FTLY 31

1.5K 98 6
                                    

JISOO

Today is wednesday so it's Josh day!

Yun nga lang. May bagyo kasi ngayon kaya suspended ang classes. Kaya naman hindi tuloy makaporma si Josh sa akin. Natatawa ako sa tuwing naiisip ko yung pagmamaktol niya kanina ng tumawag siya sa akin.

Nakakainis daw dahil sayang ang araw na sana ay magkasama kami pero sabi ko naman ay bukas na lang kami lumabas para hindi din unfair sa kanya.

"Ang kulit mo talaga!" Napatingin ako kay Rose ng sumigaw siya. Kausap niya kasi si Jin sa phone. "Wag na nga. Kita mong bumabagyo oh! Wag na.. Bukas na lang..."

Nandito kaming magpipinsan sa sala na parehong mga nakatambay lang. Walang magawa eh.

"May nag doorbell." Sabi ni Jennie. Like a boss eh.

"Ako na magbubukas." Sabi ni Lisa.

"Hello guys!" Nagulat kami ng marinig namin ang boses ni Johnny at ayun nga sila pala ang kumatok.

"What the hell?!" Sigaw namin at kumaripas ng takbo papunta sa kwarto dahil pare pareho kaming walang suot na mga bra. Sanay kasi kaming apat na wag magsuot kung kami kami lang naman ang nandito sa bahay.

Seriously?! Anong trip ng mga ito at dumayo dito sa apartment ng walang paalam and to think na bumabagyo pa.

"Jin naman! So ibig sabihin nung kausap kita kanina OTW na pala kayo?!" Sermon ni Rose ng makalabas kami.

"Sino ang may pakana nito?!" Kalmado pero iritadong tanong ni Jennie sa kanila.

"Lahat kami." Sagot ni Raphael. "Naisipan lang namin since wala kaming magawa."

"At kami talaga ang naisip niyong bulabugin?" Tanong ko naman.

"Sorry Jisoo, pero tuloy pa din yung date natin bukas ha. Nag usap na kaming tatlo na pag aagawan ka namin ngayon." Nakangiting sabi ni Josh.

"Ano ako laruan?!"

"No. You are more like a territory that needs to be mark by me." Nakasmirk na sabi ng dakilang si Vlad.

Bwiset!

"Ewan ko sa inyo!"

Nakatingin lang ako sa kanilang pito na ngayon ay nanonood ng movie. Nagkatinginan kaming magpipinsan at sabay sabay na napailing.

"Hindi pa ba kayo uuwi? Alas nuwebe na ng gabi." Sabi ni Lisa.

Yeah right! 9pm na pero nandito pa din ang mga bakulaw na to pero okay na din naman dahil masarap ang kinain naming tanghalian at hapunan kanina dahil si Jin ang nagluto at may dala pa silang mga pagkain.

Kaya nga lang. Maghapon ng bukas ang tv at dalawang electric fan namin dahil kahit bumabagyo ay naiinitan daw sila. Baka mag over heat na ang appliances namin at syempre tataas ang electric bill namin.

"Grabe naman kayo girls. Bumabagyo oh. Ang lakas ng ulan pauuwiin niyo kami?" Nangongonsensiyang sabi ni Johnny.

"Nakarating nga kayo dito ng bumabagyo eh." Sabi ko.

"Eh kanina kasi walang baha. Baka nga ngayon bumabaha na sa daan." Sagot ni Jin.

"So anong gusto niyong sabihin? Na dito kayo matutulog ngayong gabi?" Inis na tanong ni Jennie.

"Oo." Sagot agad ni Jimin. "I will be your blanket for tonight Jennie babes. Malamig ang gabi." Nakakatakot ang ngiti niya. Mukhang may gagawing hindi maganda.

"Walanghiya! Manyakis na pandak!" Sigaw ni Jennie at binato ng unan si Jimin kaya naman natawa na lang kami.

I guess wala nga kaming magagawa kundi patulugin muna sila dito.

------

"Oh my gosh! Kadiri ka Jin! Hahahahaha." Kanina pa kami tawa ng tawa dito kasi kanina pa din nagpapatawa si Jin ng mga ginawa daw niya nung bata siya.

Well, a simple bonding will do dahil pare-pareho kaming hindi makatulog.

"Ikaw naman Josh." Natatawang sabi ko habang nagpupunas ng luha sa mata kakatawa.

"Nakakahiya eh." Nahihiyang sabi niya.

"Naku! Kung natawa kayo sa kwento ko mas nakakatawa ang kanya hahaha." Sabi ni Jin.

"Well." Panimula ni Josh na para bang nagdadalawang isip kung itutuloy pa. "Nung grade 2 ako dumura ako sa harap ng salamin at bumalik ulit sa mukha ko."

Natawa na lang kaming lahat sa sinabi niya.

"Seriously? Hahahaha. Babalik talaga sayo yun." Natatawang sabi ko.

"Did I turned you off?" Nahihiyang tanong sa akin ni Josh.

"Of course not! Bata ka pa noon and I find it cute." Nakangiting sabi ko.

Huminga naman siya ng malalim na para bang nabunutan siya ng tinik.

Nang kami na ang tinanong nila ng most embarrassing moments namin ay nag aya na kaming matulog.

"Ang daya!!" Sigaw ng boys.

Fated to Love You (COMPLETED)Where stories live. Discover now