🌸CHAPTER 17🌸

9.5K 169 4
                                    

Chapter 17

Cattleya's POV

Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Bahagya pa akong napapikit ng tumama ang nakakasilaw na sinag ng araw sa mga ito. Halos mapangiwi naman ako nang maramdaman ang matinding pagkirot ng aking ulo. Parang binabarena ito sa sobrang sakit.

Bumangon ako sa pagkakahiga habang hawak ang ulo ko. Luminga ako sa paligid.

Nasa kwarto ko pala ako. Pero hindi sa condo kungdi sa kwarto ko sa loob ng unit ni Sir Steve.

'Sir Steve?'

Pumikit ako upang alalahanin ang nangyari kagabi.

Nag-aya si Janice mag club,

Nag-away kami nung Bipolar kong amo,

Nainis ako,

Uminom ako.

Binuhat niya ko.

Nanlaki ang mga mata ko.

B-binuhat niya ako, t-tapos... tapos...

Sinilip ko yung katawan ko. Iba na ang damit ko.

'Boxer and t-shirt na puti?'

"O, mabuti naman at gising ka na?" Nagulat pa ako nang biglang pumasok ang bipolar na lalaking ito.

"A-anong ginawa m-mo sa akin kagabi?" tanong ko habang nakahawak ng mahigpit sa kobre kamang nadampot ko upang i-cover sa sarili ko.

Ngumisi lang si loko. Tiningnan ako na para bang may ginawa akong kabalbalan nung nagdaang gabi.

"Hindi mo maalala?" Hindi pa rin natatanggal ang ngisi nito.

"A-ano nga?" Actually, may naaalala na ako. Pero malabo. Hindi malinaw.

Lumapit ito sa akin. Naupo sa tabi ko.


Napalunok ako ng tatlong beses sarili.

Bakit ba ang aga-aga, ang init sa loob ng kwarto ko? Malakas naman ang aircon.

Paano ba naman, nasabi ko bang wala siyang suot na kahit na anong pang-itaas. Ang biceps at abs. Kanin na lang ang kulang.

"Ang wild mo pala kapag nakakainom," hinawakan nito ang baba ko saka bahagyang itiningala. Nagtama ang mga paningin namin.

"Ano ba kasi yung nangyari?" tanong ko sa mahinang boses. Lakas makapanglata nung mga tingin niya sa akin.

"Secret." Humiga siya sa tabi ko.

"Wait... hindi ka ba papasok? I mean, hindi ba tayo papasok?" Alas nuwebe na kasi nang umaga nung tingnan ko sa wallclock.

"I own that company. I am the boss. Kahit hindi ako pumasok kumikita ako ng pera. Sila ang nagtatrabaho para sa akin. Kayo."

'Letche! Kasama talaga ko.'

Tumayo ito ay humakbang patungo sa pintuan.

Hindi ako kumibo. Nakasunod lang yung mga mata ko sa kaniyang likuran. Ang matikas niyang katawan.

'Ilang babae na kaya ang nakahawak sa kaniya?'

Nakaramdam ako ng inis. Parang may nag-uudyok sa akin na tumayo at sapukin ang lalaking ito. Naalala ko kasi sila nung Claui na iyon ang magkasama niya sa office na blonde ang buhok.

Tumayo ako sa kama at humakbang patungo sa cr nang magsalita si Sir Steve. Nakatayo pa pala siya roon at ngayo'y nakatitig sa akin.

"Magbihis ka't aalis tayo." Magtatanong pa sana akong kung saan kami pupunta pero lumabas na siya agad. Dumeretso na lang ako sa cr ng nakahawak pa rin sa aking ulo ang mga kamay.

LUST, LOVE AND PASSION (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu