Challenge # 05

84K 3.9K 1.1K
                                        

Hashtag KILIG BUR


Ree's

"Rizalina, ano bang sinasabi ng lalaking ito?"

Takang-taka si Mama habang nakatingin sa amin ni Adonis. Hindi naman siya nag-iisa, nagtataka rin naman ako. Si Una ay tulala habang nakatitig sa aming dalawa. Si Tyler naman ay umalis at isinama si Uno dahil nagugutom na ang inaanak ko.

"Ma, madali lang naman iyon. Boyfriend ko po." Mabilis na sagot ko.

"How come?" Tanong ni Una.

Hindi ako nagsalita. She doesn't deserve to hear my voice. Magpapaliwanag pa sana ako nang biglang bumukas ang pinto ng lounge. Mula roon ay pumasok ang isang doctor. Pakiramdam ko nakakita ako ng apparition habang nakatingin ako sa mukha noong doctor. She smiled at us.

"Don? Kamusta ka na? Nandito ka pala. Kilala mo sila?"

The doctor has beautiful face and hair. Medyo chubby siya pero maganda siya at para bang wala siyang pores sa mukha o kaya man black heads o white heads.

"Hi, Ave."

Pinanood ko sila habang nagbeso silang dalawa. Si Mama naman ang nagsalita.

"Akala ko ba boyfriend mo iyan? Bakit hinahalikan niya ang doctor ng Papang mo?!"

"Ay naku, hindi po Mrs. Banzon." Natatawang sabi ni Doc. "Pinsan ko po si Don. Bale iyong Mommy ko, saka Mommy niya magkapatid po."

Natahimik si Mama.


"Saka sorry po, na-excite lang po akong makita si Don. Matagal-tagal na kasi iyong huli. That was a year ago sa hospital Christmas party diba? Sinundo mo si Mommy Gina. We have to catch up after ng rounds ha. Anyway... is this your daughter, Mrs. Banzon? Hello, my name si Ave Maria Varess – Consunji. I'm your Dad's doctor. Sabi ni Madame here, med student ka daw kaya siguro mas madali kong ma-e-explain sa'yo ang gagawin sa daddy mo."

Kinausap niya ako at mas madali ko ngang naintindihan ang mga bagay na iyon. We're talking about replacing my dad's knee caps dahil na-damage iyon ng bala na tumama sa tuhod niya. The operation will last for hours dahil gagawa sila ng implant na kasukat at kasing tibay ng knee caps ni Papang – sabi nga ni Doc – it will be almost like the real thing. Mataman akong nakinig. Dr. Consunji was very polite and she was very patient in answering Mamang's questions at hindi lang iisa iyon – napakarami talaga.

Regarding naman sa tubig sa baga ni Dad, kakausapin pa kami ng isa pang doctor niya. Mukhang magiging madugo ito.

After almost thirty minutes ay nagka-ayusan na rin kami. Babalik si Dra. Consunji sa oras na maiayos niya ang implant model and from there, gagawin nila ang ilalagay kay Papang.

Naiwan na naman kami sa lounge na iyon. Hindi ako nagsasalita. Katabi ko sa upuan si Dondon habang si Mama at si Una ay nagsasalita. Ipinapakita ni Mama kung gaano siya ka-disappointed sa akin.

"Hindi ko alam kung anong nangyari sa'yo, Rizalina! Ang tino-tino ni Tyler. May magandang trabaho! Manager ng isang malaking car company! May sarili nang bahay, may kotse, may pangarap sa buhay and he's ready to settle down tapos anim na taon kayong magkarelasyon ipinagpalit mo sa mukhang tambay na iyan?!"

"Pero Mama..." Bumanat si Adonis. "Nagmamahalan po kami."

Nanlalaki ang mga mata ko.

"Maipapakain mo ba sa anak ko ang pagmamahal na iyan? Ano bang trabaho mo?"

"Hired assassin po ako." Sagot niya. Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Lalo namang nag-init si Mama.

"Ganyan ba iyang gusto mong makasama sa buhay? Hindi marunong sumagot nang maayos?! Anong trabaho mo?!"

For the love of AdonisWhere stories live. Discover now