After
Dondon's
"Good morning, Adonis. Are you excited for your first day?"
Nginitian ko si Mom habang palapit ako sa mesa. First day na agad ang tinatanong niya hindi pa nga ako nakakaalis ng bahay. Dala ko iyong bag pack ko na may lamang scrubs saka lunch na pabaon ni Mom sa akin. Humalik ako sa pisngi niya tapos ay naupo sa dining chair.
"Mom, hindi pa ako pumapasok. Nagtatanong ka na kaagad sa first day ko. Saka pwede bang kay Uncle Marcus ako mag-service ngayon? Ang awkward kung kay Etang ako naka-under. Diko niya kaya ako. Sobrang gwapo ko, sobrang ganda niya baka masilaw iyong patients."
"Ido! Ano bang ginawa mo sa mga anak ko?" Mama muttered while rolling her eyes. Tinapik ni Mom iyong pisngi ko tapos ay ngumiti. "Galingan mo, anak. Kayang-kaya mo iyan. I am very happy with what you have decided."
Hinagkan niya ako sa pisngi at saka pinaalis ba. Paglabas ko ng bahay ay kukunin ko sana ang motor ko pero pumarada sa harap si Red na nakangisi. May dala siyang isa pang helmet.
"First day mo, hatid kita, Don?"
"Thank you, Lalabs. You've just made my day." Lumapit ako para halikan siya sa pisngi pero itinulak niya ako.
"Gago ka talaga! Umangkas ka na nga!"
"Kikiss lang naman! Diba ganoon kapag mahal mo, hahalikan mo para masaya. Isang kiss lang, Red!"
"Ulol! Tang ina mo! Umayos ka! Fuck you! Sumakay ka na nga bago kita sagasaan! Tang ina mo!"
"Sasakyan kita? Sure why the hell not!"
Nagulat ako nang pukpukin ako ni Red ng helmet sa ulo. "Lalabs, ang sarap naman ng carinyo brutal mo! Patingin nang bur!"
"Gago!"
Tatawa-tawag sumakay na ako sa motorbike niya. Yumakap ako kay Red tulad nang pagyakap nang babaeng umaangkas sa motor. Hinihipo ko pa nga iyong utong ni Red, makailang beses niya akong pinapalo sa kamay. Hindi ko kasi mapigilan. Old habits die hard.
Hindi naman gaanong traffic nang umagang iyon kaya mabilis kaming nakarating sa ospital. Bumaba na ako sa motor at akmang hahalik sa kanya pero sinupalpal niya ako sa mukha.
"Pumasok ka na doon! Sisipain kita sa bur mo! Gago!" Hindi pa man ako nakakaalis ay pinasibad na niya ang motor niya. Nagtatalon ako habang kumakaway sa kanya.
"Bye, lalabs! Take care!"
Nang tuluyan nang mawala si Red ay naglakad na ako papunta sa main building ng ospital.
Today is my first day as an intern. I am years too late pero hindi pa naman ako sobrang late. Gusto ko na rin naman ang ginagawa ko pero para bang may mabigat pa rin sa kalooban ko – siguro dahil sa kanya – dahil hindi ko na siya kasama.
I took a deep breath as I look for my sister because I am under her service today. Cardio ang titirahin ko at sa ngayon, si Etang ang pinakamagaling na resident ni Uncle Marcus. Ang buong akala ko talaga ay sa Plastics siya pupunta. Natatandaan kong gumagawa pa siya ng mga facial cream pero sa huli – sa cardio siya napunta.
I went to her office and found her in front of the mirror, admiring herself. I rolled my eyes. Gandang-ganda sa sarili itong kapatid ko.
"Wala ba tayong rounds?" Tanong ko. Ibinaba niya ang salamin at saka ngumiti.
"Kita mo ba, Diko? Walang make – up. All natural and yet very pretty. I'm so pretty. Anyway, dahil maganda ako, mag-rounds na tayong dalawa"
I rolled my eyes again.

YOU ARE READING
For the love of Adonis
General FictionNaniniwala si Adonis Emilio sa usong phrase na "Walang Forever". Hindi dahil sa wala siyang ka - forever kundi dahil sa klase ng trabahong mayroon siya. He was very much in love with his childhood sweetheart but he had to let her go dahil sa mga bag...