Chapter 11: She knows?😯

8.1K 264 4
                                    

Twila's POV

"Twiiilaaaaaaaa! Waaakeeee uppppp!!!! Mag-shopping pa tayooo!" Sigaw ng kunsino. Napabangon naman ako.

Its my Birthday. 18th birthday.

"Anong Meron bakit tayo mag-shopping?" Tanong ko.

"May ball mamaya! To celebrate the Birth of the Princess of Infinia, we don't know where she is. Walang pasok ngayon kasi kailangan daw nating mag-ready." Sabi ni Freysha. I know where the Princess is.

'My deaaaar! Happy Birthday! Mamayang 8:30 p.m Makukuha ang Kapangyarihan mo.' Sabi ni Mom. Napangiti naman ako.

'Thanks Mom, mamayang..... 2:00 ako pupunta dyan.' Sabi ko sa utak ko.

"Huuuyyyy!!! Earth to Twilaaaaaa! Sabi ko! Maligo kana kassiiiiii!" Nangigigil na sabi ni Ally. Kaya naligo naman ako.

No one knows na ngayon ang birthday ko, except nalang kay HM.

Pagkatapos kong maligo, nagbihis ako ng Blue Jeans tapos Simple White-ish Blue na Shirt. Tapos Converse na sapatos.

"Ghhhaaaad! Ang ganda mo naman Twilaaaa!" Sabay na sabi ni Ally at Freysha.

"Teka nga, bat ka gumanda lalo ngayon? Ha? Anyaaariiiii!" Sabi ni Freysha. May kinalaman ba ito sa Birthday ko? Oo, kanina nga yung naligo ako, napatingin ako sa salamin, medyo nga. Parang ang blooming ko kasi.

Lumabas na kami at nagtungo sa 'Lem Mall' Mall nila dito sa Lemuria Academy.

"Teeekaaaa ngaa!" Sabi ko. Hila hila nila kasi Ako.

"Ito oh Twila. Ay ito pa, Ay ito! Try this!"

"Wag yan! Ito Twila! Pink!"

"Wag! Violet mas nice!"

"No no no! Green!"

"Baduy! Akin yan!"

"Oh Twila ayan, tapos ito pa, tapos ito, tapos---- Itong lahat i-try mo." sabi ni Freysha. Sabay bigay ng napakaraming Gown.

"Ito rin Twila." Sabi ni Ally sabay bigay ng Napakaraming Gown rin. Tapos pinapasok nila ako sa fitting room nila dito.

Sinuot ko yung Violet off shoulder na gown. Tapos may glitters sa gown na to, the glitter is colored silver. Paglabas ko.

"No." "Yes!"

Sabay na sabi nila Freysha at Ally.

"Absolutely no!" Sabi ni Freysha. Sumimangot naman si Ally. Pumasok nanaman ako.

---

Na-try ko na lahat. Actually, the gowns are wonderful, pero sabi ni Ally at Freysha, may mas maganda pa daw. Kaya ako nalang ang pinapili nila. Kaya andito ako ngayon, namimili.

-BOOOGGSSSHH-

Napalingon ako. May edad na babaeng staff, nahulog niya pala ang mga dala sila niyang mga T-shirt. Kaya tinulongan ko siya.

"Nako nako nako! Salamat talaga hija." Nakangiti niyang sabi.

"Walang anuman po." Nakangiti kong sabi. Binitbit ko yung Kalahati ng mga T-shirt, bale hati kami ng dinadala. "Saan nyo po ito ilalagay?" Tanong ko.

"Halika Hija." Sabi niya. Sinundan ko nalang siya.

Tapos nagpunta kami sa likod ng Kwartong ito. Nilagay ko ang mga T-shirt sa Box na nasa gilid.

"Salamat talaga Hija. Ano bang kailangan mo? Kanina pa kita nakikitang problemado." Natatawang sabi ni Lola Vera. Sinabi na niya pala ang pangalan niya.

Lemuria Academy: The Lost Princess of InfiniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon