Chapter 3: The Chosen

9.2K 300 24
                                    

Twila's POV

Nang dumating na si Alisha nag bow ako sa kanya. Respeto lang sa reyna.

"What are you doing, your highness?" Tanong ni Alisha. Nag-bow, obvious diba?

"Edi rumerespeto sa reyna." Sabi ko. At tumayo na. "Teka, Queen Alisha bakit nga ba your highness ang tawag mo saakin?" Nagtataka kong tanong. I didn't get the chance to ask her earlier dahil nagmamadali ako.

"'Cause you're my princess. Just call me Alisha, your highness. Come now, you still need to go to your dorm." Sabi ni Alisha at pinasakay na ako. Wow, sanaol naman princess, pinagsasabi neto.

"Adik ka ba, Alisha?" Naibungat ko sakanya, tumawa naman ito. "Oo nga pala, Alisha 'di mo sinabi saakin na ang famous mo ha, pa-fansign naman!" Sabi ko. At lumipad na siya. Dumadampi ang malamig na hangin sa balat ko, ang sarap sa feeling!

"Teka, sino ang na ka sakay sa queen?"

"Di ko pa siya nakita dito."

"Famewhore."

Sari-saring reaksyon na naman. Bakit ba big deal sa kanila 'to? Sabagay, queen of alicorns and unicorns nga e, bobita.

Binaba ako ni Alisha sa 'Girls Dormatory' at tinulungan niya din akong maghanap sa dorm number ko.

"Thank you so much, Alisha, I couldn't have made this far without you. Sige na, pwede ka nang gumala." Sabi ko kay Alisha. Tumango lang siya at umalis na.

Nilagay ko ang key sa keyhole pero bukas na pala to. Sino kaya ang dormmates ko? Mababait kaya sila? Medyo worried ako kasi baka mga maldita dormmates ko. Mabait pa naman ako, hindi ko kaya mag-sungit-- echos!

Pag-bukas ko ng pinto, ang bumungad saakin ay dalawang babae. Infairness ang ganda nila. Ang isa ay itim ang kulay
ng buhok, pula naman ang sa kasama niya.

"Hi, new dormmate! I'm Ally Farkson, and this is Freysha Splashlin." Sabi ni red haired girl tapos tinuro niya si black haired girl. "So, what's your name?" Tanong ni Ally.

"I'm Twila Adriana Ynn Ford, pero just call me by my first name. Nice to meet you." Nakangiti kong sabi. Ngayong ko lang din napansin na ang laki pala nang kwarto dito! Parang isang bahay bes! May tatlong kama at yung nasa hulihan yung akin.

Umupo ako sa bed ko--- hoy! Anong klaseng foam gamit dito? Ang lambot! Lumapit sila Ally saakin at naupo sa kaharap na kama.

"Anong magic or ability mo?" Tanong ni Freysha.

"I'm not sure, pero I don't think I have one." Sabi ko sakanila. Kumunot naman ang noo nila habang nakikinig saakin. "To be honest, ayaw ko nga maniwala na may ganyan, pero napaniwala ako sa alicorn, which by itself is impossible not believe in." Sabi ko. Totoo, sa alicorn lang ako nakapaniwala talaga, kahit na ulit-ulitin ni tita yung 'magic' di talaga ako maniniwala sa kanya. I mean, who wouldn't, I got to experience flying, which is something not possible without modern technologies.

"Paanong wala kang ability? Nakikita mo ang school? Normal kang tao?" Tanong ni Ally. Eh anong meron ng nakikita ko ang school? Eh sa malamang, may mata ako. "Pwede pala yun?"

"I guess?" Patanong kong sabi. "Dinala lang naman ako ng tita ko dito eh." Paliwanag ko.

"O....kay." Freysha said in a doubting tone. "So, anong class ng Alicorn mo? High class? First class? Second class? Or ordinary?" Dagdag ni Freysha.

"Ha? I'm not quite sure what you're talking about, wala namang sinabi si Headmistress." Sabi ko. Sino ba kasing mag-a-akala na may class class pa pala. 

Lemuria Academy: The Lost Princess of InfiniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon