Chapter 25: Gutom

6.5K 196 5
                                    

Twila's POV

Nandito kami ngayon sa condo namin, were watching TV. Nabobored kami eh.. Biglang may cellphone na nag ring.

"Its mine" Angkin ni Ivy, tsaka tumayo at tinungo ang table at kinuha ang phone nya na nasa table at kumayo muna bago ito sinagot.

"Wait, nabanggit ba ni HM ang School natin?" Asked Aqua. Teka nga, di pa nga nasabi saamin ni HM.

"Lemme call HM---" Di ko natapos ang sabihin ko nang nagsalita si Ivy.

"Saint Alexis tayo mag-aaral, ready na lahat, di na natin kailangan pumunta sa principals office, diretso na tayo sa room natin, which is Advisory of Ms. Silva. Teacher natin noon Twila." Aha! Thats why its so familiar! Humayghad... Babalik kami sa old school namin? Humayghad... Can I even face it?

"Ipapadala daw mga school utensils natin later -tingin sa relo- mga 8:30 pm or so." Sabi niya. Tiningnan ko din relo ko, to see what the time is. Its already 7:30, we havent eaten yet since that afternoon. Tumunog naman ang tiyan ko. Aroooy dzong...

"Gutom na ako." Sabi ni Aqua sabay tingin saakin. Tumingin din saakin si Ivy, nag-puppy eyes pa ang dalawa.

"Dont me, wala ako sa mood mag-luto." Sabi ko. Agad namang nag-pout ang dalawa.

"May alam ako na resto dito, masarap ang mga pag-kain atsaka mura lang!" I said as I remember Manang Rechie's Resto.

"Wait binigyan ba tayo nang pera?" Tanong ni Aqua. Nganga naman kami.

"Wala?" Asked Ivy,

"Pano na to???" Sabi ni Aqua sabay facepalm. Hay nako!

"Pasalamat kayo dinala ko pera ko, iiwan ko sana to, pero naalala ko mundo ng tao to, lahat may halaga, kaya dapat may pera. Hays, hali na nga kayo, pasalamat kayo ah." Sabi ko sabay palabas ng pera ko, at nilagay ang pera sa table muna. Nag-iipon ako eh.

"Yaaaaassss!!!!!"

"Ang boys?" Tanong ni Aqua.

"Kasali, kaya tara na gutom na ako." Sabi ko sabay palabas ng key sa condo unit na to. Pinauna ko silang lumabas para ma lock ko ang condo unit. Mahirap na, baka makunan pa kami dito. Sumasakit na ulo ko sa gutom.

Kinatok ni Ivy ang  boys condo, pero walang nino man ang bumakas nun.

"Huy boys!" Sigaw pa ni Ivy sabay katok na malakas. Pinihit ko ang doorknob, uy open pala. Sinenyasan ko si Ivy na siya na ang pumasok, she shook her head, then whispered na ako ang pumasok. Both of us looked at Aqua na nakatingin sa sahig. Then later on looked at us, she again shook her head. Hays, kaya ako nalang ang pumasok.

Madilim... Walang tao sa sala, mukhang nasa loob nang mga kanikanilang kwarto. Hayz boys.

"One... Two... Three." I breathed deeply. "BOOOOOOYYYSSSSSSSS!!!!! SUNOOOOOG!!!!" I shouted. Its sound proof naman, so di maririnig ng kabilang condo, dito lang talaga.

"Saan saan saan!!?" Sigaw ni Ian sabay palabas ng Ice. Si Flame naman lumabas din sabay ready para higupin ang Sunog. Si Sky ay hindi na nag-abala, baka mapalala lang. How did I know? Simply lang, binasa ko utak nila.

"Tara na kakain tayo." I said tsaka tumalikod.

"Huy nasaan ang sunog!!"

"Nasaan na?"

"Tulog pa ako nun eh!"

"Walang sunog Ulol! Ang tulog niyo kasi, kanina pa kami katok ng katok, gutom na kaya kami." Sabi ko sabay lakad palabas. "Tawagin nyo na rin si Vlad, gutom na kami mheghed."

Lemuria Academy: The Lost Princess of InfiniaWhere stories live. Discover now