Challenge # 16

74.8K 3.6K 908
                                        

Not a miracle

Ree's

"Spare him, please ate. Spare them all. Ako na lang."

Napaigik ako nang hampasin ako ni Ate Bon ng baril sa pisngi. Napaiyak ako lalo. Hindi ako makagalaa aa sobrang takot pero alam kong mali ang ginagawa niya at gagawin ko rin naman ang lahat para hindi masaktan si Adonis lalo na ang pamilya niya.

"I'm not going to spare anyone's life kahit iyong sa'yo pa mismo!" Galit na wika niya. "Subukan mong lumapit, Adonis, bubutasan ko ang ulo nang pinakamamahal kong kapatid."

Kinagat ko ang ibabang labi ko. Hindi ko alam kung anong iniisip ni Adonis sa akin ngayon -- siguro lahat nang masamang bagay ay nasa utak niya ngayon. Siguro iniisip niyang pinaglaruan ko siya na baka lahat nang ito ay planado pero hindi. Hindi ko siya kilala noon. Nasa Pangasinan ako para magpakasal kay Tyler. Doon kasi ang probinsya niya. Minalas lang ako dahil niloloko pala niya ako. Nagpakalasing ako noon at sumama sa isang di kilala lalaki. Sumakay kami sa bangka at nang mapansin kong minamanyak na niya ako ay tumalon ako sa dagat. Inanod ako kung saan at doon ko nakilala si Adonis

Hindi ito planado. Hindi ko siya gustong saktan. Hindi ko siya niloloko. Hindi ko siya pinaglaruan.

Isa si Dondon sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko.

Hindi ko alam na isa siya sa misyon ni Ate. Wala akong ideya na narito siya para sa bagay na ito. Kagabi ko lang nalaman na narito siya -- nagising ako dahil sinaksak niya ako sa braso. Nabosesan ko si Ate at kaya ako iyak nang iyak ay dahil sa hindi ako makapaniwalang kaya niya akong saktan.

"Ate, ako na lang. In exchange of them, ako na lang. Please let them live. They all deserve to live."

"Rizalina, pumunta ka dito. Ano bang pinagsasasabi mo?!" Basag na ang tinig ni Adonis. Hindi ko naman siya nililingon dahil ayokong makita niya ang takot sa mga mata ko. "Sabi ko poprotektahan kita. Bumalik ka dito?!"

"Ate..."

Pinaputukan ni Ate ng baril sila Dondon. Napasigaw ako. Niyakap ko ang tuhod niya.

"Alam mo ba kung anong hinihingi mo sa akin, Rizalina?" Narinig ko siya. "Ang dami kong isinugal para sa'yp dahil mahal na mahal kita. Wala nga dapat ako dito kung hindi dahil sa'yo. I became the tribute because of you -- para i-spare ng Triad ang buhay mo tapos hihilingin mo sa akin na palayain sila in exchange of your life?!"

"I was willing to die then!" Balik sigaw ko.

"And you think I will let you?! Misyon mong patayin ang mga Demitri! The triad wanted you - Hypnos to chase after Thanatos to make sure that he'll end the Demitris pero umurong ka! Natakot ka! They will kill you and you expect me to let them take the life of only sister?! Tanga ka ba?"

Napahagulgol ako.

I was once like Ate and the others. Hindi ko na matandaan kung paano ako nasali roon pero malaki ang factor ni Ate sa pagsali ko sa liga. I was still in my pre - med. I was young and very anxious. Para sa akin bonding naming dalawa ang pagsali sa organisasyon. Nag-enjoy ako kasi lalo kaming naging malapit ni Ate. We finished the training together and got our names at the same time.

She was Mors. I was Hypnos.

Two months later, I got my first assignment. I waa sent to Africa to kill a landlord na kinakamkam ang lupa nang mga native. Mabait ang employer ko. She waa a humanitarian advocate and she helped the natives to get their land back. Matapos ang matagumpay kong assignment ay nagsunod - sunod na ito. Noong una ay puro landlords lang o kayaman gahamang politiko na nagpapahirap sa mga tao -- a cheating husband, a mistress and I was okay with that. They are good for nothing people but the game changed when I got a silver card with a black ink engraved on it -- a platinum card means back up for a current mission kaya nagtaka ako because I have heard about Thanatos -- the soulless reaper that kills everything on his way. Misyon niya ang patayin ang mga Demitri. Ang malas lang dahil hindi ko kayang pumatay nang isang taong inosente - Helios Demitri and his foundation were the ones that sponsored my pre med school.

Ilang beses ko siyang nakahalubilo pati na rin ang asawa niya at alam kong mabuti siyang tao. I couldn't do the mission so I gave it up -- knowing that I would die after. Hindi ko alintana ang pagkamatay -- isang consequence iyon na kaya kong harapin pero hindi pumayag si Ate. She volunteered to do the mission in exchange of my freedom. Ibinenta niya ang kaluluwa niya sa organisasyon para makalaya ako.

The league strripped me of my name and my duties. Pinauwi nila ako at namuhay akong muli bilang si Rizalina Banzon at ipinagpatuloy ang buhay. Umuuwi si Ate pero hindi namin napag-uusapan ang mga bagay na nangyari. Hindi na rin naman ako nagtatanong dahil ayoko nang makaalam nang kahit ano tungkol sa kanila. Pinilit kong kalimutan ang lahat pero lahat talaga nang lihim ay nabubunyag.

"Ate... i'm very sorry. Ako na lang. Kill me instead of them. Make me suffer. Let them go." Umiiyak ako habang sinasabi ang mga salitang iyon. Ibinaba niya ang baril. Yukong - yuko naman ako. I guess Adonis and the others took that as an opening to attack. Mula sa likod ni Ate ay sumulpot si Blue at saka inagaw ang baril niya. Nagpambuno ang dalawang babae.

Maya-maya ay naramdaman ko ang palad ni Dondon sa braso ko.

"Let's go." Tawag niya sa akin. Umiling ako. "Halika na! Si Blue na ang bahala sa ate mo! Hindi niya papatayin ang kapatid mo kaya halika na!"

Napilitan akong tumayo pero nang lumingon ako ay nakita akong pinulot ni Ate ang baril at iniumang kay Blue. Tinulak ko si Adonis para makatakbo ako kay Ate at para mabawi ko ang baril na hawak niya.

Kaming dalawa na ang naglaban ngayon. Sinipa ko ang kamay niya para mabawi ang baril. Matagal na akong walang sanay pero kaya ko pa naman.

"You're taking their side! After all the things that I've done!" Panunumbat ni Ate.

"Kumakampi ako sa tama ate, hindi sa kanila. Alam mong mali ang patayin ang walang mga malay!"

Sinipa ako ni Ate Bon sa tyan. Kinuha niya ang baril ako naman ay nakita ang baril na nabitiwan ni Blue-- agad akong tumayo para masundan siya. Masama ang loob ko dahil kailangan kong makipagtutukan ng baril sa kanya.

"Shoot me! I dare you, Hypnos! Shoot me!" Paghahamon niya.

"Rizalina!" Sigaw ni Don. Alam kong papalapit siya pero uunahan ko siya.

"Sorry, Gwapo pero sana maniwala kang hindi ko sinadya ang lahat nang ito. Mahal talaga kita." Humihikbing wika ko. "Sana rin pagkatapos nito, ituloy mo ang med mas bagay sa'yong bumuhay kaysa pumatay. Mas nakakadagdag nang kagwapuhan."

"Ree come here! Nasa paligid si Red, in the count of three, tumakbo ka." Wika niya pa. "One! Two! Three!"

I looked at my sister. Binawi ko ang umang nang baril sa kanya at inilipat iyon sa akin.

Sabay sila ni Don na tinawag ang pangalan ko.

"Malaya na kayong dalawa."

"No! Ree!"

And as I fall down the ground, I can hear my ate's whimper. Siguro naman quits na kaming dalawa ngayon.

Next thing I saw was his face. He was crying while holding my hand. I tried shaking my head.

"I'm not a miracle..." I whispered.

For the love of AdonisWhere stories live. Discover now