FTLY 26

1.6K 112 11
                                    

This chapter is dedicated to @HannaMaeMello .. Salamat po sa votes and comments 😁😁

-----------

JISOO

Pagkatapos kong magkulong dito sa kwarto ay hindi pa ulit ako lumalabas. Tanghalian na. Gusto ko ng lumabas at kumain pero sa tuwing naiisip ko na nandoon din si Vlad ay parang ayaw ko na lang lumabas.

Ano bang nangyari sa lalaking yun? Pwede bang bumalik na lang siya sa silent and sungit mode niya? Mas bet ko yun eh.

"Jisoo! Kain na tayo!" Kanina pa din kumakatok ang mga pinsan ko.

Narinig kong kumalam ang sikmura ko kaya napailing ako. Okay Jisoo! Lalabas ka para kumain. For pete's sake! Kagabi pa ako walang kain!

Tamad na tamad akong bumangon at lumabas. Pagdating ko sa dining area ay nakaupo na silang lahat pwera kay Jin na naghahain ng mga niluto niya.

"Thanks God lumabas ka na sa kwarto mo." Sabi ni Rose.

"Kain na Jisoo." Nakangiting aya ni Josh sa akin kaya nginitian ko din siya.

Ramdam ko ang titig ni Vlad sa akin pero ginawa ko talaga ang lahat wag lang mapatingin sa kanya.

Kalma lang Jisoo. Uuwi na din naman kayo mamayang hapon. Kung sakaling mag aya ulit sila na bumalik kayo dito wag ka ng sumama.

Pero gusto ko din. Gusto ko siyang makita??

At sino ang gusto mong makita bruha ka?!

Syempre si ano..

Si..

Sino ha?!!

Si Vlad nga!!

What the hell? At saan galing yun? Huhu. Lapastangan ka kunsensiya! Manahimik ka nga dyan!

Okay. Kain lang ng kain Jisoo. Pakabusog ka. Wag mong pansinin ang titig sayo ni boy sungit na naging si boy cheesy na yata.

"Jisoo bukas na lang pala tayo uuwi. May pupuntahan tayo nila pandak." Muntik na akong mabilaukan ng marinig ko ang sinabi ni Jennie.

Hindi dahil sa tinawag niyang pandak si Jimin kundi dahil sa sinabi niyang bukas pa kami uuwi. Seriously? I want to go home na! Okay. Medyo pabebe yun.

Tumango na lang ako sa kanya kahit gusto kong sabihin na mauuna na lang ako umuwi.

------

"Wow! Ang ganda nito oh! Bili tayo Lisa."

Binabawi ko na! Binabawi ko na yung sinabi ko kanina na gusto ko ng umuwi. Nandito kami ngayon sa bayan at mamaya daw pupunta kami sa perya! Yehey!!

"Jisoo naman. Ang dami na nating nabili oh." Pinakita sa akin ni Lisa ang tatlong plastic na hawak niya at tinuro naman niya ang dalawang plastic na hawak ko.

"Eh ang daming maganda eh. Sige na. Nasaan na ba sila?" Tumingin tingin ako sa paligid sa sobrang dami ng tao nagkahiwahiwalay kami ng mga pinsan namin.

Pero if I know. Kasama lang nila ang mga boylet nila. Tss. Iniwan kami para sa mga lalaki nila?!

"Magnanakaw!" Sigaw ko ng biglang may umagaw sa mga dala ko.

"Mukha ba akong magnanakaw? Really? Sa gwapo kong ito?" Okay. Si Vlad pala yun. Gwapong magnanakaw. Hihihi.

Whuuut Jisoo?!

Wala ah!!

Hmm.

"Nakakagulat ka naman kasi. Bigla biglang nang aagaw." Pagtataray ko sa kanya.

"Isa lang naman ang ninakaw ko." Seryosong sabi niya.

"Talaga? Nagnakaw ka na? Iww ka talaga. Buti di ka nakulong?"

"Yung halik lang naman sa pisngi mo ang ninakaw ko. Ipakukulong mo ba ako?"

Muntik ko na siyang batukan! I swear!

"Tumahimik ka na nga dyan!" Ano ba yan?! Ang init na naman ng pisngi ko.

My God! Nag blush na naman ako dahil kay Smith!

Fated to Love You (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin