Chapter 63

204K 2.5K 99
                                    

CHAPTER 63

I woke up with the sun's ray on my face. Unti unti kong dinilat ang mga mata ko. Umaga na pala. "Uhh.."

I almost cursed myself for letting out a small moan. I almost forgot na nasa loob nga pala ako ng kotse ni Dylan! And kasama ko pa ang mga anak ko. Oh my.. agad agad kong nilingon ang dalawa at laking pasasalamat ko talaga nang nakita kong tulog na tulog pa rin sila.

"Good. You're awake." Narinig kong sbai nya. Realizing that I slept and woke up having Dylan near me makes me want more of him. If only I could do that with him beside me. I silently sighed before looking outside.

Puro yate ang nakikita ko sa labas! "Where are we going???" Alarmang tanong ko sakanya.

"Away."

"Dylan!" I shouted. And that was the worst thing I have ever made! Nagising bigla ang kambal at talagang sabay pa silang nagmulat ng mata. Oh, great.

"Mama!" Sabay nilang sabi.

"I'm here." Sabi ko habang hinahaplos sila pareho.  Their eyes wandered at malamang sa malamang narealize nilang wala sila sa kama at lalong lalo na wala sa kwarto.

"Gutom akuuuu. Milk!" Naiiyak na sabi ni Andrea. Kumaripas ako ng pulot sa handbag ko na pinaglagyan ng gatas and diapers nila. I mentaly cursed myself for not having a prepared milk for them kaya ngayon eto, kelangan ko magtimpla. My gosh.

DYLAN'S POV

I saw them from the rear view mirror. Nagpprepare ng gatas si Maxine para sa kambal nyang bagong gising. Napangiti ako sa sarili ko nang makita ko ang lalaki nyang anak na nakakunot ang noo at nakafist ang dalawang kamay. Marahil ay inaantok pa ito. Parang ako lang. Lagi din kasing nakakunot ang ulo ko pag nagigising ako dahil sa ingay o istorbo, lagi rin akong nagfifist ng kamay kapag gusto kong bawiin ang tulog ko pero hindi ko magawa. I saw myself in him.

Sayang. They are not my kids. Baka nangyaring ganun lang talaga ang habit ng ibang bata, hindi ba?

I smiled wryly.

Pinark ko ang kotse ko sa gilid kung saan nakita ko ang isang tauhan namin. I looked at the backseat before leaving. Ni halos hindi ata napansin ni Maxine na nakahinto na ang kotse. Masyado syang busy sa pagtimpla ng gatas. I went out and gave my keys sa tauhan namin bago ko binuksan ang pintuan ng backseat.

As I opened the door, a pair of eyes opened and stared at me. I felt something familiar, yun bang parang matagal ko nang nakita ang mga mata na iyon.

"PAPA!" The little guy suddenly shouted. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Sa pagsigaw ng abatang iyon, naagaw ang atensyon ni Maxine. When I took a glance at her, nagulat ako dahil para syang naubusan ng dugo at higit pa dun, halata ang pagkagulat sa mukha nito.

Perfect Pleasures (PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA'S SIZZLE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon