Challenge # 01

101K 3.5K 852
                                        


Mainit - Sobra

Dasol, Pangasinan

"Grabe, ang init dito!"

Napatingin ako sa kasamahan kong si Jim habang walang humpay soang nagbubuhat ng sako ng asin. Dito, sa Pangasinan ko nahanap ang tahimik na buhay – malayo sa gulong sinimulan ko sa Metro, malayo sa kapahamakan at sa pamilya ko. Hindi ko naman kailangan magtrabaho but I wanted to fit in. Sa loob ng dalawang taong pamamalagi ko rito ay masasabi kong belong na belong naman ako – iyon nga lang, hindi talaga maitatanggi na ako iyong pinakagwapo sa lahat.

"Sorry, para." Sabi ko kay Jim sa mababang tinig.

"Bakit naman? Naapakan mo na naman ba ang paa ko?" He asked me.

"Tsk, ang init nga kasi, hindi kinaya ng mundo ang hotness ko." Sabi ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya pagkatapos ay tumawa nang malakas.

"Gago ka yata, Dondon. Minsan naiisip ko ang bakla mo, pare pero ang laki ng kargada mo. Sayang naman iyan kundi babae ang makikinabang."

Pumikit ako at nagbilang nang sampu pabalik sa isa. Hindi niya pwedeng sabihing bakla ako. Sa gwapo kong ito kung hindi ako lalaki sayang ang lahi ko. Isa lang ako sa magpapatunay na kapag nahaluan ko ang lahi ng iba ay gaganda o gagwapo ang kanila. Hindi ako bakla, naisip kong sipain sa balls itong si Jim nang maintindihan niya kung sinong bakla sa aming dalawa pero kinalma ko ang sarili ko.

Ako ang mas nakakagwapo, ako ang dapat mas umintindi.

Itinuloy ko na lang ang trabaho. Ilang sakong asin rin ang binuhat ko papasok sa warehouse. Hindi ko na nga napansin ang oras, halos maghahapon na pala nang matapos kami. Nagpaalam ako sa mga kasamahan ko para umuwi sa bahay na tinutuluyan ko. Pag-aari ko na ang bahay na iyon. Kung tutuusin, hindi ko naman kailangan magtrabaho dahil may sapat akong ipon para sa sarili ko. Hindi naman kasi ako nagpapabaya, kahit noong bata pa ako, mahilig na akong mag-ipon ng perang para sa akin. I figured that I could use that money in the near future. Business minded ang pamilya ko. Maliban sa ang gwapo na namin, matalino pa kami pagdating sap era. My father and his brothers were trained by my Lolo at an early age for the business thingy – pero dahil si Tatay ang pinakagwapo sa lahat at siya rin ang pinakamatigas ang ulo, lumisya siya nang landas at nagong masama siyang tao – but the fact that he's very handsome never changes.

Nang makapasok ako sa bahay ay agad akong naghubad ng t-shirt. Kanina ko pa itinatago ang nagsusumigaw kong hotness. Hindi ko inlalabas kasi baka pagkaguluhan ako ng mga tao sa labas – babae man o lalaki, pagkakaguluhan nila ako. Alam kong madalas sumasabog ang obaryo ng mga kababaihan dito, may – edad man o mga dalaga at dalaginding maski mga badet – mga batang bading at iyong ibang mga masa ng kabaklaan dito – wala man silang obarayo pero sumasabog iyon kapag nakikita ako.

I took a quick shower. Nang matapos naman ako ay nagluto ako ng hapunan at saka kumain na rin. Normal lang ang buhay ko dito sa Dasol. Ni hindi nga ako tumatawag sa pamilya ko. Naisip kong mas okay kung wala akong komunikasyon sa kanila. Mas mabuti kung hindi nila alam kung nasaan ako.

Nanonood lang ako nang tv nang maulinigan ko ang kaguluhan sa may dalampasigan sa likod lamang ng bahay ko. Sumilip ako sa back door at nakita kong nagkakagulo nga ang mga tao doon sa may dagat. May mangilan-ngilang bata, may aso pa akong nakita na parang may inaamoy.

Kinutuban ako. Hindi naman bago sa akin ang eksenang ito. Naisip ko na baka bangkay ang naroon. Siguro natukhang tapos itinapon sa dagat at dito naman inanod. Pasimple kong kinuha ang baril ko at isinuksok sa aking likuran. Naglakad na rin ako patungo sa kaguluhang iyon.

"Ano pong kaganapan dito?" Tanong ko sa kanila. Nagtinginan sa akin ang mga tao. Alam ko – ang gwapo ko kasi talaga. Napabuntong – hininga na lang ako. Nakita ko si Kapitan Totoy na nakatingin lang din sa akin at ngumiti.

"Naku, Dondon, nakaistorbo pa yata kami sa'yo. May babae kasi rito, mukhang lasing na lasing kaya nandito sa may dalampasigan."

Noon ko napansin ang babaeng nakaputing bestida – iyong tipong damit na ginagamit kapag magpapakasal sa huwes. Tulog na tulog iyong babae, may hawak pa siyang bote ng vodka sa kamay niya. May perlas din sa leeg niya. Napatingin ako kay Kapitan. Nakatingin siya sa dibdib noong babaeng iyon. I cleared my throat.

"Naku talaga!" Sabi ko sabay yuko. "Sonia! Bakit dito ka natulog! Hinihintay kita kagabi!" Sinabayan ko pa ng tawa ang mga salitang iyon. Napatingin sa akin si Kap.

"Kilala mo siya?"

"Opo, Kap! Kaklase ko siya noong high school!" Tumawa na naman ako. "Nagbakasyon sa akin. Kaya pala hindi umuwi kagabi!" Mabilis kong binuhat ang babaeng iyon at tinanguan si Kap para makauwi na ako sa bahay. Mabilis ang mga kilos ko. Halos takbuhin ko na ang distansya ng bahay ko bago pa man din siya makapagtanong sa akin.

Ipinasok ko ang babae sa bahay ko at inihiga siya sa sofa. Napapailing ako habang nakatingin sa kanya. Inayos ko siya. Kinumutan kahit naaasiman ako sa kaya kasi puro suka ang damit niya. Iyong amoy niya parang bulok na pechay na ibinabad sa suka at ibinuro ng sampung araw. Napangiwi ako. Pumasok na ako sa silid ko pero lumabas akong muli dahil hindi ko talaga matiis ang amoy niya.

Kumuha ako ng basin at hot towel at saka binudburan ng alcohol ang tubig at saka lumapit sa kanya. Nandidiring inalis ko ang damit niya. Nasa harapan kasi iyong buttons noon. The girl stirred a bit tapos ay medyo nasipa niya pa ako sa mukha. Nanlalaki ang mga mata ko.n

"Oy! Magpasalamat ka inaalagaan kita kahit di kita kilala! Fuck you ka, chuchuvahin mo pa ang face ko!" Pagalit na sigaw ko. Napapalatak ako pagkatapos ay itinuloy ko na lang iyong ginagawa ko.

I took her dress off, underwear na lang niya ang natira. Kulay puti iyon tapos cotton. Napalunok ako. Maganda naman ang katawan noong babae pero ang dumi talaga niya. I shook my head. Dinampian ko ng tuwalya ang gilid ng labi niya. May bangas ang gaga. Nakakadiri talaga pero dahil gwapo ako mandatory na dapat malinis ang puso ko at mabait ako. Sabi nga, an ugly attitude wrecks a beautiful face. At hindi ako papayag na masira ang kagwapuhan ko.

Pinadaan ko sa pagitan ng dibdib niya ang tuwalyang basa. I was grinning. Makinis ang babaeng ito. Nakakalibog siya pero kailangan kong pigilan ang sarili ko dahil hindi ako pumapatol sa babaeng passive.

Gusto ko iyong lumalaban ng laplapan saka iyong nangangalmot. I want my women wild and hot – parang si first love na itago na lang natin sa pangalang Reese. Napabuntong hininga na lang ako nang maalala ko kung paano niya dinurog ang puso ko. Isa rin siya sa mga dahilan kung bakit umalis ako noon sa Metro at naisipang dito na lang muna manirahan.

It's been years but the love I have for her doesn't fade. At araw-araw, lalo na kapag nakikita ko ang mga posts niya sa IG kasama si Heath Demitri ay para bang inaapakan ang puso ko.

Hindi ko na siya mababawi kahit gusto ko dahil dumating na siya sa puntong mahal na niya si Heath at hindi na daw niya kayang mabuhay nang wala ito sa tabi niya. She wanted to build a life with him and a world around him – which I find romantic pero dahil hindi naman ako included sa plano niya ay nabwisit lang ako.

Nang matapos kong linisin ang babae ay dinamitan ko siya nang isa sa mga t-shirts ko. Malinis na siya – she's an ordinary looking girl – lahat naman yata ng babae ay ordinary para sa akin. Si Reese lang ang maganda sa paningin ko pero kahit iyon ay hindi ko na pwedeng sabihin sa kanya because I screwed up.

Nakaapekto talaga sa buhay ko ang desisyon kong iyon. Kung minsan ay naiisip kong mas dapat kong sinunod si Tatay kaysa ang sarili ko siguro kung ganoon ang ginawa ko, nasa akin pa rin ang pagmamahal niya.

Hindi totoong absence makes the heart grow fonder. Nakalimutan ako ni Reese, napunta sa iba ang pagmamahal na dapat para sa akin.

Patayo na ako nang makita kong nagmulat nang mata ang babae. I am expecting her to shout because I am a stranger but she sat up first and looked at me. Nakahinto lang naman ako at hindi nagsasalita but then, she started wailing like a little girl.

"Tyler!" She screamed. Yumakap siya sa akin. "Tyler! Why did you have to stop loving me! Tyler!"

Hindi ako makagalaw. Ang higpit – higpit ng yakap niya...

Sino si Tyler?

Kung sinuman siya, mas gwapo ako sa kanya – that's for sure. 

For the love of AdonisWhere stories live. Discover now