Chapter 58: Too Much

2.2K 69 10
                                    

Twila's POV

"Alisha, why can't I talk to mom." Sabi ko kay Alisha habang nakahiga ako sakanya.

"Honestly, I also don't know your highness." Pag-aamin ni Alisha, napabuntong hininga naman ako.

"What am I going to do?" I said to her habang nakatingin sa kalangitan. I skip class often to stay with Alisha, we're at the Xterya Forest.

"You have to make him remember." Alisha said.

"You know I've been trying to do that since Vlad opened his eyes from a long coma, and he doesnt listen, and ayaw din makinig saakin ang Royalties, and they are avoiding me." Mapait kong sabi. 2 weeks have passed since that incident, yung nasampal ko si Ivy, and the two of them are getting close and di ko alam paano ma-isolate si Vlad from them.

"I... also don't know your highness." Sabi ni Alisha. Di ko mapigilang mapiyak, hinayaan naman ako ni Alisha, di ko namalayang nakatulog na pala ako.

***

"Twila wake up." Gising saakin ni Ally. Kaya napabalikwas ako sa kama ko. "Dinala ka ng Alicorn mo dito." Dagdag niya pa nang makitang nagkatataka ako.

"Ah okay." Sabi ko at naupo and pinet si Chizu na natutulog.

"U-uhm do you want us to get food for you or—"

"Sasabay ako." Sabi ko at tumayo para mag bihis ng normal na t-shirt at nag leggings lang.
Madalang kasi akong pumupunta ng food hall, this week hindi talaga ako kumakain sa food hall, it's either dinadalhan ako nila or di ako kakain.

Lumabas na kami at pumunta ng food hall para kumain ng dinner.

Habang papasok kami ng food hall may mga mata agang tumingin saakin. And maraming bulong-bulong tungkol nga sa nangyari these past few weeks.

Nang naupo na kami napatingin ako sa gawi ng Royalties, masaya silang nagkekwentuhan, nagtatawanan pa nga. Nang magtama ang paningin namin ni Aqua, agad siyang nag iwas ng tingin.

Si Vlad naman ay masayang pinagmasdan si Ivy na kumakain, ang saya nilang tingnan na wala ako.

"What a pity." Rinig ko. Kaya napatingin agad ako sino nagsabi nun. Lasine. "Kawawa ka naman Twila." Dagdag niya, nasa harap ko siya ngayon. Masama ko siyang tiningnan, ngayon pa talaga siya nagpakita na inis na inis na ako.

Ako lang mag-isa sa table namin kasi bumili sina Ally ng pagkain.

"What do you want?" Malamig kong sabi sakanya. Tumawa naman siya ng malakas drawing more attention to us, pati din ang Royalties napatingin dito.

"Kawawa naman ang na-kick out sa Royalties!" Mas nilakas niya para marinig ng iba. "Na realize ba nilang di ka talaga magaling?" Pabalang niyang tanong.

Napatingin ako sa Royalties na ngayoy nakayuko habang si Vlad at Ivy walang pakealam at naglalandian.

"Leave me alone. You don't know anything." Sabi ko at naupo ng maayos. "Kahit ano pang sabihin mo..." tumitig ako sa mata niya. "Mas malakas parin ako keysa sayo." Nakita kong nagalit siya.

"Naka-chamba ka lang nung exams," galit niyang tugon. "Nag-cheat ka diba?" Naka-ngisi niyang sabi. Napasinghap naman ang ibang nakikinig.

"Why would I cheat na kayang kaya naman talaga kita." Diretsa kong sabi. Dahil sa galit niya agad niyag inabot ang leeg ko at sinabunutan ako, causing my necklace to fall and break. Matalim ko siyang tiningnan. "You're gonna regret this."

I had enough of her, I twisted her arm at agad kong sinipa ng malakas ang sikmura ni Lasine. Napa-lipad naman siya sa kabilang side ng Food Hall at napasalampak sa wall. Lalong suminghap ang nanonood, halatang gulat, ako din nagulat nang mapalipad siya ng ganon.

I-I didn't mean to do that!

Kitang-kita ng dalawang mata ko ang dugong nag-uunahang tumulo mula sa ulo ni Lasine. She's unconsciously laying at the food hall floor. Marami naman agad na pumunta sa gawi ni Lasine.

"O my god!"
"Lasine is bleeding so much!"
"She's unconscious!"

Masama silang tumingin saakin. Shock was evident sa mukha ng mga Royalties, kasama si Vlad.

"Call the nurse!"

They are in panic, halos silang lahat abala kay Lasine. I couldn't control my strength, I already told her to leave me alone.

"Twila is a monster!"
"Bakit niya nagawa yun!"
"Ang lakas niya!"
"Kawawa si Lasine!"

Galit sila lahat na tumingin saakin.

Dahan-dahan ko namang inabot ang sira kong necklace, this was the only necklace my late mother gave me.

"Twila what have you done?" Hysterical na tanong ni Ally.

"I-I already told her to leave me alone— and it was an act of defense, she came at me first." Sabi ko.

"I know, pero look at Lasine, she's unconscious." Sabi ni Ally.

"What's wrong with that? Ayaw niyo din naman sakanya eh." I blurted. Ally looked at me with disbelief in her eyes.

"That was too much Twila, nag-aagaw buhay si Lasine ngayon!" Sabi ni Freysha. Guilt then crawled into my system... d-di ko sinadya.

Natahimik naman kami, as we looked at Lasine na ngayoy dala-dala ng dalawang Alicorns. Teachers came rushing nang malaman anong nangyari, the students told them its me.

But they didn't bother come at my direction. Sumunod lang sila kay Lasine na wala paring malay, dadalhin siguro sa hospital.

Unti-unti nang nawawala ang mga tao sa cafeteria. Tumayo na din ang Royalties para umalis, they glanced at me na para bang ang laki ng kasalanan ko, the look of disappointment, at agad na din umalis.

Naiwan kaming tatlo ni Ally at Freysha.

"L-let's go." Aya ni Ally saamin at nauna na, sumunod naman si Freysha. Tumayo na din ako at pinagmasdan silang naglakad palayo.

Am I being too much?


There! After days nag-update na rin hehe. Sooo, I will update after a few days ulit, don't come at me huhu wala akong maisip talaga e.

I hope you liked the update hehe.

Phb rl

-Ms. A

Lemuria Academy: The Lost Princess of InfiniaWhere stories live. Discover now