FTLY 65

1.4K 72 14
                                    

JISOO

Pag uwi namin sa Manila ay umuwi ako agad at dumiretso sa ospital. Kainis naman kasi. Late na nga ako, bangag pa. Sad life talaga.

Go Jisoo! Takbo pa more!

Pagpasok ko sa loob ng locker room ay nagulat ako sa nakita ko.

Isang Josh Yu na walang damit pang itaas lang naman ang bumungad sa akin. Nakatalikod siya kaya hindi niya ako napansin. Magpapalit siya ng uniform namin.

See that body Jisoo?? Yan lang naman ang sinayang mo. Likod pa lang ulam na. Hay. Hala! Ang manyak naman ng dating.

Aalis na sana ako ng bigla naman siyang humarap sa akin. Parehong nanlaki ang mga mata namin pero nakabawi siya agad.

"Jisoo." Ngumiti siya sa akin. Nakaramdam ako ng saya at lungkot. Saya dahil sa wakas pinansin na niya ulit ako at lungkot dahil Jisoo na lang ang tawag niya sa akin. "Kanina ka pa?" Tanong niya.

"H-hindi naman. Kadarating lang." Saglit kaming nagkatinginan. "Sige. Alis na ako."

Aalis na sana ako ng bigla niya akong hilain papasok sa locker room at biglang....

Niyakap. Kayo ah! Akala niyo nagkiss kami no? Huehue.

"I miss you." Bulong niya sa akin. "I miss you so much sweetheart."

Parang biglang dinurog ang puso ko. I miss this guy too. Miss ko na yung mga tawanan namin pag magkasama. Miss ko na din yung mga panahong ako lang ang pinapansin niya. Yung pag aalaga niya sa akin. The way he always tell me that he loves me. I miss them all.

Pumikit ako at niyakap din siya. Inalala ko ang mga masasayang araw namin pero nagulat ako ng bigla ko ding maalala ang mga nangyari sa amin ni Vlad kaya bigla akong humiwalay sa kanya.

Nagtatanong at nagtataka ang mga mata niya ng tignan ko siya.

"I'm sorry." Sabi ko bago tumakbo palayo.

After lunch break ay pinauwi ako ng head nurse namin. Mukha daw kasi akong pagod at puyat. Nakakaawa daw akong tignan.

Pumunta muna ako sa malapit na park at tumambay. Medyo maraming tao ngayon kahit mainit. May mga batang naglalaro, may mga matatandang nagbabasa ng dyaryo, may mga magdyowa na sweet sweetan sa isa't isa. Tss. Walang poreber!

Bumuntong hininga ako bago ko kinuha ang cellphone ko. Makapagbasa na nga lang sa wattpad.

Nasa kalagitnaan na ako at paiyak na sana dahil nakipagbreak yung bidang babae sa boyfriend niya nang biglang may tumayo sa harapan ko.

Pagtingin ko ay si Vlad pala. Seryoso siyang nakatingin sa akin kaya tinignan ko din siya. Naluluha na ang mga mata ko kaya nag iwas na ako ng tingin. Sakit sa mata mga bes!

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya habang nagbabasa sa wattpad. Sad life, wala talagang poreber!

Okay. Ako na ang bitter. Tsk.

Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko.

"Just want to say goodbye personally." Dahil sa narinig ko ay bigla akong napatingin sa kanya.

"Huh?" Tanong ko baka kasi mali ako ng dinig.

"I'm going to America." Feeling ko bigla akong tinakasan ng bait. Aalis siya? "Napag isipan kong doon ipagpatuloy ang pag aaral ko." Iiwan niya ulit ako?

"Okay. Good for you." Nagpanggap akong walang pakialam kahit gusto ko ng itanong kung kailan ang alis niya.

"I'll be leaving later. I'll stay there for 3 years. Siguro kung sipagin ako babalik ako dito pero kapag okay naman na ako doon I'll stay there for good." Pumikit ako ng mariin.

Bakit nasasaktan ako? Dapat sanay na ako eh. Iniwan din niya ako dati. Wala naman ng bago doon. But I chose this right? Pinili kong layuan siya. Bakit ganito?

"Goodluck. Wish you luck." Sabi ko at tumayo. "Alis na ako. Bye."

Paalis na sana ako pero napahinto ako ng marinig ko ang sinabi niya.

"After three years at pareho pa din tayong single will you give me another chance? Will you give us another chance?" Pagtingin ko sa kanya ay seryoso siyang nakatingin sa akin. "Pinipilit ko. Pinipilit kong layuan ka, iwasan ka, kalimutan ka pero hindi ko magawa. Sa sobrang pagmamahal ko sayo Jisoo nakalimutan ko ng kaawaan ang sarili ko sa paghahabol sayo. Sa sobrang pagmamahal ko sayo hindi ko magawang bigyan ng puwang ang ibang tao sa puso ko. Hindi ko na alam kung paano tumawa at maging masaya ng totoo dahil alam kong wala ka na sa akin. Sa araw araw na ginawa ng Diyos, I'm always asking myself, kung hindi kaya ako nawala tayo pa din ba? Ganoon pa din kaya yung pagmamahal mo sa akin tulad noon? Can I make you happy?" Nakita ko ang mga namumuong luha niya sa kanyang mga mata. "Sa sobrang pagmamahal ko sayo, hindi kita mabitiwan."


-----------

Habang sinusulat ko ito nararamdaman ko ang mga namumuong luha sa mga mata ko. Chos! Huehue. Salamat sa mga sumusuporta!

Fated to Love You (COMPLETED)Where stories live. Discover now