🌸CHAPTER 18🌸

9.3K 180 2
                                    

Chapter 18

Cattleya's POV

HALOS HINDI ako magkanda-ugaga sa dami ng ginagawa ko rito sa loob ng office slash library nila Sir Sergio. Akala ko pa naman ay makakapagpahinga ako ngayong araw pero nagkamali ako.

Tinambakan ako ng mga paperworks ni Sir Steve. Hindi ko naman alam kung tungkol saan ang mga ito basta ang alam ko, masakit na masakit na ang ulo ko.

"Hindi ka pa ba tapos sa mga 'yan?" Napaismid na lang ako nang magsalita siya. Nakaupo lang kasi siya at nakatingin sa bawat kilos ko.

"Not yet. Ang hirap kaya nitong pinapagawa mo sa'kin." Inirapan ko pa siya.

Nabitawan ko na lang ang mga typewriting na bitbit ko nang bigla niyang hinila ang braso ko. "S-sir?" Hindi niya ko pinansin. Basta hinila na lang niya ako palabas sa garden nila.

Maraming iba't ibang klaseng bulaklak ang nandoon. May orchids, roses, santan, gumamela at ang pinakapaborito ko sa lahat, ang cattleya.

Ang kulay ng mga ito ay magkakaiba rin. Ang sarap pagmasdan.

Masyado yata akong nadala ng magagandang mga bulaklak na ito. Hindi ko kasi napansin na binitawan na pala ako ni Sir Steve at mayroon na siyang akay na bisekleta. Ang cute nung style.

Dalawa ang mga gulong pero ang nakakatuwa rito ay ang dalawang upuan at dalawang pedalya.

"Sakay," utos niya. Nauna siyang sumakay sa harapan. Hindi ako nakakilos ng mga sandaling iyon dahil parang naiilang ako sumakay ng bike.

Hindi kasi ako marunong sumakay ng bike.

Lalo ang magpaandar.

"Ano pang hinihintay mo?" Napapitlag naman ako nang muli siyang magsalita. Natataranta naman akong sumakay sa likurang bahagi ng bike.

Sinimulan niyang pumadyak. Hindi ko alam ang gagawin ko.

'Sana pala nag-aral ako kung paano ang mag bike noon pa lang para hindi ako nagmumukhang tanga ngayon.'

Napansin ko na nakalabas na kami ng bakuran nila at binabagtas namin ang daan sa hindi ko alam kung saan.

Noong una, aaminin ko, kinakabahan ako. Pero nung mga oras na medyo nakalayo na kami. Medyo nasanay na rin ako sa pagpadyak.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko. Napansin ko kasi na malayo-layo na rin ang napuntahan namin.

"You'll see," tipid niyang sagot. Hindi na lang ako kumibo.

"ICE CREAM," alok niya sa akin habang nakaupo ako rito sa isang bench. Nasa park kami ngayon. Iyong bike na dala namin ay nakastand sa gilid ng inuupuan kong gawa sa sementong bato.

Tinanggap ko iyon. Natuwa naman ako kasi favorite ko yung flavor. Chocolate strawberry. "T-thank you." Nasabi ko na lang bago ito kainin. Hindi siya sumagot bagkus naupo rin sa tabi ko. Kumakain rin ito at pareho kami ng flavor.

Napangiti ako.

Flashback

"Tikman mo, dali." Pilit kong itinatapat sa kaniyang bibig ang kutsarang may laman na ice cream. Chocolate strawberry ang flavor nito at sobrang paborito ko.

"Ayoko nga niyan. Ibang flavor na lang kasi sa akin, Honey," aniya habang umiiwas sa kutsara.

"Try mo lang naman e. The best kaya itong flavor na ito." Napanguso ako nang nagpupumiglas niya. "Bahala ka nga. Huwag mo kung ayaw mo!" Tumalikod ako at ako ang kumain ng ice cream na hawak ko.

LUST, LOVE AND PASSION (COMPLETED)Where stories live. Discover now