Blood 36 - The vampire is getting married

30.8K 545 8
                                    

Maaga ako pumasok sa school ngayon. Hindi kasi ako makatulog kakaisip tungkol sa nangyari kay Cloud. Ang weird. Kaya eto ako ngayon,nakatambay sa library at nagababasa nang libro para magpalipas oras. Sa totoo lang, hindi ko na maintindihan yung binabasa ko. Ang dami ko na kasing iniisip-  ang pagiging dhampir ko, si Joseph, si Alice at ngayon si Cloud. Sinarado ko na ang libro at naglakad na papunta sa classroom.


Ang ingay sa loob nang classroom. Lahat nang mga kaklase ko nakapalibot kay Alice at Joseph. Nakita ako ni Alice at lumapit siya sa'kin at inabot ang puting envelope.


'' Ano 'to ? '' tanong ko sa kanya .

'' Buksan mo na lang . '' sabi niya at nagsmile . Binuksan ko ang envelope at na-shock sa nabasa ko .


You are cordially invited to the wedding of Joseph Fangs Blood and Alice Bloodsucker.


'' Punta ka huh ? '' sabi ni Alice at nag-smile .Hindi ako makasagot .I can hear my heart shatter into a million pieces. Panaginip lang ba ito?  Iiyak na sana ako pero biglang dumating ang professor namin.


You are cordially invited to the wedding of Joseph Fangs Blood and Alice Blooducker.


Paulit-ulit kong naririnig sa utak ko ang mga salitang yun. Ang sakit . I can't explain how much pain I feel right now. It hurts. 


You are cordially invited to the wedding of Joseph Fangs Blood and Alice Bloodsucker.


Tumayo ako sa upuan ko at lumabas ng classroom. Naririnig ko ang galit na sigaw ng aking propesor pero hindi ko ito binigyan ng pansin. I need some time alone.  Pumunta ako sa garden ng school.


Nasa garden na ako nang makita ko si Joseph. Nilapitan ko siya. Ang dami kong gustong itanong at sabihin sa kanya pero hindi ko alam kung saan magsisimula .


'' Ikakasal ka na pala .'' sabi ko . Wala siyang imik kaya ipinagpatuloy ko ang pagsasalita. '' Congratulations . '' bati ko . Still no response . '' Bagay na bagay kayo . '' sabi ko at tumulo na ang luha ko . Wala pa din siyang imik. ''  Aalis na ako , madami pa akong gagawin. '' palusot ko pero wala pa din siyang sinasabi. Dali-dali akong tumakbo papaalis .


Tumakbo ako hanggang sa makakaya ko. Ayoko na.  Ang sakit. Gusto ko nang maglaho sa mundo. Pinunasan ko ang luha ko at babalik na sana ako sa classroom nang makita ko si Nathan na nakatayo sa harap ko .


'' Ahhhh! Nathan,kanina ka pa dyan ? '''tanong ko sa kanya. Lumapit siya at niyakap ako .

'' Hanggang kailan ? Hanggang kailan ka iiyak para sa kanya ? '' sabi niya .

'' Nate, ano ba - '' bago ko pa matuloy ang sinasabi ko, niyakap niya ako nang mas mahigpit .

'' Kung ako yun , ibibigay ko sayo ang lahat , tratratuhin kita nang mabuti, lagi kitang pasasayahin, hinding-hindi kita papaiyakin . '' sabi niya .

'' Ano bang sinasabi mo ? '' tanong ko . Tinanggal niya ang pagkakayakap sa'kin at nagkatinginan kami .

'' Ysa ,will you be my girlfriend ? '' sabi niya .

The Vampire's bride [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon