Blood 28- Shocking truth

32.7K 583 66
                                    

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nakahiga lamang habang nakatingin sa kisame. Natapos na ang bakasyon namin sa Puerto Galera .Wala na akong ginawa masyado sa huling araw namin sa Puerto Galera.Hindi pa rin kasi ako maka-move on dun sa nangyari sa lalaking namatay sa beach .Sana bangungot lang ang lahat.


Bored na ako dito sa kwarto ko , kaya napagdesiyunan kong bumaba muna at kumuha nang makakin sa kusina . Nasa gitna na ako nang hagdanan nang marinig kong nag-uusap si Papa at ang kabet niya .


'' Bakit hindi mo na lang palayasin si Ysa  '' sabi ni Mocha,ang kabet ni Papa.Ang kapal naman nang mukha , kabet ka na nga lang! sabi ko sa utak ko .

''Ano ka ba Mocha? Dito lang si Ysa ! ''sabi ni Papa .

'' Dagdag gastos lang yang bata na yan ! Alangan naman sa kanya na lang mapupunta lahat nang para sa magiging anak natin! '' sabi pa niya .

'' Manahimik ka nga! Dito lang si Ysa,wala ka nang magagawa dun ! ''sabi ni Papa.

'' Bakit ka ba ganyan? Kung tratuhin mo yang bata na yan para mong tunay na anak! Hindi mo naman siya tunay na anak 'di ba ? '' sabi ni Mocha.Hindi niya ako tunay na anak?


Bumaba na ako nang hagdanan at hinarap si Papa .


'' Totoo ba?Totoo bang hindi niyo ako tunay na anak ?'' tanong ko .I was speechless.I was  shocked.Galit ako sa kanya dahil siya ang may kasalanan kong bakit namatay si Mama.Pero pamilya ko pa rin siya. At least,that's what I believed. All these years, ang kinilala kong tatay ay hindi ko pala tunay na tatay ?

'' Ysa .. '' sabi niya.

'' Sagutin niyo ako. Totoo ba ? Na hindi kayo ang tunay kong ama?'' tanong ko ulit. Tumulo na ang luha ko during this time.Hindi siya sumagot instead nag nod lang siya. '' Kung hindi kayo ang tunay kong tatay ,sino ? '' tanong ko .Hindi siya sumagot. '' Sino ..?! '' pasigaw kong sinabi . Hindi pa'rin siya sumagot .Hindi ko na kaya kaya tumakbo ako palabas.


Hindi ko na kaya .Gusto ko nang maglaho sa mundo. I've been living a lie my whole life. Sino ba talaga ako ?Sino ba ang totoo kong  tatay ?Buhay pa ba siya o patay na ? Nasaan na siya?Tumatakbo ako nang may nakabangga akong lalaki,napatingin ako sa kanya .


'' Ah ,sorry ....wait..ikaw yung .... '' bago ko pa matapos ang sinasabi ko, nagsalita siya .

'' Call me Jacob.'' sabi niya . 

  ..........................................................

Joseph's P.O.V.


''What are you saying? Layuan ko si Ysa ?No way.'' sabi ko kay Papa .

'' Joseph, this is for your own good. '' sabi niya .

'' For my own good or for your own good? Tell me, ano bang problema niyo kay Ysa ? She's smart and pretty. Basically she's perfect .Ano bang  problema ?'' tanong ko .

'' Joseph ... '' sabi niya .

'' Tell me.What is it that you don't like about her ? '' sabi ko .Napabuntong hininga siya.

'' She's your sister. Anak ko si Ysa .'' sabi niya .

WHAT THE HELL ?

 ...........................................................

YSA'S P.O.V


'' I'm your real father Ysa . '' sabi ni Jacob sa'kin . He's what ?

...............................................................

A/N : Obvious naman na I got the name Edward and Jacob from Twilight because I'm a big fan haha.

Any Twilight fans here? :)



The Vampire's bride [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon