Heto na... heto na aaahhh!!!
Dondon's
Everything seemed so perfect. Hindi nga ako makapaniwala na may perpektong bagay maliban sa akin. I'm so perfect, so handsome, so hot and so happy. Sinong nagsabi that you cannot have everything. I have everything now. Dahil nga yata sa akin kaya may nabuong kanta tungkol sa perfection. I'm so perfect!
Kasal namin ni Ganda ngayon. Ang napili niya ay beach wedding. Okay na rin sa akin iyon, gusto ko nga iyon at ang akala ko ay magbo-board shorts lang ako pero sabi kailangan formal pa rin. Hindi ko tuloy maipapakita ang abs ko sa lahat. Kunsabagay, dapat exclusive lang. Hindi nga sila mukhang may edad ni Tatay.
"Ready na, Mommy."
Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.
"I am very happy for you. Lalo na ngayon, you're settling down. Rizalina is really good for you." Hinaplos niya ang mukha ko pagkatapos ay yumakap sa akin. Hindi naman nagtagal ay lumabas na kami ng mismong silid ko. Naghihintay na pala roon si Tatay at si Narcing. Siguro nagbibihis pa si Aswell at Rocheta. Tatay smiled while looking at me.
"Tang ina ang gwapo mo anak!" Sigaw ni Tatay.
"Kanino pa ba naman ako magmamana e di sa'yo! Tang ina Tatay napakagwapo mo! Ikaw na talaga! Nasa iyo na ang lahat!"
Niyakap ko pa si Tatay tapos ay nakipag-appear ako kay Narcing. Mommy was shaking her head.
"Magpicture nga kayong tatlo." Natatawang sabi ni Mommy. Pumwesto kaming tatlong. Nagpalit pa kami ni Narcing ng pwesto kasi dapat nasa kanan siya ni Tatay tapos ako sa kaliwa. Kasi nga siya ang number two at ako ang number three pero marami namang nagsasabi na mas gwapo at mas hot ako kaysa sa kapatid ko. Pero hinahayaan ko na lang si Narcing kasi nga mas matanda siya sa akin.
Matapos iyon ay si Tatay at Mommy naman ang nagpicture. Tawa kami nang tawa ni Narcing dahil kinukulit ni Tatay si Mommy.
"Magpaiwan na muna tayo dito, Georginang masarap. Miss na miss na kita eh."
"Magtigil ka nga Ido! Friday ngayon! Day off!"
"Ma! Tay! Baka naman masundan pa si Aswell niyan!" Nang-aasar na wika ni Narcing. Natawa si Tatay.
"Matagal nang walang bata sa bahay. Hindi pa naman menopause ang mommy ninyo! Anong malay natin!"
"Thaddeus nga!" Mommy said. Nagtawanan kami at saka sabay na lumabas nang villa. My knees are shaking. Nakakatang ina ang kaba. Dati akong assassin. Ang dami kong napatay sa iba't ibang bansang napuntahan ko. Ang dami ko na ring babaeng naikama - expected na iyon kasi ang gwapo ko pero ngayong ikakasal ako, ang lakas nang kaba ko putang ina talaga!
Paglabas ng villa ay naroon na si Aswell at Rocheta. Rocheta was wearing a white gown. Mahaba iyon na para bang pangkasal na rin. Siya kasi ang kinuhang maid of honor ni Rizalina. Si Aswell ay naka - sun dress na kakulay naman ng gown ni Mommy.
Lumapit kami sa kanila pagkatapos ay naglakad papunta sa amin ang photographer para kuhanan kami ng family picture.
Noong una ay kaming lahat - nakagitna si Mommy at Tatay sa aming magkakapatid pagkatapos ay silang dalawa. Humiling pa ng isa si Mommy iyong picture na kaming magkakapatid. Iginitna namin si Etang at Aseng. Napapalatak ako - perfect masyado ang picture sa ganda at gwapo namin.
Matapos iyon ay nagpunta na kaming pamilya sa pagdarausan ng kasal.
Pamilya at kaibigan lang ang imbitado. Very intimate ang kasal naming dalawa dahil halos sixty na katao lang ang naroon - mula sa malalapit na kaibigan, pamilya ko at sa pamilya niya. Hindi ko talaga inasahan na daratin kaming dalawa sa oras na ito.

YOU ARE READING
For the love of Adonis
General FictionNaniniwala si Adonis Emilio sa usong phrase na "Walang Forever". Hindi dahil sa wala siyang ka - forever kundi dahil sa klase ng trabahong mayroon siya. He was very much in love with his childhood sweetheart but he had to let her go dahil sa mga bag...