Blood 48 - You're shitting me , right ?

32.2K 494 12
                                    

2 years later....


Masayang -masaya ako ngayong araw na 'to. Bakit kamo?Graduation namin ngayon.

Sa 2 years na nakalipas, nagka-ayos na kami ni '' Papa '' (yung peke kung tatay ), naging ka-close ko na din yung kabet niyang si Mocha and may baby brother na ako ngayon.1 year old pa lang siya. Josh ang name niya. Ang cute niya grabe. Most importantly, nagkaroon na rin ako ng pagkakataon na makilala ang totoo kong ama na si Jacob.


 ''Ano bang ginagawa mo dyan Ysa ? Tara na, baka malate ka sa graduation mo ! '' sabi ni Papa.

'' Opo ! '' sabi ko at umalis na .

                                                                             xxxx

School ....


Dumating na ako sa school . Una kong nakita si Emi syempre kasama niya si Jasper. Nakita niya ako at biglang niyakap.


'' Ysa! Mami-miss kita espren! '' sabi ni Emi habang yakap-yakap ako.

'' Same here. '' sabi ko.

'' Hindi ako makapaniwala na graduate na tayo. Ang bilis nang oras 'no ? '' sabi niya pa. Nag-smile na lang ako at umupo na sa upuan ko dahil magsisimula na ang ceremony.


I can't help but agree. Ang bilis talaga ng panahon. Parang kailan lang, naglalaro pa ako ng patintero sa kalsada at nakikipag-away sa mga seniors pero ngayon graduate na ako ng college at magtratrabaho na. I wonder  what the future has for me.

                                                                          XXXX

'' Ysa! Ba-bye na talaga espren! '' sabi ni Emi at niyakap ulit ako.

'' Ano ka ba, isang company pa rin naman ang papasukan natin eh! '' sabi ko pa.

'' Pero magkaiba tayo nang department! '' sabi pa niya.

'' So? '' 

 '' Hindi na tayo palaging magkasama! Baka ipagpalit mo ako!''

'' Ano ka ba! Ikaw lang ang nag-iisang bestfriend ko. '' sabi ko.

'' I love you talaga Ysa! '' sabi ni Emi at niyakap ako. Maya-maya pa ay may lumapit na mga kaklase ko upang ibigay ang mga congratulations nila.


Pagkatapos nang mahabang pagyayakapan at pagco-congratulate nang mga kaklase ko, sinearch ko ang buong room pero hindi ko mahanap si Joseph.


 Pinuntahan ko lahat nang pwedeng puntahan ni Joseph pero wala siya .Finally ,pumunta ako sa backstage at nakita ko si Joseph .


'' Jo- '' naputol ang sasabihin ko nang makita na hinila  siya nang 2 lalaki papalayo. Lumapit ako sa spot kung saan siya tinangay at nakita ang isang bondpaper .


                       Kung gusto mong makita pa nang buhay si Joseph ,

        Pumunta ka sa abandoned house nang mag-isa mamayang hating-gabi 


You're shitting me, right ?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

You're shitting me, right ?


The Vampire's bride [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon