🌸CHAPTER 10🌸

13.1K 215 1
                                    

CHAPTER 10

Cattleya's POV

NAGULANTANG ako nang biglang tumunog ang teleponong nakakonekta sa loob ng opisina ni Sir Steve. Dinampot ko ang awtobido at inis na tinig nito ang sumalubong sa tainga ko.

"Come here." Iyon lang tapos binaba na nito. Napasimangot ako.

'Wala man lang kasweet-sweet'

Kumatok ako nang tatlong beses bago ko pinihit ang seradura. Naabutan ko siya nakaupo at nakasandal sa kaniyang swivel chair. Nakahawak ang mga daliri nito sa sintido na para bang hinihilot.

"Sir," tawag ko sa kaniya. Tumaas ang tingin niya sa akin at saka tumayo. Gumawi ito sa isang bookshelve at may kinuha ito roon na isang manipis na papel. Nilapag niya ito sa lamesa niya at saka naupo ulit. Sinilip ko pero hindi ko hinawakan. Resumè pala ang mga ito na may litrato ng mga empleyado.

"Tititigan mo lang ba 'yan?"

"Ano ba ang mga ito?" tanong ko. Nahahawa na ako ng pagka-beastmode sa kaniya.

"Resumè. Isn't obvious?"

I rolled my eyes.

'Kalma, Cattleya'

Ngumiti muna ako nang ubod ng tamis sa kaniya bago muling nagsalita, "Ano po ba ang gusto ninyong gawin ko sa mga ito?" Ang plastic ng ngiti ko.

"They are an applicants."

"Malamang," bulong ko. Umupo na ako sa katapat na mesa niya. Dinampot ko ang isa mga litrato na nakapatong doon at tiningnan, "Bakit ako?"

"Dahil ikaw ang secretary ko."

"Bakit ako? Sa akin nga sina Sir Nico at Sir Leo ang nag-interview, e." Hindi nga interview ang nangyari. Pinilit ako.

"Shut-up, back to your place." Naiinis na tinitigan ko siya. Sarap ibato sa kaniya ang mga typewriting na ito e. Inirapan ko muna siya bago lumabas ng office niya.

"HOW'S YOUR work with him?" Tumingala ako at napangiti nang makita ko si Sir Leo na nakatayo sa harap ng table ko. Hindi ko na pala napansin ang paglapit niya.

"It's fine." Sabay ngiti ko habang sinasalansan ang mga resumès. Binasa ko ang mga profile ng mga aplikante at mamayang after lunch ko sila balak harapin.

"Lunch tayo," pabulong ang sabi niya sa aking iyon. Mahirap na baka may makarinig sa pagtatagalog niya. Natawa lang kami pareho.

Sasagot na sana ako nang sumilip bigla si Sir Steve sa pinto nito at halatang nagulat nang makitang nagtatawanan kami. Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang ba iyon. Parang dumilim ang awra nito at sumimangot. Ilang sandali lang siyang nakatingin sa akin.

Mayamaya ay pumasok na ulit sa loob ng office niya.

'Ano kayang problema noon?'

"Treat ko,"  anito at sumulyap ako sa malaking wallclock na nakasabit sa dingding na katapat ko. 11:40 AM palang kaya medyo ramdam ko na rin ang pagkalam ng sikmura ko. Wala naman sigurong masama kung makikisabay ako sa kaniya pamunta sa pantry.

"Sige, Sir. Liligpitin ko lang po ang mga kalat ko."

"KUMUSTA ANG pagiging boss sa'yo ni Steve?" tanong ni Sir Nico habang kumakain. Kasama pala namin ito na magla-lunch. Pagkarating kasi namin dito ay nandito na kaagad ang lalaking ito.

"Ayon, medyo badtrip minsan. Bipolar kasi." Narinig kong natawa si Sir Leo na nasa gilid ko dahil sa sinabi ko.

"Pagpasensyahan mo na lang, huh? Tatanawin naming utang na loob sa'yo ang pag-stay mo bilang secretary ni Steve." Medyo nasamid ako dahil naisip kong hindi lang naman ako 'secretary' ni Sir Steve.

LUST, LOVE AND PASSION (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin