🌸CHAPTER 25🌸

9.5K 194 4
                                    

Chapter 25

Cattleya's POV

"SAAN ka pupunta?" tanong sa akin ni Sir Steve nang maabutan niya akong palabas ng unit niya.

"Tumawag kasi si Jannice, may kailangan po sa akin sandali. Iche-check ko lang." Pagsisinungaling ko. Ayaw ko munang sabihin sa kaniya ang kondisyon ko maliban na lang kung sigurado na ako. Magpapa-check-up ako ngayon sa isang hospital kung saan nagtatrabaho ang  kaibigan kong nurse.

"Bakit? May problema ba?"

"Wala naman. Baka nag-iinarte lang siya."

"I'll come with you," turan nito.

"Huwag na." Natawa pa akong pilit dahil hindi na maipinta ang mukha niya. Naku, ang sarap kurutin ng mukha niya e. Nakakagigil lang, "Kaya ko naman na. Una na ako, bye." Paalam ko saka mabilis na lumabas ng unit niya. Narinig kong may sinigaw siya pero sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko na narinig kung ano man iyon.

"KINAKABAHAN ako, Nice." Pabalik-balik ang lakad na ginawa ko sa harapan ni Jannice. Ito naman ay prenteng naka-upo sa isang bench habang kumakain ng santol saka bagoong.

"Maupo ka nga muna kasi, masyado kang nagpapadala sa nerbyos mo. Bawas-bawasan mo ang kakainom ng kape, p'wede?" aniya bago nagsawsaw ng maasim na kinakain niya sa bagoong na may sili. Nakaramdam ako ng pangangasim kaya inagaw ko iyon sa kaniya bago pa niya masubo. "Wow! Rated PG lang ang peg, Catt? Ang dami sa plastic, o? Tapos 'yan pa talagang isusubo ko na lang ang kinuha mo?" angil niya sa akin.

"Ang shunget mo naman," wika ko habang ninanamnam ang buto nung santol, "Baka nakakalimutan mo, ako bumili nito."

"Naku! Kadamot nitong si buntis," ngisi niyang sabi. Gusto ko siyang batukan. Pero infairness, nakaramdam ako ng pananabik.

"Panget mo!" Sinamaan niya ako ng tingin nang sabihan ko siya noon. Natawa naman ako dahil ngumuso siya. "Joke lang! Ganda mo kaya. Kristen Stewart ang peg mo, e."

"Naman!" Nasabi na lang nito saka muling nagbukas ng santol.

"Miss Cattleya Evangelista?" Narinig kong tawag nung nurse sa aking pangalan. Nagtaas ako ng kamay saka sumunod dito. Naiwan si Jannice sa labas dahil bawal ang bantay sa loob ng clinic nung OBGyne.

Pagpasok ko ng clinic ay amoy alcohol kaagad ang naamoy ko. Ang weird pero parang gusto kong bumili ng ganitong brand para mayroon din ako.

"Good morning, Dok. May resulta na ba ang pregnancy test ko?" Ngumiti ito sa akin saka binasa ang resulta na nasa puting bond paper.

"Congratulations, Miss Evangelista. You're 3 weeks pregnant." Nakangiting wika sa akin ng OBGyne na tumingin sa akin.

Hindi maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko. Tama ang hinala ko. Buntis nga ako! Nagdadalang-tao ako at --si Sir Steve ang ama.

Naluluha kong kinuha ang resulta sa OBGnye na kausap ko saka binasa.

"T-thank you, Dok." Nasabi ko na lang habang umiiyak.

"Huwag ka sa akin magpasalamat. Kay God dapat dahil siya ang nagbigay sa iyo ng isang blessing. Biyaya na walang kapantay."

"Salamat pa rin po." Tuwang-tuwa akong lumabas ng clinic. Napatayo naman kaagad si Jannice saka ako sinalubong.

"Ano raw?"

"Positive!" Galak na galak kong pagbabalita sa kaibigan ko.

"Yehey! It's official!"

Natigilan ako. "Anong official?"

"E, kanina kasi hindi pa tayo sigurado pero ngayon, sure na sure na! Yehey! Let's celebrate!"

LUST, LOVE AND PASSION (COMPLETED)Where stories live. Discover now