Challenge # 06

90.3K 3.1K 930
                                        


Katotohanan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Katotohanan

Ree's

"Mag-usap naman muna tayo."

Pagpasok ko pa lang sa family lounge ay iyon agad ang bungad sa akin ni Tyler. Naroon rin si Una at nakatingin siya sa aming dalawa. Tumayo rin siya at lumapit sa akin.

"Please, Ree... mag-usap muna tayong tatlo."

"Wala tayong dapat pag-usapan. You can go on with your lives and I will go on with mine. Now, if you'll excuse me, ilalapag ko itong gamit ni Papang." Lumayo ako sa kanila pero sinundan ako ni Tyler. He took away Papang's things and made me face him.

"Ree, please, magpapaliwanag ako. It's not what you think. Ikaw ang mahal ko."m

Nagpantig ang mga tainga ko.

Ako? Ako ang mahal niya? May nagmamahal bang nakipag-sex sa iba, nagkaanak, tapos hindi man lang sila nagkaroon ng konsensya para sabihin sa bata na siya ang ama nito. Ako ang mahal niya pero tinorjack niya ang pinsan ko – ang pinakamatalik kong kaibigan. Sa inis ko ay sinampal ko siya.

"Kung iyan ang tawag mo sa pagmamahal, pwes ayoko ng pagmamahal mo!" I hissed at him. "Ni hindi ninyo man lang sinabi kay Mama ang totoo! What do you expect me to do? Sa akin pa manggagaling ang impormasyon? Gulo ninyo ito, kayo ang magsabi sa kanya!"

"Pero wala naman kaming relasyon... We..." Tyler looked at Una. "We just fuck."

Muli ko siyang sinampal. Ipinagpalit niya ang anim na taon namin para lang sa babaeng pina-fuck niya lang? Gago! Gago! Pinagsasampal ko siya. Maraming beses. Si Una ay napapasinghap lang at pinipigilan ako

"Hey!" Natigil lang ako nang dumating si Adonis. May dala siyang pagkain saka bulaklak. Binaba niya iyon sa tabi at lumapit siya sa akin. Masama ang tingin niya kay Tyler. Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko pagkatapos ay pinagpag iyon. Napapalatak pa siya.

"Ang sabi ko sa'yo, h'wag kang hahawak ng basura, diba? Ayan, nadumihan tuoy ang kamay mo. Dirty things aren't good, my love." Kinindatan niya ako sabay halik sa mismong palad ko. Parang gusto kong mag-hyperventilate.

Pero ngumiti na lang ako.

"Ang aga mo naman." Kunwa'y sabi ko but I really feel uneasy. Napansin kong lumabas si Tyler ng lounge na iyon at sinundan siya ni Una. Nang mawala na sila ay binawi ko ang kamay ko kay Adonis saka naupo. Parang nanginginig kasi ang tuhod ko. Noon sumimangot si Dondon.

"Anong problema noong Tyler na iyon?"

"He just wants to talk." Sagot ko.

"Oh, anong nangyari? Nag-usap ba kayo?"

Umiling ako. "Wala naman kaming dapat pag-usapan. Siguro everybody deserves second chance, maliban sa kanya. Iyong ginawa niya sa akin – nila sa akin – hindi kapata-patawad." Huminga na lang ako nang malalim. Napalingon ako noong marinig kong naghilik siya. Napakagat – labi ako. Sinuntok ko siya sa braso. "Bakit ka naman natutulog diyan?!"

For the love of AdonisWhere stories live. Discover now