Blood 23 - My mother's vampire friend

38.1K 709 43
                                    

Nakahiga ako sa kama ko . Nakatingin sa kisame at iniisip ang tungkol sa sinabi ng tatay ni Joseph .Kahit na anong mangyari hindi ako papayag sa gusto niya . Sabi nga nila,''Love is a battlefield '' kaya lalaban ako hanggang sa huli.  I might regret this later but I just can't ignore what my heart is telling me. 


Pumasok na ako sa loob nang classroom . Pagdating ko sa loob , lahat nang mga kaklase ko busy  sa pag-aayos at pagde-decorate nang classroom namin para sa gagawin naming host club.In fact , lahat nang mga klase busy para sa cultural festival .                          

Umupo ako sa upuan ko at nilapitan ako ni Emi .                   


 ''Tara Ysa, mag-decorate tayo!'' yaya ni Emi.

'' Okay . '' sabi ko  at tumayo na sa upuan ko at nagsimula nang mag decorate .                  

.............................................................

Pagkatapos naming mag-decorate, pumunta na ako agad sa detention room para mag -practice para sa performance namin sa cultural festival .   


'' Tara mag-practice na tayo . '' sabi ni Aki .                      

'' Okay . '' sabi ko at tumayo na sa harap nang microphone . Si Aki sa lead guitar and second voice , Si Harley sa bass , si Raymond sa piano , si Luigi sa drums , ako yung vocalist , at si Nathan ang .... Ano nga ba .?


'' Nathan , anong instument mo ? '' tanong ko sa kanya .                        

'' Ah ..hindi ako kasali . Ako ang manager nang banda . '' sabi niya at nag-smile . Nagsimula na kaming mag-practice . I'm still into you ng Paramore  ang kakantahin ko .                  



Pagkatapos mag-practice umuwi na ako .Dumaan muna ako sa convenience store para bumili nang ice cream.Naglalakad na ako pauwi nang mapadaan ako sa malaking abandoned house. Maingay sa loob . Na-curious ako kaya pumasok ako sa loob . Nasa loob na ako nang may nakita akong bata na nakatayo sa gitna .                


'' Uhmm.. may tao pala dito ..Sorry kung pumasok ako nang walang paalam .'' sabi ko . Hindi gumalaw yung bata kaya lumapit ako sa kanya at hinawakan ang balikat niya at tiningnan siya sa mata . '' Bata, ayos ka lang ? '' tanong ko.Biglang nag-red ang mga mata niya at nag-black out pagkatapos 'nun .                                                                                

.................................................................

Binuksan ko ang mata ko . Unang nakita ko ay ang kisame . Bumangon ako sa pagkakahiga ko at tiningnan ang paligid . Nasaan na naman ba ako ? Kinidnap na naman ba ako ? sabi ko sa utak ko . Tumayo ako at napatingin sa malaking salamin . Nakasuot ako nang black dress na may violet belt . Maya-maya din ay bumukas ang pinto at may pumasok na lalaking nasa mga 30's .                    


''Buti naman gising ka na . Sorry kay Clarence . Hindi niya sinasadyang patulugin ka .'' sabi niya . May sumilip na batang lalaki sa likod niya .                            

'' Siya yung batang nakita ko kanina! '' sabi ko sabay turo sa bata .                        

'' Oo . Siya nga .Pagpasensyahan mo sana .Hindi pa niya kayang kontrolin ang kapangyarihan niya  kaya hinimatay ka kanina . '' sabi niya .                    

''Huh ?'' tanong ko . Di ko magets . Kapangyarihan? Ano bang pinagsasasabi niya ?                 

'' Ang mga vampire child ay may kakayahan na patulugin ang isang tao pag tiningnan mo sila sa mata .'' sabi niya .                  

'' Bampira siya ? '' tanong ko .                        

'' Yes . And so am I . '' sabi niya . Wow. Ang dami palang bampira sa mundo .Tiningnan ko siya nang maigi .Gwapo siya . Lahat ba nang bampira gwapo at magaganda? tanong ko sa sarili ko. Napatingin ako sa likod niya at napansin ang isang picture frame . Nilapitan ko ang picture frame at nagulat ako sa nakita ko.         


'' Mama ? '' sabi ko habang nakatingin sa picture frame . Picture nang nanay ko ang nakalagay sa picture frame .                          

'' Ah . Magkaibigan kami nang nanay mo .Bestfriends kami . '' sabi niya .Napatingin lang ako sa kanya at nagsimula na siyang magkwento tungkol kay Mama . Kwinento niya kung gaano ka wild at pasaway ang nanay ko nang kabataan niya at kung ano-ano pa . Natawa ako sa mga kwento niya .                        

'' Ah pasensya na , kailangan ko nang umuwi , mag-ga-gabi na . '' sabi ko sa kanya .                          

'' Ah sure. '' sabi niya at umalis na ako. Hindi ko alam kung bakit pero ang saya niyang kausap. It  felt natural talking to him.

...............................................................

'' Magkikita pa ulit tayo ....ANAK .''' sabi nang lalaking bampira habang tinitingnang umalis si Ysa.                   

The Vampire's bride [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon