Blood 35 - Beware of the transfer student

31.7K 537 9
                                    

Holy shit .Napasarap ang tulog ko at di ko man lang namalayan na late na pala .Bumangon ako agad sa kama ko,nag-shower,nagbihis,kumuha nang sandwhich at pumasok na sa klase.


Pagdating ko sa school ,nagkakagulo ang mga tao at may mga naghihiyawang babae .May artista ba ? Tiningnan ko kung anong meron ,nalaglag yata ang baba ko sa nakita ko. Merong napaka-gwapong lalaki na kausap ang isang professor.Wow! Talaga bang napakaraming pogi sa mundo? Maya-maya din ay naalala kong late na pala ako kaya umalis na ako at nagmamadaling naglakad patungo sa classroom.


Pagdating ko sa classroom, laking tuwa ko ng makitang wala pa yung professor. Umupo na ako sa aking silya at nagsimulang magbasa ng libro habang hinihintay ang aming propesor. Lahat na kami ay nakaupo na sa upuan namin nang dumating ang professor.


'' Okay class,I assume lahat kayo ay gumawa nang assignments niyo . '' sabi niya. Fuck! Nakalimutan kong gawin ! I sighed .'' Before I forgot,we have  a transfer student today . ''sabi pa niya .Bumukas ang pinto at pumasok ang lalaking nakita ko kanina .

'' I'm Cloud . Nice to meet you. '' sabi niya . Naghiwayan ang mga kaklase kong babae.

'' Okay Cloud ,please sit down beside Ms. Perez . '' sabi nang teacher at tinuro ang vacant seat sa  tabi ko .Lahat nang mga kaklase kong babae ay tiningnan ako nang masama .Umupo na si Cloud sa tabi ko. Ganito na tuloy ang seating arrangement namin:


                                 I       CLOUD       I        AKO        I       ALICE        I


I took a glance at him at tumingin siya sa'kin .Nag-red ang mga mata niya .Nakakatakot at nakakakilabot. Ngayon ko lang napansin pero there's something odd about him .I mean, Cloud lang?Walang surname ? Pwede ba yun? Oh geez . 


Sawakas natapos na din ang impyernong math subject namin .Pakiramdam ko sasabog na ang utak ko . Tumayo ako at pumunta sa canteen.


Umorder ako nang burger at softdrinks sa canteen .Uupo na sana ako nang makita ko si Cloud na nakatingin sa'kin .Nagkatinginan kami saglit at umalis na siya .


Pagdating ng free period ay pumunta ako sa library para magpalipas-oras. Kumuha ako nang libro: Moby Dick at umupo sa table .Bubuksan ko na sana ang libro nang makita ko si Cloud na nakaupo sa harap ko .Tiningnan niya ako na para bang gusto niya akong kainin at bumalik na sa pagbabasa niya nang libro . Ako lang ba o talagang sinusundan ako ni Cloud ?


Pagkatapos sa library ay pumunta ako nang faculty para magpasa nang research paper ko. Pabalik na ako sa classroom nang makasalubong ko si Cloud . Tiningnan niya ulit ako na para bang gusto niya akong kainin  .Sa sobrang takot ko,binilisan ko ang lakad ko papunta sa classroom . Shit! Sinusundan talaga ako ni Cloud.


Pumunta naman  ako sa locker para kunin ang music sheet ko. Pagkakuha ko nang music sheet , sinarado ko agad ang locker at pabalik na sana ako ang makita ko si Cloud na nakatayo sa harap ko,a few inches away from me. Okay,creepy na masyado . Dahan-dahan akong lumakad pabalik sa classroom .Pagdating ko sa classroom , umupo ako agad sa upuan ko at nag-sign of the cross .


Grabe , masyado na ako nagfre-freak out .Naghilamos ako sa CR at inayos ang itsura ko .Baka naman  talagang nagkakasabay lang kami ni Cloud ? Bakit kung makatingin siya parang gusto niya akong kainin, balatan at itapon ? Lumabas na ako nang CR at nakita si Cloud sa labas . That's it !Sumusobra na siya para sa isang stalker. Pati ba naman sa CR ? Nilapitan ko siya upang komprontahin.


'' Sinusundan mo ba ako ? '' tanong ko sa kanya .

'' Wag - '' sabi niya nang nakayuko .

'' Huh? '' sabi ko at lalapit pa sana ako sa kanya nang bigla niyaa kong tinulak .

'' Wag kang lalapit sa'kin! '' sabi niya at tinulak ako . 

'' Ah .... Sorry . '' sabi ko at nagkatinginan kami sandali .Umalis na siya pagkatapos nun . Ang weird grabe .Anong klase nang stalker yun ? Lapit siya nang lapit sa'kin pero ayaw niyang lapitan ko siya ? Ang labo . Bumalik na ako sa classroom pagkatapos nun .

.....................................................................

'' Cloud .. '' sabi nang lalaki.

'' Prince Joseph .. ''bati ni Cloud .

'' Anong ginagawa mo dito ?'' tanong ni Joseph .

'' Pinadala ako ni Queen Charlotte .'' sabi niya 

'' Pinadala ka ni Mama? Para saan ? '' tanong ni Joseph .

'' Pinadala ako nang nanay niyo para bantayan kayo at siguraduhin na hindi kayo makakalapit kay Ysa . '' sabi niya .

........................................................................

A/ N : Sa mga hindi nakaka-alala , Si Queen Charlotte ang nanay ni Joseph . I mentioned her name in Chapter 5.

The Vampire's bride [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon