Boom! Sabog!
Ree's
Kanina pa siya nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung may dumi ba ako sa mukha pero kanina pa talaga siya nakatitig sa akin. Mula nang madala iyong lalaki sa ospital, hindi na siya nagsasalita. Kapag kinakausap ko siya ay titigan niya lang ako tapos ay hindi naman siya sasagot. Buong araw ay ganoon lang kami. Ibang tao pa ang nakikipag-usap sa akin.
Nagtatrabaho siya sa pagawaan ng asin. Nagbubuhat siya ng mga sako at habang ginagwa niya iyon ay half – naked siya. Napailing ako kasi hindi ko maiwasang tingnan siya. Iyong muscles niya sa likuran, nagko-contract. Tapos lahat ng ugat niya sa braso naglalabasan kapag kinukuha niya iyong sako at habang nakatingin ako sa kanya ay nakakaramdam ako ng init at pagkauhaw. Para malibang ako tumulong na lang ako sa mga kababaihang magtupi ng sako.
Nang mag-a-alas tres nang hapon ay napansin kong nagsisimula na silang magligpit. Siguro ay dahil tapos na ang oras ng work nila. Nakita ko si Dondon na nakikipag-usap sa mga kasamahan niya. I overheard Mang Domeng's name kaya hindi ko napigilan ang kamustahin ang matanda.
"Okay na ba siya?" Tanong ko. Napatingin sa akin si Dondon.
"Oo. Okay na siya. Kung hindi mo daw ginawa iyong ginawa mob aka natuluyan na siya. Nasa ospital pa siya ngayon, Sonia, oobserbahan daw ng mga doctor."
Masaya ako sa isinagot ng kasamahan ni Dondon sa akin. Maya-maya ay nagpaalam na siyang umuwi kaya sumunod ako sa kanya. Katulad kaninang umaga ay naglakad lang kami pauwi sa bahay.
"Hoy, galit ka ba sa akin?" I asked him. Napatingin siya.
"Hindi. Pagod lang naman ako. Ang galing mo kanina. Salamat."
"Friends ba kayo noon? Ni Mang Domeng?"
"Oo. Diba. Ang gwapo ko na mapagmahal pa ako sa kaibigan. Ako na talaga." Napapangisi pa siya. I just made a face.
"Ang conceited mo no?" Sabi ko pa sabay tumawa.
"Iba iyong conceited sa nagsasabi ng totoo." Tumawa rin siya. Bago kami umuwi ay dumaan muna kami sa palengke. Namili kami ng ulam at bigas, pati na rin mga itlog at kung ano-ano pang supplies na kailangan sa bahay niya. Nakaramdam ako ng hiya kaya kahit sinasabi niyang hindi naman daw kailangan ay nakihati ako sa pagbabayad.
Matapos iyon ay umuwi na kami sa bahay niya.
"Anong lulutuin mo mamaya?" Tanong ko pa.
"Ha? Gusto ko sana iyong itlog na pula saka kamatis. Kumakain ka ba noon?"
"Ay! Sige! Tamang – tama ay natirang kanin kaninang umaga, isasangag ko na lang!" Tumawa pa ako. Tumango si Dondon. Nagpunta na ako sa kusina para magdikdik ng bawang at ayusin ang kanin. Naisip kong mukha naman siyang mabait at mula nang makitira ako dito sa kanya ay hindi naman siya nagtatanong tungkol sa kwento ng buhay ko. Alam kong nakikita niya akong umiiyak at thankful ako dahil hindi talaga siya nagtatanong.
Nang matapos akong magsangag ng kanin at naghain na rin ako. Siya naman ay naglagay ng yelo sa jag. Pagkatapos noon ay magkasalo na kaming kumain. I was eyeing him, para bang sarap na sarap siya sa pagkain naming dalawa. I was wondering about the family he came from. Hindi rin siya nagkukwento at wala akong nakikitang picture ng kahit na sino sa bahay na ito.
Galing kaya siya sa mayamang pamilya? Mukha naman kasi ang kinis ng balat niya. Maganda at pantay – pantay ang mapuputi niyang ngipin. Mukhang nakatapos rin siya ng pag-aaral dahil marunong siyang mag-Ingles. He's got me curious about him. Parang gusto kong magtanong pero kapag nagtanong naman ako ay kailangan kong sagutin ang mga tanong rin niya kung sakali so – shut up na lang ako.

YOU ARE READING
For the love of Adonis
General FictionNaniniwala si Adonis Emilio sa usong phrase na "Walang Forever". Hindi dahil sa wala siyang ka - forever kundi dahil sa klase ng trabahong mayroon siya. He was very much in love with his childhood sweetheart but he had to let her go dahil sa mga bag...