🌸PROLOGUE🌸

32.3K 398 6
                                    

PROLOGUE

Kinakabahan na pumasok si Cattleya sa bahay ng kaniyang boyfriend na si Steve. Napatingin siya rito habang sinasara nito ang pintuan.

"Nasaan nga pala sila Tito?" Tanong ng dalaga sa nobyo na ngayon ay nakapasok na rin sa loob ng bahay.

"Wala. Nanganak na kasi si Ate Scarlet kaya lahat sila nasa hospital para bisitahin." Nakangiti nitong sagot sa kaniya.

Lalo siya nakaramdam ng kaba dahil naisip niyang sila lang pala ni Steven ang nandoon. Hinila siya nito papunta sa sofa at binuksan ang electricfan at tv. "Anong gusto mo?" Tanong nito.

Hinawakan nito ang braso niya kaya napaigtad siya. May animo kuryente na naman kasing gumapang mula rito papunta sa kaniyang katawan. "W-wala. Busog pa naman ako." Ngumiti siya rito.

"Sure ka?" Tanong nito. Tumango lang siya saka itinuon ang mga mata sa harapan ng tv.

Naramdaman niya ang mga palad nito humawak sa kaniyang kamay. Napatingin siya rito. Nagtama ang kanilang mga mata at ngumiti ito.

"I love you," anito. Dahan-dahan lumapit ang mukha nito sa kaniya. Maya maya pa ay lumapat na ang labi nito sa kaniyang labi.

Sa una ay banayad lamang. Tinatantiya kung siya ba ay lalaban. Alam niya na mali ito pero may kung ano sa kaniyang isipan na h'wag ito pagilan. Nakasara ang kaniyang labi nang maramdaman niya ang dila nito dito. Tila kumakatok.

Napasinghap siya nang maramdaman niya ang isang kamay nito na dumapi sa kaniyang kanang dibdib. Dahilan upang maibukas niya ang kaniyang bibig. Naramdaman niya ang dila nitong nasa loob na pala ng kaniyang bibig. Naghahanap ng kung ano. "Hmmmn" napaungol siya dahil sa kakaibang sensasyong nararamdaman.

Tinugon niya ang mga halik ni Steve. Ramdam na rin niya ang mga palad nito hinahaplos-haplos ang bawat parte ng kaniyang katawan.

Ang kaniyang blouse na kulay asul ay natanggal na rin sa pagkakasara ng mga butones. Tanging ang bra lamang niya ang kaniyang suot sa pang-itaas na bahagi ng katawan.

"Halika sa kwarto," bulong nito. Natawa pa si Cattleya dahil nagmamadali ang pagkilos ng nobyo. Mabilis silang pumasok sa loob ng kwarto at inilock pa nito ang pintuan.

"Ang lamig ng aircon, honey." Napayakap sa sariling katawan niya si Cattleya. "Sorry," bulong ni Steve. Hinalikan pa siya nito sa noo bago lumapit sa aircon at iniadjust ang temperature nito.

Ilang sandali pa ay tumabi na ito sa kaniya sa kama. "Ready?" Kinakabahan man ay tumango na lang siya rito. Dalawang taon naman na sila nito at nasa tamang edad na rin kaya wala naman sigurong masama kung magtalik sila.

Hinalikan siya nito sa tainga. Animo may bahagya pa itomg binulong kaya natawa siya. Ang halik na iyon ay bumaba sa kaniyang leeg. Napapikit siya. Ramdam na ramdam niya ang mainit na hininga nito at ang kakaibang kiliti na hatid ng mga halik na iyon.

Nanigas naman ang kaniyang katawan nang maramdaman ang mainit na labi nito sa kaniyang cleavage. Napadilat siya. Tumigil ang lalaki sa paghalik doon at malayang pinagmasdan ang kaniyang dibdib na may kalusugan.

"It'a beautiful." Napasinghap siya nang magaan nitong hawakan ang kanang dibdib niya.

"You like it?" Tanong niya.

"Yeah, tell me that this is mine. Only mine." Tila paos ang boses nito. Nakaramdam siya ng kakaibang kasiyahan nang marinig niya mga katagang iyon.

"Yes, Honey. Sa iyong sa iyo lang ang mga iyan." Ngumiti siya nang ubod ng tamis kay Steve. Ang mga sumunod na galaw nito ay napakabilis. Nagawa nitong hubarin ang kanilang mga damit sa napakabilis na sandali.

LUST, LOVE AND PASSION (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن