Blood 1 : Engaged with a vampire

112K 2.1K 187
                                    

Tiktilaok.Tiktilaok.Tiktilaok .

Lintek naman oh . Inaantok  pa ako. 

Tiktilaok.Tiktilaok.Tiktilaok .

Oo na! Gigising na ako! Ang hirap talaga pag hindi ka morning person. Or maybe, dahil napuyat ako kakabasa ng Wattpad kagabi. Sabi ko isang chapter na lang pero ayun, natapos ko yung buong libro. Hay naku. Ayun , bumangon na ako at naligo. Pagkatapos maligo , nagbihis na ako  at bumaba para kumain .


Pagdating ko sa baba nakita ko si papa at ang kabet  niya . Inirapan ko sila at umupo na sa mesa at kumain . 


'' Siguraduhin mong aayusin mo na ang pag-aaral mo ! Ayokong masangkot ka sa gulo natatandaan mo ba ? Dadalhin kita sa probinsya pag hindi ka umayos '' sabi ng magaling kong ama 

'' Kailan ka pa nagkaroon ng pakialam sa'kin ? Hindi ba yang kabet  mo ang palagi mong iniintindi.Himala naman na nagkaroon ka ng pakialam sa anak mo '' sabi ko sa kanya

'' Ayusin mo yang pagsasalita mo ! '' sabay sampal sa'kin . '' Hindi ko siya kabet ! '''

'' Whatever ! '' sabi ko sa kanya at umalis na ako papuntang school.


Galit ako sa kanilang dalawa . Dahil sa kanilang dalawa , namatay si mama . Hindi ko sila mapapatawad .May sakit si mama pero nagtrabaho parin siya kahit masama sa kalusugan niya para lang masustentuhan ang mga luho ni papa.Habang ito si papa ,nanbababae lang .Ilang araw pa lang bago mamatay si mama , pinatira niya sa bahay yung  malandi niyang kabet . Guess what ? Lahat ng mga alahas , damit , at mga gamit ni mama binenta nilang dalawa Mga walang hiya . Kaya eto ako ngayon , nagrerebelde.

                                                                     xxx

Pagdating ko palang sa gate ng school , lahat sila nagtinginan sa'kin .Pakialam ko ba ? Naglakad na ako papuntang classroom ng bigla akong harangin ni Emi at Jasper .


'' Ayos ka lang ba Ysa ? Hindi ako makapaniwala sayo , nakipag-away ka sa mga seniors ! Alam kong nagrerebelde ka sa tatay mo, pero sobra na yang ginagawa mo '' sabi sa'kin ni Emi 

'' Relax ka lang Emi , ayos lang ako  . '' sabi ko sa kanya , napatingin ako kay Jasper at ngumiti siya .

Si Emi at Jasper mga kababata ko . Mag-syota din sila .

Oo nga pala . Bago ko makalimutan ako nga pala si Ysabelle Perez . Ysa for short . 18 years old. Maganda, sexy at astig.

Naglakad na kaming tatlo papuntang classroom. Nagsimula na ang boring na klase  .

Pagdating ng uwian, nagpaalam na sila Emi at Jasper sa'kin . Magde-date pa daw kasi sila . Kaya ayun, ako na lang uuwing mag-isa .

Naglakad na ako papauwi , pagdating ko sa kanto nakita ko yung mga seniors na nakaaway ko . Meron silang dalang mga kahoy at kung ano-ano pang pwedeng pamukpok . 


Oh no . sabi ng utak ko .


Dala na rin siguro ng '' adrenaline rush '' dali-dali akong tumakbo dahil alam kong wala akong laban sa kanila . Alam ko malakas ako , pero isang babae laban sa 5 lalaki na may mga dalang kahoy ? Wala akong laban . Kaya tumakbo ako hanggang sa makakaya ko . After ng nakakapagod na pagtakbo , tumigil ako dahil kinapos na ako nang hininga . Bad move.  Na-trap na nila ako . 


'' Kamusta na Ysa , binugbog mo kami ng sobra . Humanda ka , pagbabayaran mo yun '' sabi ni Derek ,lider nung limang kumag .

'' Sorry , di kita mababayaran wala akong pera eh , Sorry ka na lang. '' sabi ko sa kanya .

'' Bitch! '' sabi niya at sumugod na siya at ang apat pang kumag .


Makakasama na kita Mama . Yan ang iniisip ko ng mga oras na yun .


Pinikit ko ang mga mata ko . After 1 minute , nagtaka ako kung bakit parang wala akong naramdam . Binuksan ko ang mga mata ko at nakita ko yung limang kumag . Apat na kumag lang pala , na nakahandusay sa sahig , duguan ang leeg .  


Tiningnan ko ang buong paligid at nakita kong may poging lalaking naka-kapa , hawak hawak si Derek at sinipsip ang dugo niya . Patay na ba ako at nakakakita na ako ng mga kakaibang bagay?


Sinipsip niya ang dugo ng limang kumag na 'to ibig sabihin ... isa siyang bampira ?! 


Pagkatapos niyang sipsipin ang dugo ni Derek , lumapit siya sa'kin , ako naman lumayo. Holy shit, is this real?


'' Lumayo ka sa'kin '' sinabi ko habang naka cross sign '' Marunong ako ng karate '' 

'' Alam ko . Wag kang mag-alala . Hindi kita sasaktan .''  lumapit siya sa'kin , lumuhod at hinalikan ang kamay ko .


Hindi ko napigilang mag-blush . Sweet naman pala tong bampirang 'to .  Waah .. Ano ka ba Ysa .. anong iniisip mo .. bampire siya ..bampira siya ! 


Tumayo siya at tiningnan ako sa mata .


'' Ako si Prince  Joseph Fangs Blood  , prinsipe ng mga Vampire Kingdom at fiancee  mo '' sabi niya sa'kin .


Fiancee ? 

At hinimatay ako sa sobrang shock .

The Vampire's bride [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon