Blood 15 - Bitch actress

36.5K 644 14
                                    

Bumukas na ang pinto nang classroom at pumasok na ang teacher . I was still lost in my own world . Hindi pa rin ako maka-recover sa nangyari kahapon .


 '' Tigilan mo na si Joseph dahil ako ang fiancee niya ''

'' Back off or I'll kill you bitch '' 


Great . May bago na naman akong kaaway at bampira pa . Akala mo ang bait-bait niya yun pala demonyita siya. Totoo nga na looks can be deceiving. Sinabihan pa niya akong malandi! Ang kapal nang mukha .Ako kawawa ?Kasalanan ko bang namatay ang nanay ko ? Yung tatay ko ang sisihin mo!


'' Ms. Perez can you solve this problem on the board ? '' tanong ng professor namin.

'' Huh ? '' sabi ko . Ngayon ko lang napansing nagtuturo na pala siya.

'' Please solve the problem on the board . ''dagdag niya .

'' Ah. Okay po.'' sabi ko at tumayo na ako sa upuan ko at lumapit sa blackboard .


Question :

In the triangle ABC sides AB and CB have equal lengths and the measure of angle ABC is equal to 36 degrees. What is the measure of angle BOC where O is the center of the circle?


Shit!


'' What's the problem Ms.Perez , can't you solve the problem on the board ? '' tanong nang teacher sa'kin . Obvious naman 'di ba ? sabi ko sa utak ko .

'' Sit down . Hindi mo pala alam kung paano yan then why are you not listening ? '' sabi niya sa'kin . '' Kids these days. Pumunta ka sa faculty mamaya! '' dagdag pa niya .

'' Yes sir . '' sabi ko at bumalik na sa upuan ko . Nakaupo na ako nang napatingin ako kay Alice . Nagsulat siya sa papel at pinakita sa'kin . Eto yung nakasulat: IDIOT.


Nakakainis grabe! Try niya kayang i-solve yung problem na yun sa board! Sumosobra na siya!

..............................................................

Pagkatapos ng klase ay pumunta na ako sa faculty . Pagdating ko sa loob, ang sama nang tingin sa 'kin ni Sir .


''Ms . Perez , why aren't you listening to my lessons ? Boring ba ang lessons ko ? '' tanong niya. Oo.Sobrang boring . sabi ko sa utak ko.

'' Sorry Sir ,I haven't gotten any sleep these past few days '' sabi ko.

'' Lame excuse! Tomorrow I don't want to see you not listening to my lessons understood ? '' tanong niya .

'' Yes Sir .'' sabi ko.

'' Oh by the way , pwede bang pakidala mo 'to sa office? '' sabi niya at sabay turo sa stacks of paper .

''Okay , sir . '' sabi ko at lumabas na nang faculty . Nasa ground floor ang office kaya pumunta na ako sa hagdanan . Pababa pa lang ako nang may tumulak sa'kin . Napapikit ako.


Binuksan ko ang mata ko .Uniform .Uniform ang nakita ko . Tinaas ko ang tingin ko at nakita ko si Joseph .


'' Joseph ? '' sabi ko with a shocked face.

'' Need help ? '' sabi  niya at pinulot ang mga papel na nalaglag . Ako naman , frozen on the spot . Niligtas niya kasi ako . '' Ano , tatayo ka lang ba dyan ? '' sabi niya .

'' Aahh .. '' at tinulungan ko siyang pulutin ang mga papel at pumunta na kami sa office .


Pagkatapos naming ilagay ang stacks of paper sa offie, lumabas na kami . Paalis na sana siya nang hinawakan ko ang braso niya .


'' Thank you '' sabi ko  sa kanya.

'' Hn . '' sabi niya at umalis na.


Nagsimula na akong maglakad pabalik sa classroom nang bigla akong harangin ni Alice. She slapped me . 


'' Ang landi mo ! '' sabi niya sa'kin . Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinampal ko din siya .

'' Wala kang karapatang tawagin akong malandi ! And for your information , hindi ko siya nilalandi baka ikaw ! ''  sabi ko sa kanya .

'' Dumme Schlampe ! (Stupid bitch!)'' sabi niya sa'kin at sinampal niya ulit ako.

'' Ewan ko sayo !! '' at sinampal ko din siya . 


Nagulat ako nang bigla niyang binuhos sa sarili niya ang softdrinks na hawak niya.


'' Hoy , anong ginagawa mo ? '' sabi ko sa kanya . Kinuha niya ang kamay ko at sinampal ang sarili niya .


Maya-maya pa may dumating na mga teacher.


'' What are you girls doing ?!! '' sabi nung teacher.

'' She slapped me ...  Then she poured soda on me '' sabi niya sa professor at nagsimula nang umiyak .

'' Why did you do that ? '' tanong nang teacher sa'kin.

''Wala po akong ginawa! Siya ang nagbuhos nang softdrinks sa sarili niya ! '' sabi ko .

'' Masama ang magsinungaling !! ''  dagdag pa nang professor.

'' Pero - '' bago ko pa matuloy ang sinasabi ko ,pinutol ito nang teacher.

'' Stop explaining .Go to the office right now !! '' sabi niya .Nag-nod na lang ako . '' Let's dry you up and change your clothes . '' sabi nung professor kay Alice  at naglakad na sila paalis . Tumingin sa'kin si Alice at nag-smirk . 


Ang galing. Pwede na siya maging bitch actress. UGH!!!!

The Vampire's bride [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon