FTLY 23

1.6K 101 7
                                    

LISA

Nandito na kaming lahat sa bahay nung Alex na kumuha kay Jisoo. May mga nabaril na sila Vlad na tauhan ni Alex. Nakatago kami nila Jennie at Rose sa isang gilid. Ang usapan kasi kapag lumabas na si Alex at matiyak na sugatan na ang mga tauhan niya  ay hahanapin namin si Jisoo. Sa ngayon ay nakikipagsuntukan pa sila Vlad.

"Tama na!" Sabay sabay kaming napalingon sa sumigaw. Si Jisoo kasama yung Alex.

"Umalis na kayo dito. Ako na ang bahala." Utos ni Alex sa mga tauhan niya. Ayaw pa nilang umalis pero wala din silang nagawa kundi sundin ang boss nila.

Kami kami na lang ang natira kaya naman lumabas na din kami sa pinagtataguan namin. Napangiti si Jisoo ng makita kami.

"Put down your guns. Walang baril si Alex dito. Iniwan niya sa kwarto." Nasa tinig ni Jisoo ang pagmamakaawa. "Please guys! Kaibigan ko siya. We're friends."

"What the hell are you talking about Villarama?" Iritadong tanong ni Vlad kay Jisoo bago binaba ang baril niya.

"Mahabang kwento. I'll tell you next time but now itigil niyo na to. Itigil niyo na ang away niyo." Hinawakan niya ang kamay ni Alex. "Alex promised me na tatapusin na niya ang kung anong away meron kayo. He won't bother you anymore guys."

"Anong ginawa mo sa pinsan namin ha?!" Sigaw ni Jennie kay Alex.

"I like your cousin so I'm willing to do what she wants. And I realized that I can have her without getting her to you." Seryosong sabi ni Alex.

Napatingin ako sa mga kasama ko. Nakatingin lang sila kina Jisoo at Alex. Hindi nakaligtas sa akin ang matalim na tingin ni Josh sa magkahawak na kamay ng dalawa.

"Buti naman natauhan ka Alex. Akala ko dadanak pa ang dugo mo dito eh." Mayabang na sabi ni Raphael bago ibalik sa bulsa ang baril niya.

"Langya! Hindi man lang ako pinagpawisan. Sana pinatagal niyo muna to." Sabi ni Johnny at mayabang na hinipan ang baril niya.

Napailing na lang ako. Napatingin ako kay Josh na kunot pa din ang noo hanggang ngayon. Nagseselos ba siya dahil magkahawak ang mga kamay nila Jisoo at Alex?

Pwes! Nagseselos din ako dahil nasa iba ang atensyon niya.

----------

JISOO

It's been a month since the kidnapping day. Medyo okay naman na sila Vlad sa grupo nila Alex at hindi na sila masyadong nagkakagirian.

Bakasyon na din ngayon at nandito na kaming magpipinsan sa Batangas. May compound ang angkan namin dito kaya naman hindi kami nalalayo sa isa't isa.

Napatingin ako sa phone ko na nagvivibrate. Nandito kasi ako ngayon sa terrace namin nagpapalipas ng gabi at nagpapaantok. Napakamot ako sa pisngi ko ng makita kong si Alex ang tumatawag. Napabuntong hininga na lang ako. Ang kulit niya ah. Isang linggo na akong nakauwi dito at wala siyang palya sa pagtawag at pagtext sa akin.

Next week naman ang dating nila Vlad dito. Doon sila sa rest house nila Johnny mag sstay. Hindi naman masyadong malayo dito sa compound namin pero hindi din naman malapit. Kailangan pang sumakay ng tricycle para makarating sa rest house nila. Sabi ni Johnny tabi daw iyon ng beach kaya naman inaya nila kami na pumasyal pagdating nila.

Sa wakas! After 5 minutes ay natapos din ang pagtawag ni Alex. Hindi ko na sinagot dahil magkausap lang kami kanina. Seriously? Hindi ba siya nauubusan ng kwento?

Ngayon naman ay nagvibrate ang phone ko para sa isang text message.

Napakunot ang noo ko ng makita kong kay Vlad galing ang text. Simula kasi nung kidnapping day ay hindi na niya ako pinansin. Suplado na naman ang peg niya. Kinuha ko ang phone ko at binasa ang text niya.

From: Supladong Vlad

Villarama bukas na ang dating namin dyan. Are you busy tomorrow? We'll fetch you and your cousins tomorrow afternoon. Let's bond.

Napataas ang kilay ko. Bukas na ang dating nila? Akala ko ba next week pa? At bond? Para ano? Para makabawi sa hindi pagpansin sa akin ng isang buwan?

To: Supladong Vlad

K.

That was my only reply to him. Naiinis pa din ako sa kanya. Ako na nga ang nakidnap parang ako pa ang mali.

I think I'll never understand you Smith.

Fated to Love You (COMPLETED)Where stories live. Discover now