Blood 38 - Secret exposed

30.8K 548 19
                                    

'' Tungkol dun sa tanong mo, I'm sorry . '' sabi ko . '' I'm sorry, hindi ko pa kayang makipagrelasyon pagkatapos nang nangyari . '' dagdag ko .

'' Ayos lang. Hindi naman ako nag-e-expect  na pumayag ka.  '' medyo paiiyak na siya ng sinabi niya ito .

'' I'm sorry . '' sabi ko at tuluyan ng umalis.

.............................................................................


Umaga na .

 As usual , late na naman ako nagising. Dali-dali akong nag-shower, nagbihis at kumain .  Binuksan ko  ang pinto nang bahay at nagulat ako nang makita ko si Nathan .


'' Nathan? Anong ginagawa mo dito ? '' tanong ko sa kanya .

'' Sorry, kahit na sinabi mong hindi ka pa handang makipagrelasyon.'' sabi niya at nagkamot nang ulo . '' Sorry ,hindi ko alam kong anong sasabihin .. '' sabi pa niya . Ngumiti ako at nilagay ang braso ko sa braso niya .

'' Tara na. Male-late na tayo . '' sabi ko. Nag-blush siya .


The rest of the week went smoothly. Simula nung araw na yun, hatid-sundo na ako ni Nathan sa school. Lagi na rin kaming magkasama. Unti-unti kong nakakalimutan ang sakit na nararamdaman ko pag kasama ko si Nathan. I think, madali akong makakapag move-on pag si Nathan ang kasama ko .


'' Hoy Ysa! '' sabi ni Emi at inakbayan ako . '' Hindi mo sinasabi na may boyfriend ka na! '' sabi pa niya .

'' Huh? Ano bang pinagsasasabi mo ? Wala pa akong boyfriend! ''

'' Eh sino yun ? '' sabi niya at sabay turo kay Nathan na papalapit sa'min '' Friend mo lang ? '' dagdag pa niya . Hindi na ako nakasagot dahil nasa harap na namin si Nathan .

'' Ano , tara na  sa canteen ? '' tanong ko .

'' Oh sig- '' hindi pa ako tapos magsalita nang bigla akong tinulak ni Emi. Sinalo ako ni Nathan . Ilang inches na lang ang layo nang mukha niya sa mukha ko, nakahawak ang kamay niya sa waist ko para suportahan ako mula sa pagkakahulog , nakahawak naman ang kamay ko sa shoulders niya . Ilang minutes kaming nasa position na yun .

'' Hoy ! Hanggang kailan ba kayo dyan ? '' kantyaw ng isang lalaki .Nag-blush kaming dalawa at dali-dali kong tinanggal ang kamay ko sa shoulders niya .

'' Uhmm.. tara na.'' sabi niya habang nagbla-blush .Nag-nod na lang ako.

..........................................................................

Alice's P.O.V


Buong linggo, laging may kasamang lalaki si Ysa . Nathan yata yung pangalan. Ah basta, I don't care. At least ngayon, wala nang makaka-agaw kay Joseph. Finally, matutupad na rin ang pangarap ko. Magiging reyna na ako!


Pumasok yung ''Nathan'' sa  classroom namin at lumapit kay Ysa . Si Joseph naman , as expected, he's glaring daggers to that Nathan guy. If looks can only kill, malamang patay na yung Nathan na yun kanina pa . Ano bang meron sa Ysa na yan na wala ako?


Biglang tinulak ni Emi si Ysa  at nasalo siya ni Nathan. Sayang!  Nagkatitigan sila nang matagal .Tiningnan ko ulit ang reaction ni Joseph. Mukhang ready na siyang pumatay. Tatayo na sana siya sa upuan niya nang biglang magsalita yung isang lalaki.


'' Hoy ! Hanggang kailan ba kayo dyan ?'  sabi nung isang lalaki . Nag-blush yung dalawa at binitawan ang pagkakahawaka sa isa't isa at lumabas na nang classroom .


Nakakainis talaga! Ano bang meron sa kanya na wala ako? Mas maganda naman ako!


Humanda ka Ysabelle Perez . Ilalabas ko ang baho mo!


Pagsapit ng break time, hinanap ko agad si Nathan. Nakita ko siya na nakaupo mag-isa sa garden kaya nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya.


'' So, ikaw pala ang bagong boyfriend ni Ysa .'' sabi ko . Hindi siya sumagot. How dare him! '' Ahem..ahem.. ..kailan pa naging kayo? '' tanong ko ulit. Silence again. The nerve of this guy! Who the hell does he think he is? Tumayo ako sa harapan niya and finally nakuha ko ang attention niya .

'' Miss, may kailangan ka ba sa'kin ? '' sabi niya at tinanggal ang earphones niya. This guy really pisses me off!

'' So, ano ang nagustuhan mo kay Ysa ? '' tanong ko .

'' Everything . '' sabi niya at nag-smile .

'' Everything ? Imposible na magustuhan mo lahat nang bagay tungkol sa isang tao. Ano yun pati bad traits niya gusto mo? '' sabi ko .

'' You know what, I don't know what's wrong with you pero kung sinusubukan mong siraan si Ysa, you failed . '' tumayo na siya at naglakad na papa-alis .How infuriating!

'' Pa'no kung sabihin ko sayo na bampira si Ysa !!! '' sigaw ko and I smirked.


Revenge has never been sweeter.


The Vampire's bride [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon