Parang ganoon na nga
Dondon's
"Pwede bang mag-isip muna ako? Kasi... kasi... Basta, balikan mo ako pagkatapos ng tatlong araw... Kailangan ko lang mag-isip..."
Kagat-kagat ko ang hintuturo ko habang iniisip ko ang sinabi sa akin ni Rizalina kanina lamang. Hindi ko talaga alam kung anong sumapi sa akin at sinabi koi yon sa kanya pero sigurado naman akong hindi iyon spur of the moment kasi nga hindi ako sinungaling na tao – kung anong lumalabas sa bibig ko, iyon din ang nararamdaman ko kaya alam kong malaki ang posibilidad na nakakapasok na siya sa pagkatao ko, hindi ko lang siguro napansin noon but she's slowly intoxicating my being.
Is that a good thing?
Nasa park ako ng village noon. Hinihintay ko si Narcing dahil sinabi ko sa kanyang kailangan ko siyang makausap. Sa mga pagkakataong ito, si Reese sana ang dapat kinakausap ko pero kahit may nararamdaman ako para kay Rizalina, alam ko rin sa sarili ko na hindi pa ako handang kausapin siya.
Hindi naman nagtagal ay dumating na si Narcing sakay ng Panamera. Kay Azulan iyong kotse na iyon. Nang makababa siya ay nakita kong may dala siyang alak. Inilapag niya iyon sa gitna naming dalawa at saka binuksan iyong isang lata ng San mig lights.
Nag-toast kami sabay inom.
Sabay rin kaming nagbuntong-hininga.
"Ang gwapo ko."
Sabay rin naming nasambit iyon. Napatingin ako kay Narcing.
"Ano bang problema mo?"
"Kilala mo si Rizalina diba?"
"Iyong girlfriend mo?" Tanong ni Narcing.
"Oo, pero hindi ko naman kasi siya girlfriend talaga. Nagpapanggap lang kami. Ang cliché nga pero kanina sa sobrang yamot ko sa syota niya dati, kasi nga sinampal siya – eh wala namag karapatan iyong gagong iyon, burat noon sing laki ng cocktail hotdog wala pang bayag iyong gagong iyon – binaril ko iyong kotse niya. Pasalamat nga siya kotse lang iyong binaril ko – kadali ko siyang patayin in broad daylight. Alam mo naman, sobrang galing ko, ang gwapo ko pa."
"Given na iyon. Mas gwapo nga lang ako. Oh, ano nga palang problema?"
"Nasabi ko kasing gusto ko nang totohanin ang lahat."
"Oh? Anong problema?"
"Hindi ko alam... Kapag pumayag siyang totohanin ang lahat, anong gagawin ko? Paano mo ba nalaman na si Azulan na ang gusto mo?"
Nagkibit-balikat si Narcing.
"Basta noong nalaman kong siya na, inialay ko na sa kanya ang hotness ko pati kagwapuhan ko. May umepal nga lang pero at least kami pa rin at may mga anak na kami ngayon. Kapag pumayag iyang si Rizalina na totohanin ang lahat – ialay mo na rin sa kanya ang hotness mo. Alam mo naman tayo, loyal at faithful tayo – parang si Tatay – si Mommy lang ang mahal niya at kahit maraming obaryo ang sumasabog kapag nakikita siya, wala siyang pakialam. Si Mommy lang talaga ang gusto niya."
Tama si Narcing. Nakakabawas ng ka-gwapuhan ang pagiging manloloko at sinungaling. Gago man kami sa ibang bagay pero kapag nagmahal kami, mahal namin talaga tapos ang usapan.
Ipinagpatuloy namin ang pag-iinuman. Hindi naman nagtagal ay may isang kotse pa ang pumarada sa harapan ng park. Isang kulay pulang Panamera. Napakunot ang noo ko, mula roon ay bumaba si Red. Si Red na anak ni Uncle Simoun, si Red na kapatid ni Azulan at ni Violeta. Napatayo ako.
"RED!!!" Sigaw ko. Kumaway siya nang makita ako. Tinakbo ko ang distansya naming dalawa habang sumisigaw nang:
"Putang ina! I-Dawn Zulueta mo ako!"

YOU ARE READING
For the love of Adonis
General FictionNaniniwala si Adonis Emilio sa usong phrase na "Walang Forever". Hindi dahil sa wala siyang ka - forever kundi dahil sa klase ng trabahong mayroon siya. He was very much in love with his childhood sweetheart but he had to let her go dahil sa mga bag...