🌸CHAPTER 13🌸

10K 170 2
                                    

Chapter 13

Cattleya's POV

ALAS KUWATRO na nang hapon. Marami akong nagawa sa maghapon at talagang busy ako.  Ginawa kong abala ang sarili ko sa pagsasaayos ng mga bagay na may katuturan. Hindi mawaglit-waglit sa isipan ko yung 'pretty and awesome' na yun ni Sir Steve.

Nagngingit-ngit talaga ang loob ko. Wala ako sa mood. Halos matarayan ko na nga ang lahat ng nandito sa loob ng kompanya.

"Nakasimangot ka? Anong problema?" Nangingiting tanong ni Sir Leo nang dumaan ngayon sa harap ng cubicle ko. Lalo ako nakaramdam ng inis dito nang ngumisi ito.

"Wala at wala kang pakielam!" Tumalikod ang swivel chair ko at humarap ako sa monitor ng computer.

"E, bakit ang sungit mo?" Hindi ko siya pinansin dahil alam ko na nakangiting aso pa rin ang mokong na ito. Ang sarap hampasin ng keyboard sa mukha.

"Wala ka na ro'n," wika ko habang hindi pa rin siya tinitingnan. Bad influence ang lalaking ito kay Sir Steve. Nirereto pa niya sa ibang babae. Hindi ba niya alam na 'kami'?

'Kami?'

'Saan galing yun?'

Napa-iling ako.

'Mali mali mali! Erase. Hindi kami. Hindi pa.'

May sinabi pa si Sir Steve pero hindi ko na siya pinansin. Bahala siya manigas kakatanong.

Napaisip naman ako bigla. Ano nga ba ang status namin ngayon ni Sir Steve. Kami ba? Pero hindi naman niya ako niligawan kaya hindi ko pa siya sinasagot.

'E, bakit mangyari sa amin?'

Malamang, natakot lang ako na baka ipakulong niya ako kaya pumayag ako sa set-up namin.

Isang pagkirot sa aking puso ang naramdaman ko nung naisip ko na dahil lang sa kontrata at takot akong makulong kung bakit ganito kami ngayon.

'Haist! Sumasakit ang ulo ko.'

"Catt... Catt?" Halos mapatalon pa ako nang mainig ang tawag ni Sir Steve sa akin. Wala na pala si Sir Leo. Hindi ko manlang naramdaman ang pag-alis ng lalaking iyon.

"S-sir?" tanong ko. Bahagya ko pang inayos ang aking sarili. Baka mamaya haggard na ang look ko, mawalan ng interes ang ex kong ito at maghanap ng iba.

'Iba?'

'Oo nga pala. May kasalanan ang isang ito!'

Naramdaman ko na naman ang inis sa kaniya ng maalala yung tungkol sa babae niya. Bigla ko siyang sinimangutan habang nakatingin lang siya sa akin. "Sasabay ka ba?" tanong niya.

"No," sagot ko. Ayaw ko siyang makasabay sa pag-uwi. Saka baka mamaya malaman ng mga ka-officemates namin na nakatira kami sa iisang bahay, mapagtsismisan pa kami.

"Alright." Iyon lang ang tinuran nito sabay talikod bitbit ang attachecase niya.

'Talagang iiwanan ako? Bawal ba akong magpabebe?'

Wala akong nagawa kung hindi ang tanawin lang ang likod nitong papalayo hanggang sa lumiko na ito papasok sa loob ng elevator.

"Bwisit na 'yun! Hindi man lang ako tinanong kung bakit o ano. Alright agad-agad?" Nagdadabog lang ako habang nagliligpit ng aking lamesa.

'Iniipon talaga nun ang kasalanan niya. Bahala nga siya! Tingnan natin kung hanggang saan yang pagiging bipolar mo.'

"ANG KAMA ko!" sigaw ko pagkapasok sa aking kwarto rito sa unit ko. Tumalon ako at padapang bumagsak sa kama na ilang araw ko na ring hindi nahihigaan. Inabot ko ang unan kong si Melody at mahigpit na yinakap. Pumikit pa ako nang maamoy ang pabangong binili ko pa talaga para lang sa unan kong ito.

LUST, LOVE AND PASSION (COMPLETED)Where stories live. Discover now