ako kasi akala ko nakalimutan niya ang monthsary namin o dahil sa sobrang saya at kilig na nararamdaman ko.

"Happy 1st monthsary baby." Nakangiting bati niya sa akin. "I'm sorry for making you cry today. Alam kong nagtatampo ka sa akin dahil naging busy ako nitong mga nakaraang araw. I just want to make this day special for you. I love you baby." Sabi niya at hinalikan ako sa noo.

"I love you too baby." Naiiyak kong sabi.

Fated to Love You (COMPLETED)Where stories live. Discover now