Is it too late to say sorry...?
Dondon's
"This is her heart."
Dinala si Rizalina sa Varess Medical City pero sa underground siya idinaan. Hindi pwedeng idaan si Ree sa loob nang ospital dahil may GSW siya at kapag ganoon ang kaso, mandatory ang paggagawa ng police report ukol dito. Nag-aalala ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. I told her that she would never be hurt again and yet she's in the O.R. and her life's on the line.
Kasalanan kong lahat ito.
"And this is the GSW."
Nakatayo si Rocheta at si Uncle Marcus sa harapan naming lahat habang in-e-explain kung anong gagawin nila sa puso ni Rizalina. Pakiramdam ko ay na-trap ako sa isang bangungot dahil sa nasaksihan kong ginawa ni Rizalina.
"Nasa chest wall iyong bala, pero may crack na iyong wall na iyon at malaki ang possibility na pumasok iyon sa puso niya which will damage her arteries which will make her heart stop and then she'll die."
Napakuyom ang mga palad ko. Nakikinig lang ako kay Rocheta pero hindi ko nagugustuhan ang sinasabi niya.
"Hindi pwedeng mamatay si Ree." Tumayo ako. Napatingin sa akin ang kapatid ko.
"Chill ka lang, Diko. Diba nga, sobrang galing ko, sobrang ganda ko pa – I'm a miracle maker and I can fucking save her life."
Sa pagkakataong iyon ay hindi ako makalma ng kahit na sino – maski ng repleksyon ng kagwapuhan ko sa salamin. Lumabas ako ng silid kung nasaan ang buong pamilya at naisipan kong silipin si Rizalina. She was inside the O.R. – wala siyang malay at napapaligiran siya ng mga nurses. I couldn't take the image of her shooting herself out of my mind. Parang pelikula iyon na paulit-ulit kong nakikita sa utak ko.
Tumalikod akong muli. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nag-text si Red kanina para sabihin na sumuko si Bonifacia sa mga pulis at inamin niyang siya ang nag-ambush kay Yto Consunji at ang pumatay kay Eos Demitri at Tia Vejar. Siguradong makukulong siya dahil malaking pamilya ang binangga niya. Hindi ako natutuwa – matutuwa lang ako kapag narinig ko na ulit si Ree na tinawag akong Dondon o kung uungot siya nang Dondon nga!
Gusto kong sabihin sa kanya na magagalit si Lord kapag iniwan niya ako. Hindi niya ako dapat iwan. Hindi nga dapat niya ginawa iyon. Sa totoo lang, wala naman akong pakialam kung siya ba si Hypnos o kung sinong Poncio Pilato o kung sa tingin niya hindi siya miracle – for me, Rizalina is my miracle. Dumating siya sa buhay ko nang hindi ko inaasahan. Ginamot niya ang walang hanggang kalungkutan ko, ibinalik niya ang kulay sa buhay kong nawala nang piliin ni Reese si Demitri.
Wala akong pakialam kung anong nangyari sa kanya bago kami nagkakilala – hindi nagbago ang tingin ko – she's still pure and she's still my miracle.
Natagpuan ko ang sarili ko sa loob ng chapel sa loob mismo ng ospital. Lumaki kami ni Tatay na may takot sa Diyos at halos linggo-linggo kaming nasa simabahan. But I stopped coming here when I decided to take a different path. Tinigilan ko na rin ang pagdadasal dahil kumikitil ako ng buhay. Tia Vejar died and I questioned Him why.
Now... I found myself kneeling in front of Him asking for a second chance with Rizalina.
Pinahid ko ang mga luha ko.
"Kunin Ninyo na po – lahat pati kagwapuhan ko, ibalik ninyo lang sa akin nang nakangiti si Rizalina..." Mahinang dasal ko. Hindi ko alam kung maririnig Niya ba ako. This is the most crucial and the lowest moment of my life. Ito iyong puntong hindi ko talaga alam kung anong dapat kong gawin. Hindi ko alam kung anong resulta nito. Gusto kong manalig sa Kanya, manilawang hindi niya ako pababayaan sa kabila nang mga nagawa ko noon.

YOU ARE READING
For the love of Adonis
General FictionNaniniwala si Adonis Emilio sa usong phrase na "Walang Forever". Hindi dahil sa wala siyang ka - forever kundi dahil sa klase ng trabahong mayroon siya. He was very much in love with his childhood sweetheart but he had to let her go dahil sa mga bag...