Blood 30 - You're just a plaything

32.3K 558 43
                                    

Nandito ako sa bahay nila Emi ngayon .Kilala ako nang mga magulang ni Emi kaya pinayagan nila akong matulog muna dito ngayong gabi .Nakahiga ako ngayon sa upper level nang double-deck bed ni Emi ,nag-iisip at nakatingin sa kawalan.


'' I'm your real father Ysa . '' sabi sa'kin ni Jacob 

'' Kayo ang totoo kong tatay ?  Papa'no nangyari yun ? '' tanong ko .

'' Your mother was my bride .We had a very intimate and passionate relationship . Ayun bigla na lang nangyari yun ....'' tumigil siya sandali, medyo napataas ang kilay ko . ''Sabi nila bago ka sumabak sa gera kailangan mo nang proteksyon , para iwas disgrasya  .. ''napataas na talaga ang kilay ko nang bonggang-bongga .  

''So ang ibig niyo bang sabihin ay bunga lang ako nang disgrasya ? '' tanong ko .

'' Hindi naman sa ganun.Pero kung iisipin mo nang mabuti, oo . Masasabi kong bunga ka lang nang disgrasya pero para sa'kin at para sa nanay mo biyaya ka mula sa Diyos .'' sabi niya .

'' Kung ikaw ang tatay ko ,ibig sabihin ba dhampir ako ? '' tanong ko . Nabasa ko sa isa sa mga vampire novels na hiniram ko mula kay Emi na ang tawag sa mga half human at half vampire ay dhampir.

'' Yes . '' sabi niya .

'' Kung dhampir ako ,bakit  wala akong supernatural powers katulad niyo ? Bakit wala akong pangil ? Bakit hindi ako nagcra-crave sa dugo ? '' tanong ko .

'' Normally ,ang mga vampire instincts nang mga  dhampir ay nagigising pagdating nila nang 16 years old .Pero in your case , late na-trigger ang process ng pagiging dhampir. '' sabi niya at tumigil siya sandali . '' Naaalala mo ba nung kinagat ka ni Joseph ? Dun na trigger ang vampire instincts mo .Hindi mo pa masyadong ramdam pero in the past few weeks unti-unti nang magigising ang hidden vampire instincts mo at tuluyan ka nang magiging dhampir . '' dagdag pa niya .


Great .Ang tatay ko pala ay hindi ko tunay na tatay . At nalaman ko din na ang tunay na tatay ko ay isang bampira  at isa akong dhampir .Ano naman kaya ang susunod ? Parang teleserye lang ang buhay ko.

............................................................................


Kinaumagahan, hindi muna ako pumasok sa school. Hinihintay ko kasi si Joseph. Gusto ko kasing sabihin sa kanya na dhampir na ako. Matutuwa kaya siya sa pagiging half-human and half-vampire ko ? Ewan ko ba pero masaya ako.Siguro dahil parehas na kaming dhampir ni Joseph.


Maya-maya pa dumating na ang kotse ni Joseph.Bumaba na sa kotse si Joseph . Lalapitan ko na sana siya nang napatigil ako .Lumabas din kasi sa kotse si Alice. Magkahawak ang kamay nilang dalawa . I clenched my fists .


'' Alice ? Anong ... '' hindi ko na natuloy ang sinasabi ko. I was lost for words .

'' Hi Ysa! Alam mo ba napag-isipan namin ni Joseph na gawin na ang kasal next month! Punta ka please? '' sabi ni Alice  in a fake sweet voice .Napatingin ako kay Joseph, silently begging him that this was all a joke.

'' Joseph,nagbibiro lang siya 'di ba ? Hindi ba mahal mo ako? Hindi ba ?'' sabi ko .Tumulo na ang luha ko .It hurts .

'' Ako ang mahal ni Joseph ,hindi ikaw! '' sabi ni Alice. Susugurin  niya na sana ako nang hinarangan siya ni Joseph .Lumapit siya sa'kin .

''Mahal kita ?Don't joke with me . It doesn't mean that I loved you when I kissed you . I'm just bored ,that's why I came to you . You know what , you suck at kissing maybe you should practice more.'' sabi ni Joseph  .  

 '' Joseph, ano bang pinagsasabi mo ? '' tanong ko . Desperada na ako during this time .

''You're just my plaything . Nothing more, nothing else .. ''sabi niya at umalis na. Sa kanyang pag-alis, narinig ko na madurog ang puso ko.




The Vampire's bride [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon