🌸CHAPTER 5🌸

12.9K 271 9
                                    

Chapter 5

Cattleya's POV

"Sorry? Palagi na lang ba na sorry ang sasabihin mo? Walang paliwanag? 'yan na lang ba ang alam mo?" Napamaang ako nang marinig iyon. Gusto ko magpaliwanag para idepensa ang sarili ko pero paano ko sisimulan? Naramdaman ko ang panunubig ng mga mata ko. Alam ko naman ang ginawa kong kasalanan kaya dapat ko lang siguro tanggapin ang mga sasabihin niya.

"Nagsawa ka na ba sa lalaking pinili mo? Sa pinalit mo sakin? Tell me, naka-ilang lalaki ka na ba?"

Isang malakas na sampal ang dumapo sa kaniyang kanang pisngi. Natigilan din ako dahil nagulat ako sa ginawa ko.

Pero nagulat ako nang bigla niya akong hawakan sa ulo at siilin nang maalab na halik ang aking labi. Nanlalaki ang mga mata ko habang ramdam na ramdam ko ang galit sa halik niyang iyon. Pinilit ko siyang itulak pero malakas siya.

Naramdaman ko na naman ang matagal ko nang kinakalimutang pakiramdam.

Ang tibok ng puso ko ay ay bumilis. Tila muling bumalik sa normal na pagtibok kapag kasama ko siya.

Ilang sandali na marahas ang mga halik niya sa akin. Nakapasok na rin ang dila nito na parang may hinahanap. Sinubukan ko siyang kagatin. Pero hindi umubra. Nalasahan ko pa ang dugo sa bibig niya pero patuloy pa rin siya sa marahas na paghalik sa akin.

Ang kaniyang kamay ay gumapang na sa iba't-ibang parte ng aking katawan.

Gusto ko kumawala sa kaniya pero sobrang higpit ng hawak niya sa katawan at ulo ko. Pero ang puso ko, gustong-gusto tumugon sa mga halik nito.

'I missed him so much...'

Ang damit ko ay itinaas na rin niya kaya ramdam ko ang lamig ng aircon.

Mabilis din niyang naalis ang hook ng aking bra at nahantad ang mayamang dibdib ko.

Hindi na ako lumaban. Tinugon ko na lang ang mga halik niya.

'Ang tagal na panahon kong hinintay na muling mangyari sa amin 'to'

Kumawala siya sa paghalik sa akin. Tiningnan niya ko sa mga mukha ko bago bumaba ang mga mata niya sa dibdib ko. Hinawakan niya ang isa roon at marahang hinaplos. Ramdam na ramdam ko ang pananabik niya.

"Ganito ba ang ginagawa ninyo ng lalaking pinalit mo sa akin?"

Tila nagunaw ang mundo ko nang marinig iyon. Buong lakas ko siyang tinulak at saka sinapal ng dalawang beses.

"How dare you!" sigaw ko sa gitna nang pag-iyak. Yinakap ko ang aking katawan na halos hubad na.

Narinig ko siyang tumawa nang mahina bago nagsalita. "Bakit? Mas magaling ba ko kaya dalang-dala kita?"

Hindi ko siya sinagot. Mabilis kong inayos ang sarili ko. Iyak lang ako nang iyak. Gusto ko na umalis. Naiinis ako sa sarili ko.

'Bakit ba kasi ako pumayag? Bakit ba ko umasa na matatanggap niya kong muli?'

Nang makapagbihis ako ay lalabas na sana ako nang bigla siyang magsalita. "Saan ka pupunta?"

"Sa lugar kung sa'n pwede akong mag-isip," sagot ko habang nakatalikod ako sa kaniya.

"Saan? Sa lalaki mo?" Hindi na ako nakapagpigil. Lumapit ako sa kaniya at pinaghahampas ang dibdib niya.

"Ano bang pinagsasasabi mo? Bakit mo ba ko palaging sinasabihan na may lalaki? Ano bang kasalanan ko sa'yo?" tanong ko sa gitna nang paghampas ko sa dibdib niya. Iyak pa rin ako nang iyak dahil nasasaktan ako sa tuwing sasabihan niya ako ng ganoon.

LUST, LOVE AND PASSION (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin