🌸EPILOGUE🌸

15.6K 271 13
                                    

Epilogue

Third POV

"MOMMY!" Masayang nilingon ni Cattleya ang anak na si Tyrone. Kabababa lang nito sa school bus na service nito. Kasalukuyan kasi siyang nagdidilig ng mga halaman sa garden. Doon na kasi sila nanirahan sa mansyon nila Steve at ng ama nitong si Sergio.

"Hi, Baby. Kumusta ang maghapon sa school?" tanong niya sa bata nang makalapit na ito. "Hmm... ang asim mo!" Bahagya pa siyang nagtakip ng ilong.

Ngumuso naman ang anak niya pero muli ring ngumiti, "Ayos lang po. Ano pong meryenda?" Excited na tanong nito sa kaniya. Kunwari pa siyang nag-isip pero mayamaya lang ay binulungan niya ito.

Napa-wow na lang si Tyrone saka sabik na sabik na nagtatakbo sa loob ng masyon. Natatawa siyang naglakad pasunod sa makulit na anak.

Maingat siyang humakbang sa mga batong nakadisenyo sa garden. Nakahawak pa siya sa kaniyang tiyan na magwawalong buwan na.

"Mommy! Look, may binigay po na toy si Mommy Agatha. Ang ganda!" Natatakbo itong lumapit kay Cattleya. Nasa entrada na siya ngayon ng pinto.

"Wow! Ang ganda naman ng new toy ng baby ko." Ngiti niyang wika, "Magpalit ka na ng damit mo tapos kakain na tayo ng favorite mong mocha cake." Lalong lumawak ang ngiti ng anak niya saka ito tumalikod at kumaripas ng takbo paakyat sa taas.

Hinimas niya ang kaniyang tiyan. Bahagya pang gumalaw ito dahilan upang mapangiwi siya.

"What's wrong? Manganganak ka na?" ani Agatha na mabilis na lumapit sa kaniyang kinatatayuan.

Isang malapad na ngiti ang sumilay sa mukha niya, "Ang over acting mo," turan niya na lang. Ngumuso lang ito sa akin saka tumalikod. Naglakad ito papunta sa sofa at prenteng umupo.

"E, malay ko ba r'yan. Nasaan nga pala si Steve?" tanong nito.

Tiningnan niya ito.

'Kahit na ilang buwan na ang lumipas ay hindi ko pa rin maiwasan ang mailang sa kaniya. Oo, bumalik kami sa dati bilang magkaibigan pero... nandoon pa rin ang 'awkward' moment'

"Nasa office pa. Mamayang 5 o'clock ang uwi no'n." Humakbang si Cattleya ng dahan-dahan papunta sa kitchen habang nakalagay ang mga kamay niya sa sariling tiyan, "Thank you nga pala sa cake na bigay mo. Kanina nung sinabi ko kay Tyrone na may mocha cake siya ay kaagad na tumakbo para magpalit ng damit."

"No worries." Lumapit ito sa may harapan ng drawer kung saan nakalagay ang mga platito at kutsara pati tinidor. Kumuha siya ng tag-tatlo para sa kanila at sa bata, "Tuloy ba ang party ni Ty sa Sunday?"

Tumango si Cattleya. Hawak na niya ngayon ang box nung cake at maingat na ipinatong sa lamesa.

"Yes. Everything is settled." Sinimulan niyang mag-slice ng pagkain saka naglagay sa mga platito, "Huwag kayo mawawala, a. Inaasahan kayo ni Tyrone." Inabot niya ito sa kaibigan niya.

"Naman! Excited na nga kami ni Mommy."

"Mommy!" ani Tyrone nang makalapit sa kaniya. Yumakap ito sa ina ganoon na rin sa kinalakhang ina, "Kakain na po ako." Maganang kumain ang tatlo kasabay ng kwentuhan. Nagtatawanan at naglolokohan pa ang magkaibigan dahil inaalala nila ang kanilang mga karanasan noong nasa highschool pa lamang sila.

"Mommy, pauwi na po ba si Daddy?" tanong ni Tyrone sa ina. Tapos na silang kumain at namamahinga na lamang sa sala.

"Yes, ilang minuto na lang ay nandito na siya. Naiinip ka na ba?"

"Medyo po. May ipapakita po kasi ako sa inyo, e." Nagtataka naman siyang napatingin sa kaibigan.

"Ano ba yung ipapakita mo?" ani Agatha.

LUST, LOVE AND PASSION (COMPLETED)Where stories live. Discover now