Bulalo day
Ree's
Nakalabas na si Papang ng ospital at sa bahay na siya nagpapahinga. Balik na rin sa dati ang buhay ko – except doon sa katotohanan na boyfriend ko na nga yata si Adonis Emilio. Ginagawa naman na niya kasi lahat ng boyfriend duties. Araw-araw siyang nagte-text ng kung anong ginagawa niya at tinatanong niya rin kung anong ginagawa ko. Kapag off ko sa ospital ay magkasama kami, hinatid niya rin ako at sinusundo sa bahay kahit na ang dense ni Mama sa kanya.
Kapag magaling na magaling na si Papang ay sasabihin ko sa kanilang dalawa ang lahat. Naaawa na rin ako sa pamangkin ko at hindi niya nakikilala ang tunay niyang ama. Ayoko na rin naman talaga kay Tyler. Para sa akin isa siyang malaking gago. Nakaluwag talaga sa akin ang hindi niya na paglapit. Tuwing pupunta siya sa bahay para ipasyal si Uno ay ni hindi niya ako tinitingnan. Hindi naman iyon mahalaga para sa akin basta h'wag na h'wag na niya akong lalapitan.
Nang araw na iyon, Sabado ay nasa bahay lang ako at inaalagaan si Papang. Hindi na sa bahay nakatira si Una dahil na rin siguro sa sitwasyon namin pero iniwan niya si Uno sa bahay na hindi naman problema para sa akin at sa mga magulang ko. Mahal namin si Uno, parte siya ng pamilya namin at hindi naman niya kasalanan ang kagaguhan ng mga magulang niya.
"Pang, gusto ninyo ba ng bread?" Nakaupo siya sa living room at nanonood ng balita. Ang alam ko, nag-usap na sila ni Mama kagabi at sinabi ni Mama na gusto na niyang mag-resign si Papang sa trabaho. Kausap na rin nila si Ate sa skype kagabi at nagdidiskusyon sila. Sabi nga ni Ate hindi naman kailangan ni Papang magpulis pa dahil kaya naman niyang suportahan ang pamilya namin.
Sa Hong Kong nagtatrabaho ang kapatid ko. Mas matanda siya sa akin ang tatlong taon pero close naman kaming dalawa sa isa't isa. Mula nang nakaraang apat na taon ay hindi na siya nakauwi sa Pilipinas dahil sobrang higpit ng amo niyang Chinese pero mahigpit man iyon malaki itong magbigay ng sahod at maayos naman ang trato kay Ate.
"Hindi, anak, busog na ako. Halika nga dito at maupo ka." Tinawag niya ako. Pinaupo ako sa tabi niya tapos ay inakbayan. Napabuntong-hininga ako. Alam ko na agad kapag ganito ang steps ni Papang. May sasabihin siya sa aking importante.
"Wala na daw kayo ni Tyler?" Tanong niya sa akin. "At ang sabi ng Mama mo, may naging ibang boyfriend ka daw habang kayo pa ni Tyler, totoo ba iyon?"
Napabuntong-hininga ako.
"Pang, si... uhm... si Tyler naman po ang unang nagluko." Mahinang sabi ko. Matamang nakinig si Papang sa akin. Hindi ko pa siguro sasabihin ang lahat kasi involved si Uno rito, siguro paunti-unti. "Pero Pang, iyong si Dondon po, kaibigan ko po talaga siya. Hindi po kami magnobyo sa loob ng tatlong taon. Sinabi niya lang iyon dahil tinulungan niya ako. Noong kasing tinawagan ako ni Mama para sabihin na nabaril ka, hindi ko kayang humarap sa kanila so he came with me and he told everyone that he's my boyfriend for three years. Papang, kaibigan ko siya, tinulungan niya ako noon eh."
Napatango si Papang. "Kaibigan mo pa lang din ba siya hanggag ngayon?"
Umiling ako. "Medyo boyfriend ko na po siya."
"Anak, ilang taon mo na bang kakilala ang lalaking ito?""Medyo magto-two months na po, Pang. Pero mabait siya, napapasaya niya ako! Diba kayo rin ni Mama, after two weeks nang magkakilala kayo sa Lucban noon, pinakasalan mo siya kasi mahal mo na siya."
"Oh, bakit, mahal mo na ba siya?"
Bigla akong hindi nakasagot. Natawa si Papang.
"Ganyan ka eh. Mabilis kang sasagot pero kapag iyong totoong bagay tungkol sa nararamdaman mo, nawawala ka. Mahal mo na ba siya?"

BẠN ĐANG ĐỌC
For the love of Adonis
Tiểu Thuyết ChungNaniniwala si Adonis Emilio sa usong phrase na "Walang Forever". Hindi dahil sa wala siyang ka - forever kundi dahil sa klase ng trabahong mayroon siya. He was very much in love with his childhood sweetheart but he had to let her go dahil sa mga bag...