🌸CHAPTER 9 [PRIVATE]🌸

14.5K 199 4
                                    

CHAPTER 9

Cattleya's POV

Napalunok na lang ako ng tatlong beses nang magtama ang aming mga mata. Sinubukan kong mag-iwas ng tingin pero hinawakan niya ako sa aking batok at leeg. Tinitigan niya ang mukha ko. Parang ina-aral nito ang bawat sulok ng mukha ko.

"Catt..." mahinang tawag nito. Hindi ako sumagot sa kaniya. Parang napipi na yata ako o nahipnotismo.

Naramdaman ko ang kaniyang kamay na pumulupot sa aking bewang. Napaliyad na lang ako nang bigla niya akong siilin ng halik sa labi ko. Nanlalaki naman ang aking mata nung mga oras na iyon.

Pero sadyang taksil ang katawan ko, napaungol ako nang maramdaman ko ang bahagyang paglandas ng kaniyang mga kamay sa isang dibdib ko.

"I miss you," aniya, hindi ako sigurado kung tama ba ang narinig ko.

"What?" tanong ko nang maglayo ang aming mga labi.

"Nothing." At muli, kaniya na namang inangkin ang mga labi ko na bahagyang nakabukas noon kaya malayang nakapaglakbay ang kaniyang dila sa loob ng aking bibig.

Tila naman nagmamadali siya sa paghawak sa aking hinaharap. Lahat ng parte sa aking katawan ay kaniyang dinama.

Rinig ko ang pag-ungol niya nang tumugon ako sa kaniyang mga halik.

'Oo na. Kinain ko na. Ang sinabi ko kanina. Wala e. Natangay na ako. Bakit ba? Mahal ko siya'

Nagulat na lang ako nang bigla niya akong buhatin at dalin sa kwarto niya. Marahan niya akong inihiga sa kama bago siya tumayong muli. Tumalikod siya sa akin bago lumabas ng kwarto. Naiwan akong parang tanga.

'Fuck!'

'Ano? Mangbibitin ulit siya?'

Ilang minuto pa akong nakatitig sa pinto. Gusto ko siya sundan upang sipain sa alaga niya. Gusto ko siya sapakin.

'Teka! Bakit parang disappointed ako masyado? Maganda nga iyon di ba?'

Nalamukos ko ang mukha ko. Napahiga na lang ako sa kama niya. Para namang inaantok ako. Napipikit ako.

"CATTLEYA!" Napabalikwas ako nang marinig ko ang baritonong boses ng amo kong bipolar! Kinuha ko ang kumot at pinangbalot sa katawan kong hubad. Lumabas ako ng kwarto at tinungo kung nasaan siya.

"What?" Taas kilay kong tanong sa kaniya. Nakita ko siyang nakatayo sa pintuan ng CR at may hawak na POSAS?

'THE FHUDGE!'

"Ano 'yan?" tanong ko ulit. Napangisi siya bago humakbang papalapit sa kinatatayuan ko. "B-bakit ka may p-posas?"

Hinila lang niya ako at dinala sa banyo. Ano bang trip niya? Kinakabahan ako.

Nataranta ako nang bigla niyang iposas ang isa kong kamay at ang isang bahagi nito ay ikabit sa sabitan ng tuwalya. "M-may susi ba iyan?" tanong ko.

"Wala."

"Shit naman, sir Steve! Ano ba itong gagawin mo sa'kin?"  Ang sagwa kong tingnan.

Hubo't hubad tapos nakaposas ang isang kamay.

At ang mokong, tinitigan pa ang katawan ko. Punong-puno ng lust ang mga mata niya. Nakaramdam ako ng hiya. Kinipot ko ang mga hita ko at tinakpan ng kamay ko na walang posas ang mga dibdib ko.

"Ano ba? Huwag mo nga ko tingnan nang ganiyan," turan ko sa kaniya. Hinila niya ang kamay ko.

"Humawak ka dito." Dinala niya ang kamay ko sa sabitan ng towel kung saan ako nakaposas. Kinuha niya ang ipit kong nasa lababo na naiwanan ko kanina at saka hinawakan ang buhok ko.

LUST, LOVE AND PASSION (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon