FTLY 54

1.1K 68 7
                                    

JOSH

Nagulat na lang kami ni Stan nang biglang tumakbo palayo si Jisoo.

"Jisoo! Sweetheart!" Tawag ko pero hindi siya lumingon.

"Anong nangyari dun?" Tanong ni Stan.

Sinundan na lang namin siya. Nakita kong pumasok siya sa room ng pasyente niya. Baka may emergency.

Pero iba ang nakita ko..

Napangiti ako ng mapait. I'm familiar with this feeling. Yung feeling na panakip butas ka lang at kapag bumalik na yung original iiwan ka na.

Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano siya yakapin ni Jisoo. Nang girlfriend ko..

"V-vlad?" Gulat na sabi ni Stan.

Gusto kong matuwa dahil after two years ay nakita na namin ang kaibigan namin pero hindi ko magawa.

"V-vlad! Ikaw ba talaga yan?" Tanong ni Stan ng maglayo na sila Jisoo at Vlad.

Mukhang naguguluhan si Vlad. Nakatingin lang siya sa amin ng kunot noo.

"Sorry ah, pero sino ba kayo? At sino si Vlad? Tisoy ang pangalan ko." Nanlaki ang mga mata ni Jisoo at Stan.

"Vlad. Ako ito si Jisoo. Sila Stan at Josh, mga kaibigan mo sila." Paliwanag ni Jisoo.

"Sorry talaga miss pero hindi ko talaga kayo kilala." Sabi ni Vlad.

----------

Hinintay namin ang out naming tatlo bago pumunta sa condo ni Raphael. Pagkatapos tawagan ni Stan ang mga kaibigan namin ay napagdesisyunan naming sa condo ni Raphael magkita kita.

Kahit nagtataka at naguguluhan ay pumayag naman si Vlad na sumama sa amin.

Pagpasok namin sa unit ni Raphael ay kumpleto na sila kasama ang mga girls. Sabay sabay silang tumayo at isa isang niyakap si Vlad. Kahit nagulat ay nagawa nilang ngitian ang kaibigan namin.

"Vlad! Anong nangyari sayo?" Tanong ni Kuya sa kanya.

Isa isa silang tinignan ni Vlad.

"Teka lang ha. Sino ba talaga kayo?" Naguguluhang tanong niya.

-----------

"Kung ganoon may amnesia siya." Seryosong sabi ni Raphael.

Nandito kaming lahat sa sala maliban kay Vlad na nasa kusina at kinakain ang nilutong lasagna ni Kuya. Matakaw pa din siya.

"Ano kayang nangyari sa kanila ni piggy noon? At nasaan na kaya ang baboy na yun?" Tanong naman ni Jimin.

Fated to Love You (COMPLETED)Where stories live. Discover now