🌸CHAPTER 26🌸

9.8K 195 4
                                    

Chapter 26

Cattleya's POV

"ANO bang s-sinasabi mo?" Kahit na may posibilidad na nakita na niya ang laman ng kahon ay ayaw ko pa rin umamin sa kaniya.

"Alam mo ang ibig kong sabihin, Cattleya!" sigaw niya. Bahagya pa akong nagulat dahil nakalapit na siya kaagad sa akin at mahigpit na hinawakan ang braso ko. "Ngayon, tatanungin kita ulit! NAGKAROON BA TAYO NG ANAK O SA IBANG LALAKI MO ANAK IYANG NASA ULTRASOUND AT RECORDS NA IYAN!?"

Kitang-kita ko kung paano napangiwi ang mukha ni Sir Steve dahil sa malakas na sampal na ginawa ko sa kaniya.

"HINDI AKO MALANDI! IKAW LANG ANG PINAG-ALAYAN KO NG KATAWAN KO MULA'T SAPUL NA NAKILALA KITA! AT OO, NAGKA-ANAK TAYO! NABUNTIS MO KO NO'N PERO NAMATAY SIYA! NAMATAY NA! WALA NA!" Humahagulgol na ako habang sinasabi ko ito sa kaniya. Nakita ko ang labis na pagkagulat sa kaniyang mukha.

"B-bakit hindi mo sinabi sa akin iyan noon? Hindi ba't nakipaghiwalay ka sa akin dahil g-ginamit mo lang ako? Ang pera ko!?" Si Sir Steve na nakatingin pa rin sa akin.

Hilam na hilam ang mga mata ko nang salubungin ko ang mga mata niyang naguguluan.

"N-nagsinungaling ako sa'yo dahil alam kong hindi ka papayag na makipaghiwalay ako sa iyo. Sinabi ko 'yon para wala ka ng masabi pa." Pagpapaliwanag ko.

"Pero bakit ka nakipaghiwalay kung buntis ka naman pala sa anak natin," aniya sa akin.

"Noong araw na sasabihin ko na sanang buntis ako, nakipagkita sa akin ang tita Cynthia mo." Nakatingin ako sa kaniya. Naguguluhan pa rin siya sa lahat. "Pinakiusapan niya akong... i-iwanan daw kita dahil makakasira lang d-daw kami ng baby ko sa kinabukasan mo." Lalo na naman akong umiyak nang maalala ko ang pag-uusap namin ni Tita Cynthia.

"At bakit niya iyon gagawin?"

"Hindi ko alam. Ewan ko. G-gusto kasi niya na ipalaglag ko ang b-bata pero hindi ako pumayag. Kaso ang kapalit noon ay... ay ang iwanan daw kita." Nanlalambot akong napaupo sa sofa. May biglang kumirot sa aking puson pero hindi ko pinansin.

Tumalikod sa akin si Sir Steve.

"Bakit namatay ang anak natin? Na paano siya?"

"N-namatay siya nung p-pinanganak ko siya," lalong tumitindi ang sakit ng puson ko kaya na napahawak na lamang ako rito.

Naramdaman ko na parang may bumagsak mula sa pwerta ko kasunod noon ang malagkit na kulay pulang likido ang unti-unting bumasa sa aking suot na short. Napahawak ako sa hita ko na may dugo habang nanginginig ang buong katawan.

Lalo ako napaiyak nang kumirot ng matindi ang puson ko.

Nakaramdam ako ng takot.

Takot na baka mawala na naman ang baby ko.

"S-Steve..." tawag ko sa kaniya. Lumingon siya at kitang-kita ko ang pagkagulat niya habang sa kamay kong may dugo siya nakatingin. "A-aray... S-Steve, d-dinudugo ako..."

"N-napapano ka? CATTLEYA? CATTLEYA!!" Iyong lang ang huli kong narinig sa kaniya. Unti-unti na kasing nagdilim ang paligid ko.

Agatha's POV

"NASA ospital daw sila Sir Steve at Cattleya," narinig kong sabi nung isang bakla na ka-officemate ko. Nasa lobby kasi ako at kasalukuyang hinihintay umuwi si Cattleya at Steve.

"Talaga? Paano mo naman nalaman iyan saka bakit? Anyare?" tanong naman ng isang babaeng matangkad.

Lumapit ako sa kanila dahil bigla akomg nakaramdam ng pag-aalala. "Excuse me," wika ko upang makuha ang atensyon nila.

LUST, LOVE AND PASSION (COMPLETED)Where stories live. Discover now